Chapter 30: Auction Night (Part 2)

109 16 4
                                    





Malamig ang hanging madarama dito sa buong paligid. Mukhang naka-todo ang mga aircon. Pero kahit ganun walang pakialam ang mga taong nasa ibaba. Masyado silang focus sa magaganap na auction. Halos hindi mawala ang titig ko kay Martin Imperial. Tulad kanina ay busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga kasama niya. Panaka-nakang may lumalapit sa kanya at siya ay binabati. Nginitian niya lang ito pabalik.

Ilang segundo pa ang lumipas at may lalaking umakyat sa stage upang magsalita. Base sa mga pinagsasabi nito ay siya ang tatayong emcee. Bukod sa kanya ay may dalawang babaeng nasa stage. Napailing ako ng mapansin ang maikling suot ng mga ito.

"Let's Welcome the president of Black Elites Inc. Mr Ricky Silberio!"buong lakas na anunsyo nito.

Nakita ko si Ricky na agad umakyat ng stage. Ibang iba ang aura niya ngayon. Mukha siyang politiko sa asta niya. All black ang suot niyang suit. Tapos naka-wax ng maigi ang kanyang itim na buhok. Mukhang pinaghandaan nya ang gabing ito.

Seryoso niyang tinanggap ang mikroponong ibinigay ng emcee. Minabuti kong makinig sa kanyang sasabihin. Hanggang sa magpasalamat na siya sa lahat ng guest na dumating. Nagpalakpakan ang mga taong nakaupo sa kani-kanilang mga upuan. Nakangiting bumaba si Ricky ng stage. Kaya nasa emcee na ulit ang mikropono.

Sinundan ko ng tingin kung saan naka-upo si Ricky Silberio. Sa bandang gitna siya pumwesto. Tulad ni Martin Imperial ay napapaligiran din siya ng iba pang kalalakihan. Na hindi ko alam kung mga tauhan niya o kasosyo lamang sa negosyo.

Nagsimula ang auction sa mga item na may mababang halaga. Sunod-sunod na nag bi-bid ang mga guest. Bigla akong napahikab dahil sa labis na pagkainip.

"Niloloko yata ako ni Oslo. Mukhang wala namang magaganap na kakaiba."mahinang sabi ko sa sarili ko.

Sanay naman ako sa mga ganitong event. Dahil bilang Capo ng Yamaguchi Famiglia. Dumadalo ako sa mga auction upang makabili ng item na gusto ko. Kaya lang, boring ang nagaganap ngayon. Sumulyap ako sa wrist watch kong suot. Minuto nalang ang kailangan malapit ng mag alas nwebe ng gabi. So, far wala akong napapansing kakaiba sa mga taong nakapaligid kay Martin at Ricky. Iniisip ko tuloy kung nasaan si Oslo. Hindi nya nabanggit kung kasama siya sa dadalo ngayong gabi. Pero kung ako ang tatanungin. Alam kong nandito siya.

"Okay, next item. Ang Elizer necklace na pagmamay-ari pa ng dating prime minister ng Japan."patuloy na daldal ng emcee.

Muling nag bid ang mayayamang guest. Kabilang si Martin. Nakita kong napatingin siya kay Ricky na nakaupo lamang sa kabilang lamesa.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Nanatili ang tingin sa babang bahagi nitong gusali habang nakadikit sa kaliwang tainga ang hawak kong cellphone.

"Hello."walang gana kong bati sa kabilang linya.

"Naiinip ka na ba?"

Napasimangot ako sa boses ng kausap. Obvious na si Oslo ito.

"Sinasabi ko saiyo ito. Kapag ako niloloko mo lang tungkol sa plano ni Martin. Papatayin kita ng agaran."

Mas lalo akong napasimagot sa malakas niyang pagtawa.

"Huwag kang mainip, Lawliet Yamaguchi. Mangyayari ang sinasabi ko. Hintayin mo lang. Huwag mong aalisin ang mga mata mo sa nagaganap. Dahil baka isang iglap lang makatakas si Martin."

Ngumiwi ako at hindi na nagsalita. Ang mga mata ko ay nakatitig pa rin sa patuloy na pagyayabangan ng mga mayayaman para makabili ng mamahaling gamit.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now