Chapter 3: Adjustment

151 14 2
                                    







Tahimik akong nakatitig sa malawak na silid na ang kinaroroonan ngayon. Kasama ang apat na nilalang na nakilala ko lang kahapon. Kani-kaniya na sila ng asikaso sa kanilang mga bagahe. Habang ako ay nanatiling nakatayo rito at bitbit pa rin ang bag kong naglalaman ng aking mga damit.

Kasalukuyan na kaming nasa mansyon ng mga Imperial para sa pagsisimula ng trabaho bilang bodyguard.

Naging mabilis ang pangyayari simula kahapon. Agad kaming natanggap sa trabaho. Ako, kasama si Casper, Leopard, Gray, at Constello. Ewan ko kung bakit. Pero tanggap na kami kahit hindi pa actually na i-interview. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Kaya lang, yung magsama-sama kami sa iisang kwarto ay ang ayoko.

Hindi ako sanay na may kasama. Alhough, tig-isa kaming lima ng kama. Hindi pa rin ako kumportable. Ayoko ng ganito. Nakakairita.

Mas lalo akong nairita sa maingay na pag uusap ni Casper at Leopard. So far silang dalawa ang masasabi kong pinaka-maingay.

"Lawliet, ano pang tinatayo mo riyan? Ayusin mo na yung gamit mo."sabi ni Casper.

No choice akong naglakad sa pinaka-dulong bahagi nitong silid. Iyon nalang ang bakante dahil okupado na nung apat yung iba pang kama na nasa bandang unahan.

Umupo ako sa kama at tahimik na inilagay sa cabinet na nandito sa tabi ang mga damit ko. Kakaunting gamit lang ang dinala ko. Sinabihan ko naman si Lorenzo na uuwi nalamg ako sa mansyon kapag kailangan ko pa ng gamit. Sa ngayon ay heto muna.

Dahil nga kakaunti lang ang dala kong gamit ay mabilis akong natapos. Itong apat na kasama ko ay abala pa rin sa pag aayos ng kanilang bagahe. Lalo na si Casper na dala yata buong bahay niya.

Iiling iling akong tumayo sa kama at naglakad palapit sa pinto. Nang pihitin ko ang siradura nito ay nilingon ko sila ng marinig ang pagtawag ni Casper sa akin.

"Saan ka pupunta? Hintayin mo kami. Sabay-sabay daw tayong kakausapin ni Mr.Francis."sabi pa niya.

Hindi ako sumagot. Basta lumabas nalang ako ng silid at naglakad na palayo. Naalibadbaran akong sa loob ng silid na yun kaya ayokong magtagal. Tinahak ko ang mahabang hallway habang palinga linga sa paligid. Base sa nakita ko mula sa labas. Ang mansyon na ito ay may apat na palapag at ang kwartong pinanggalingan ko ay nasa ikalawang palapag.

Upang makalanghap ng sariwang hangin ay nais kong maglakad-lakad ngayon. Bumaba ako sa mahabang grand staircase nitong mansyon. Bumungad sa akin ang katahimikan ng paligid.

Hindi ko pinansin ang ilang katulong na nakakasalubong ko. Basta diretso lang ako hanggang sa makarating sa malawak na garden. Nasa di kalayuan naman ang swimming pool. Napansin kong may mga gwardiyang nagbabantay sa bawat sulok ng mansyon. Mukhang mahigpit ang security nila dito. Hindi ako magtataka kung maraming CCTV cameras ang nakapalibot sa buong kabahayan. I guess, takot si Mr.Imperial na manganib ang buhay ng kaniyang pamilya.

Sabagay, mayaman sila pareho ni Mrs.Imperial kaya hindi imposibleng may kaaway din sila.

Ang tahimik kong pagmumuni-muni ay naputol ng maramdamang may tao sa aking likuran. Saktong paglingon ko ay nakita ko ang isang babaeng titig na titig sa akin.

"Who are you? Bakit ka nandito? Magnanakaw, no?"

Bigla akong nairita sa napakarami niyang tanong. Bukod dun ay masakit sa tainga ang pagkatinis ng kaniyang boses.

"Tita! May magnanakaw dito! Help me!"histerikal na sigaw nito na ikinaningkit ng mga mata ko.

Seriously? Itsura kong ito magnanakaw?

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now