Chapter 48: Lawliet's Decision

117 9 3
                                    





"Anong gagawin natin, Lawliet?"Iyan ang paulit ulit na tanong ni Zack habang nasa sasakyan kami.

Para syang sirang plaka na malapit ng masira dahil sa paulit ulit na tanong na yun. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagmamaneho. Lalo na at nanatiling dumudugo ang balikat kong natamaan kanina.

"Lawliet!"tawag niya sa akin.

"Shut up!"sigaw ko at sinulyapan siya.

Namilog ang mga mata niya sa akin. Napabuga ako ng hangin sabay iling.

"Manahimik ka muna. Paano ko makakapag isip ng susunod na gagawin kung panay ang daldal mo dyan."sermon ko.

Nasulyapan kong napabuga siya ng hangin sabay tango. Itinuon ko nalang ang pansin sa pagmamaneho. Ilang minuto ang lumipas ay nanahimik pa rin sya na pinagpasalamat ko. Kaya lang, talagang hindi sya makakatiis na hindi makapagsalita dahil saktong pagsulyap ko ulit sa kanya ay nakatingin sya sa akin. Iritado akong napailing.

"Saan tayo pupunta?"tanong niya.

Hindi ako umimik.

"Dumaan muna tayo sa hospital para magamot ang sugat mo."dagdag pa niya.

"Hindi na. Didiretso tayo sa bahay."sagot ko.

Nang makarating kami sa Silberio Mansion ay tahimik lang si Zack na nakasunod sa akin hanggang sa makapasok kami sa kabahayan.

Hindi ko alam kung anong oras na. Pero base sa katahimikan ng bahay ay marahil pasado alas dose na ng umaga. Saktong pagtingin ko sa mahabang hagdan ay pababa si Jupiter. Napakurap kurap sya ng mapatingin sa kasama kong nakasunod sa akin.

Parehas kaming napahinto sa paglakad ng makalapit si Jupiter.

"Bakit kasama mo sya?"tanong nito sa akin.

Hindi ako nagsalita. Napansin kong napatitig sya sa balikat kong may sugat.

"What the hell, Lawliet. Anong nangyari dyan?"

Nagkatinginan kami ni Zack. Saglit akong napapikit sabay iling. Nang muli kong buksan ang mga mata ko ay tinitigan ko na si Jupiter.

"Ikaw muna bahala kay Zack."bilin ko at nagmamadaling nilagpasan si Jupiter.

Agad akong nagtungo sa kwarto ko. Mabilis kong nilinis ang sugat ko. Ginamot ko na rin ito. Binendahan ko ng mahigpit ng hindi na dumugo. Buti nalang daplis lang kaya hindi ko na talaga kailangan pang magpunta sa hospital. Bukod dun ay sanay na akong masugatan sa barilan dahil sa ilang taon kong pagiging boss ng isang mafian group.

Nang matapos magamot ang sugat ko ay nagpalit na ako ng damit at lumabas ng silid.  Naglakad ako pababa sa unang palapag ng mansyon. Naabutan ko si Jupiter at Zack na parehong nasa salas. Nakaupo sa sofa. Sa itsura nila ay mukhang marami na silang napag usapan. Marahil ay idinaldal na ni Zack kay Jupiter ang nangyari kanina lang.

Sabay silang napalingon sa akin ng maramdaman ang presenya ko. Umupo ako sa sofang nasa tapat nila.

"Ano ng gagawin ninyo, Lawliet? Siguradong hindi kayo titigilan ng Oslo na yun?"

Nakasimangot akong tumitig kay Zack.

"Ang daldal mo talaga."sabi ko.

Ngumiwi siya at bahagyang yumuko. Muli kong binaling ang tingin kay Jupiter.

"Ako ng bahala dun. Hindi mo na kailangang makialam pa."

Naningkit ang mga mata niya sa akin.

"At ano? Hahayaan mong mapahamak si Zack?"

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt