Chapter 36: How to be a good brother?

97 11 4
                                    




"Anong ginawa mo?" Iyan ang bungad na tanong ni Jupiter.

Bakas sa mga mata niya ang sobrang iritasyon sa akin. Marahil ay may ideya na siya sa ginawa ko nitong nakaraan.

Ngumisi ako at patay malisyang nagsalita ng "What is it?"

Nagsalubong ang mga kilay niya at hindi inalintana ang tingin ng mga estudyanteng nagdaraanan sa gilid namin. Ilang hakbang lang ang layo namin sa classroom kung saan naroon si Zack kasama ang dalawa niyang kaibigan.

"Lawliet, alam kong may kinalaman ka sa nangyayari bakit ganun ang kinikilos ni Zack ngayon."

Napahikab ako habang nakatingin sa kanya. May ilang minuto pang natitira bago magsimula ang klase ngayong umaga. Pero itong dakilang istorbo na ito. Tinext ako na lumabas sa classroom dahil kakausapin niya ako. Wala sana akong balak sumunod pero sa ilang buwan na pagkakilala ko sa kanya. Alam kong hindi niya ako titigilan kaya heto ako ngayon.

"Ano bang kinikilos ni Imperial ngayon?"

Sumimangot siya.

"Inanunsyo niya na nag back out siya panliligaw kay Lemon matapos ang ilang araw na palagi silang sweet. Na realize niya daw na di niya gusto ito. Hindi ako tanga, Lawliet. Alam kong may mali. Hindi isang laro ang feelings ng tao na pwedeng mabago ng sandaling araw lang."

Nauunawaan ko ang pinupunto niya kaya hindi ko maiwasang matawa.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng mag usap kami ni Zack. At sa araw na yun ay nagtagumpay akong mapasunod siya.

"Hindi ba dapat matuwa ka nalang?"

Natigilan siya sa tanong ko.

"What?"

"Matuwa ka nalang dahil wala na siyang planong manligaw kay Lemon. Meaning nun, may chance ka ng makuha siya ulit."

Namilog ang mga mata niya.

"Baliw ka na. Bawiin mo kung ano man ang inutos mo kay Zack. Huwag mong paglaruan ang feelings niya o feelings nilang dalawa. Alam natin pareho na mahal niya si Lemon kaya kahit anong gawin ko. Hindi na talaga kami pwede."

Sa tono ng pananalita niya. Mukhang sumusuko na siya kay Imperial. Ang engot at marupok na babaeng ito ay natauhan na.

"Ayoko."

Sumeryoso ang mukha niya.

"Lawliet..."

"Hindi ko lang din ginagawa iyon para saiyo."

Kumunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi ako nagsalita. Ilang saglit pa ay namilog ang mga mata niya.

"Don't tell me, may gusto ka kay Lemon?"

Pagkasabi niya nun ay binatukan ko siya. Napangiwi siya at marahang hinimas ang tuktok ng ulo.

"Masakit yun ah."

"Tanga ka talaga kahit kailan. Wala akong gusto sa Lemon Juice na yun."

Aaminin ko. Nagkaroon ako ng kahit kaunting atraksyon kay Lemon nung nakaraang buwan. Pero simula ng malaman kong may seryoso siyang nararamdaman para kay Zack Imperial ay na realize kong hindi ko na dapat pa patagalin yun. Bukod dun, nang mahospital ako ay tuluyan kong nakalimutan ang tungkol kay Lemon. Naisip kong sa panahon ngayon. Hindi ako dapat mag invest ng nararamdaman para sa isang walang kwentang babae.

Buti naman at tuwid na ang isipan ko ngayon. Kaya heto, wala akong pakialam sa Lemon na yun. Kaya lang, dahil bored ako at may inis akong nararamdaman para kay Zack. Hindi ko sila hahayaang maging masaya. Masama man gawin. Pero habang hindi ko pa nagagantihan ang ama si Martin Imperial. Pahihirapan ko muna ang anak niya.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now