Chapter 49: The Stubborn brothers

96 7 4
                                    







Isang araw na ang lumipas buhat ng makausap namin si Oslo tungkol sa paghahamon niya kay Zack. At sa mga oras na nagdaan ay walang tigil si Zack sa pagtatanong kung ano na daw ba ang gagawin? Dapat daw bang hintayin pa namin ang tawag ni Oslo para malaman kung kailan ang araw ng pagkikita dito. Nag aalala siya sa kanyang Ina. Ayaw niyang magtagal pa dahil baka mapano na si Mrs.Imperial.

Nag aalala din naman ako para sa babaeng yun. Kahit anong gawin kong pagbaliktad ng sitwasyon. Siya pa rin ang Ina ko. Gayunpaman, tulad ng sinabi ko kay Zack. Hindi kami basta-basta mag de-desisyon. Kailangan kong planuhin ang lahat.

Ngayon nga ay kausap ko si Lorenzo upang marinig ang kanyang sasabihin patungkol sa inutos ko sa kanya.

"Boss?"pagtawag niya sa aking pansin.

Umayos ako ng pagkakaupo sa aking swivel chair at tinitigan siya. Kasalukuyan siyang nakatayo sa tapat ko.

"Iyon lang ba?"tanong ko.

Tumango siya.

Kagabi lang ay inutusan ko si Lorenzo na alamin kung saan naroroon si Oslo. Kung ito ba ay naglalagi sa kanyang mansion. Mula ng makuha ni Oslo si Mrs.Imperial ay hindi ito namamataang umuuwi sa mansyon niya.
Marahil ay nagtatago ito sa kung saan kasama ang kanyang mahahalagang tauhan. Obviously, doon nila tinatago si Mrs.Imperial.

Naging usap usapan ang pagkawala ni Mrs.Imperial na parang bula. Maraming tsismis ang kumalat na baka daw lumayas si Mrs.Imperial at tumira nalang sa ibang bansa dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Walang nakakaalam sa totoong nangyari maliban sa amin nila Zack.

Kasama sa inulat ni Lorenzo na madalas makita ng mga tauhan namin ang ilang miyembro ni Oslo na uma-aligid sa paligid ng mansyon nang mga Imperial. Mukhang nagmamatyag ang mga Ungas. Nahuhulaan kong alam na ni Oslo na kasalukuyang naninirahan si Zack sa pamamahay ko.

"Anong ng gagawin ninyo, Boss?"tanong ni Lorenzo na muling nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Malalim akong napabuntong hininga.

"Ako ang makikipagkita kay Oslo."

Iyon naman ang agad kong naisip mula pa ng makausap namin si Oslo sa telepono.

"Anong mangyayari pagkatapos?"sunod na tanong niya pa.

"Papatayin ko si Oslo."walang gatol na sagot ko.

Nakita ko ang pag iling ni Lorenzo na tila hindi sang ayon sa plano ko.

"Boss, alam natin na ka-alyansa na ni Oslo ang mga Raven at dahil nagawa niyang mapatay si Martin Imperial. Nangangahulugan lang nito na mas tataas ang angat ni Oslo sa lipunan nating mga mafian."

"So?"nakataas ang isang kilay na reaksyon ko.

Napapikit siya ng mariin at tumango tango. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay tumitig siya sa akin.

"Mag aalala lamang ako para saiyo, Boss. Kumpara dati mas lumaki ang yaman at koneksyon ninyo dahil sa inyong nasirang Ama. Pero hindi pa rin nito kakayanin Raven Famiglia."

Naiintindihan ko ang pinupunto niya. Nangangamba siya sa maaring gawin ng Raven Famiglia sa akin.

"Wala akong pakialam, Lorenzo. Basta papatayin ko si Oslo. Dahil kapag hindi ko ginawa yun. Maaring mawala kay Mrs.Imperial ang anak nyang si Zack o mas malala pa na silang dalawa ang mawala."paliwanag ko.

"Ina mo din siya."pagtatama ni Lorenzo.

Peke akong natawa sabay tango.

"Yeah, Ina ko din siya. Kaya bilang anak niya. Ito nalang ang maigaganti ko bilang pasasalamat sa pagsilang niya sa akin."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon