Chapter 37: Being a good brother

107 13 3
                                    





Ang gabi na muling pagbabalik ko sa mansyon ni Ricky Silberio ay naging interesante dahil sa kagagahang ginawa ni Elaine. Aalis na dapat ako dahil dun pero pinigilan ako ni Ricky. Pumayag nalang ako tutal gusto kong magpakabait sa paningin niya. Saka sabi niya kakausapin niya si Elaine at ina nito.

Nangyari naman yun. Kaya lang, hindi ko inaasahang manghihingi sa akin ng sorry yung mag ina. Patawarin ko na daw sila. Hindi na daw mauulit basta huwag lang silang paalisin. Halos magmakaawa sila with matching iyak pa. To be honest, hindi ako na-a-awa pero dahil pati kay Jupiter nanghingi ng sorry si Elaine. Pinalampas ko nalang. Hayun, nakahinga sila ng maluwag.

Agad nagsimula ang hapunan namin kasama ang iba pang kamag-anak ni Ricky. May ilan sa kanila na halata mong ilag sa akin. Pero dine-dedma ko nalang dahil busy ang mga mata ko sa pagtingin sa mga pagkaing nasa lamesa. Sobrang dami. Kahit may ilan dito na hindi ko kinakain.

Akala ko makakain na ako ng tahimik. Pero hindi pa. Mayroon kasing hindi inaasahang bisita ang dumating.

Si Mrs.Imperial.

Ayon sa gwardyang nagbabantay sa gate. Nasa labas si Mrs.Imperial at nais daw akong makita. Mukhang sinusundo na ako ng dakila kong ina. Mabilis siyang pinuntahan ni Ricky Silberio para kausapin. Sinamahan siya ng kanyang dalawang pinsan. Pati ilan niyang alalay. Humabol pa ang matandang Silberio na nais yatang maki-tsismis. Ako naman ay naiwan sa kinauupuan ko katabi si Jupiter.

"Lawliet, hindi mo ba pupuntahan ang Mommy mo? Panigurado mag aaway lang sila ni Daddy."sabi niya.

Nakasimangot na binalingan ko siya ng tingin.

"Pwedeng kumain muna ako? Nakakagutom makipag usap sa inyo."sagot ko.

Sumimangot siya. Bahagya akong nagulat ng higitin niya ang kaliwang braso ko.

"Tara. Bilis."aya niya.

Kahit nagrereklamo ako ay walang pakialam si Jupiter. Padabog akong sumunod.

Pagdating namin sa labas. Naabutan namin si Mrs.Imperial na nakapasok na sa gate habang kausap si Ricky Silberio at mga kasama nito. Ilang hakbang ang layo sa kanila ay napahinto kaming dalawa ni Jupiter sa paglakad. Agad kong hinila ang braso ko sa kanya.

"Susunduin ko na ang anak ko."sabi ni Mrs.Imperial.

Palinga linga si Mrs Imperial na tila hinahanap ako. Pero si Ricky Silberio hinaharangan siya upang hindi na makapasok sa loob ng mansyon.

"Umuwi ka na. Hindi ka kailangan dito."pagtataboy ni Ricky.

Hindi nagustuhan ni Mrs.Imperial ito kaya tinulak niya si Ricky. Pero dahil mas mabigat ang katawan nito ay hindi nagpatinag si Ricky sa kanyang kinatatayuan.

"Ilang beses ko ng sasabihin. Anak ko din siya, Ricky. Hindi mo siya pwedeng ipagkait sa akin."

"Woah, ngayon nag-babait- baitan ka? Samantalang, ni isang beses noon ay hindi mo nagawang ipakita siya sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mrs Imperial at pinaghahampas si Ricky sa braso.

"Huwag mong ibunton sa akin ang kasalanan mo!"histerikal na sigaw ni Mrs.Imperial.

"Ilabas ninyo ang babaeng yan."utos ni Don Riguel sa mga tauhan nila.

Bago pa makalapit kay Mrs.Imperial ang mga lalaking tauhan ni Ricky ay nagsalita na ako.

"Hindi na yan kailangan."sabi ko at lumapit sa kanila. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Jupiter.

Napalingon sila sa akin. Nagningning ang mga mata ni Mrs Imperial.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now