Chapter 47: We're brothers

106 9 0
                                    




"Lawliet!"masayang bulalas ni Mrs.Imperial ng makita niya ako.

Bago pa ako makapagsalita ay mahigpit niya akong niyakap. Kung hindi pa ako kumalas ay hindi niya ako bibitawan. Nakangiti niyang inginuso ang sofa sa kanyang tabi. Walang pasabing umupo ako dun. Dali-dali naman siyang tumabi sa akin. Tahimik kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kanilang mansyon. Kumpara dati ay masyado ng tahimik ito. Marahil ay dahil sa pagkawala ni Martin. Buti na nga lang at nanatiling loyal sila Casper sa pamilya nila. Hanggang ngayon ay dito pa rin sila nagtatrabaho.

"Anak, mabuti at dinalaw mo ko. Kamusta ka?"

Bago ko sagutin ang kanyang tanong ay tinitigan ko ang itsura niya. Medyo malaki ang tinanda niya dala ng siguro ng stress.

"Umuwi na ba si Zack?"tanong ko.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng matanggap ko ang tawag ni Oslo na nagsasabing hawak ni Zack ang kanyang Ina. At since ngayon kapag tumatawag si Oslo ay hindi ko pa ito sinasagot. Babantaan niya na naman ako about kay Zack na kapag hindi ko pinagsabihan ang bastardo kong kapatid ay wala siyang magagawa kung hindi patayin ito. Alam kong masama akong kapatid kay Zack Imperial pero hindi ko gusto ang ideya na mapatay siya ni Oslo lalo na alam ko ang kapasidad sa maaring gawin nito. Kaya heto, kailangan kong pigilan si Zack.

Nung isang araw ko pa inaalam kung nasaan ang isang yun. Hindi siya umuuwi dito sa kanila. Ni hindi niya kinokontak ang mga kaibigan niya kahit sarili niyang magulang. Tulad ng pagkakukwento ni Jupiter sa akin. So, hanggang wala akong ideya kung nasaan siya at ano na ang ginagawa niya.

"Nag aalala na nga ako sa batang yun. Basta sabi niya ayos lang siya at may aasikasuhin lang."sabi niya.

"Tumawag na ba siya?"

Nung isang gabi ay tumawag daw si Zack pero hindi sinabi nito kung nasaan siya. Hindi ko na kinulit pa si Mrs.Imperial tungkol dun dahil alam kong hindi naman siya magsisinungaling sa akin. Unless, kung na sabihan na siya ni Zack at binalaan na huwag ipagsabi kung nasaan siya.

"Ano ba nangyayari, Lawliet? Bakit parang may ginagawang kakaiba si Zack? Mula ng mamatay ang Daddy niya. Nagbago siya."pagdadrama nito.

Umiling ako.

"Matagal ng ganyan ang anak ninyo. Hindi ka na nasanay."pagdadahilan ko nalang sabay tayo sa kiinauupuan.

Mas okay na huwag nalang niyang malaman ang nangyayari. Basta kailangan kong maagapan ang katarantaduhang naiisip ni Zack. Hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula.

"Mauna na ako. Tawagan ninyo ko kapag umuwi si Zack o tinawagan kayo. Importanteng makausap ko siya."bilin ko.

Tumango si Mrs.Imperial na bakas ang kalungkutan sa pagpapaalam ko. Mabilis ko na siyang tinalikuran at naglakad na palabas ng kanilang mansyon. Sumakay na ako sa sasakyan at binuhay ang makina. Pina-andar ko ito at pinaharurot paalis. Nang makarating ako sa kalagitnaan ng byahe ay sumagi na naman sa isipan ko si Zack Imperial.

Saan nagtatago ang isang yun?

Dalawang araw ko ng inutusan si Lorenzo na hanapin si Zack. Agad kong nakutuban na baka nagtatago siya sa mga natitirang propeties ni Martin o kaya yung mga tauhan ni Martin. Alam kung nasaan siya. Pero wala. Ayon sa latest updates ni Lorenzo. Walang sino man ang nakakaalam kung nasaan si Zack.

Masamang kalaban si Oslo at nag aalala ako sa magagawa niya kay Zack.

Ngayon ay napapaisip ako kung tama ba ang desisyon kong sumang ayon sa pagpatay kay Martin. Kahit pa galit ako dito dahil sa nangyari kay Ricky.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon