Chapter 46: Wrath

100 11 1
                                    





"Anong ginawa mo?!"malakas na bulyaw ni Zack habang patuloy na umaagos ang luha.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanya na ngayon ay nakaluhod sa tabi ng bangkay ni Martin. Mabilis na umagos ang mga luha sa mata niya. Kasabay nun ay ang pagsalubong ng mga kilay sa akin. Ang kanyang mga kamao ay nakakuyom na tila anytime ay susugurin na ako ng suntok.

"Bakit mo pinatay ang Daddy ko?!"galit niyang sigaw na titig na titig sa akin.

Napatingin ako kay Oslo ng biglang isarado nito ang pinto ng silid.

"Bata, kasalanan ng Daddy mo kung bakit sya namatay. Kaya huwag ka ng umatungal dyan."sabi ni Oslo.

Tumayo si Zack mula sa pagkakaluhod at dali-daling nilapitan ako. Huli na para makaiwas dahil hinila niya ang jacket na suot ko kaya medyo nasakal ko ng kaunti.

"Fuck you, Lawliet! Mamatay tao ka!"bintang niya.

Imbes na magalit ay tumaas lang ang isang kilay ko sa kanya.

"Kung mamamatay tao ako. Anong tingin mo sa Daddy mo? Santo?"may sarkastiko kong tanong.

Nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin.

"Lawliet, tara na. Sumibat na tayo dito bago pa malaman ng marami."rinig kong sabi ni Oslo.

Nanlisik ang mga mata ni Zack at mas lalong hinigpitan ang pagka-kapit sa Jacket ko.

"Hindi kayo makakaalis."sabi niya at binalingan ng tingin ang mga tauhan ng kanyang Ama na kasalukuyang nasa tabi lang.

"Damputin ninyo ang dalawang ito. Hindi sila pwedeng makatakas!"maotoridad niyang utos sa kanyang mga tauhan.

Napatinginan ako kay Oslo. Napailing siya sa akin. Bago pa tuluyang makalapit sa amin  ang mga tauhan ni Martin ay tinulak ko na si Zack.

Tapos ay itinapat sa mga kasama ni Zack ang baril kong hawak. Mabilis kong itong pinaputok dahilan para isa-isang magsibagsakan ang mga ito. Silencer ang baril ni Oslo kaya walang maingay na tunog ang maririnig.

Halos manlaki ang mga mata ni Zack. Habang si Oslo walang pagsidlan ang ngiti ng mapatingin ako sa kanya.

"Nice shots. Tumba lahat."pangangasar ni Oslo.

Ngumisi lang ako. Sa lapit ba naman ng mga kasama ni Zack ay hindi imposibleng matamaan ko sila.

"Tara na, Oslo."pag aya ko dito at nilampasan si Zack.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanya ng maramdaman kong hinila ni Zack ang isang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Hindi na ako nakaiwas pa ng ipatama niya sa kanang pisngi ko ang isa nyang kamao.

Boogsh!

Napaatras ako sa lakas ng impact nun. Galit akong tumuwid ng tayo bago itinutok sa kanya ang baril.

"Ano? Papatayin mo din ako? Tulad ng ginawa mo kay Daddy? Ha?! Ang sama mo!"patuloy niyang sigaw.

Iritadong nakagat ko ng mariin ang labi ko. Nabubwisit na ako sa isang ito.

"Ganyan ka ba talaga? Mamatay tao."dagdag niya pa.

"Oo! Mamatay tao ako. Kapag ako nabwisit. Isusunod kita sa Tatay mo!"sabi ko.

Natigilan siya at nakatitig lamang sa akin. Namumula na ang mata niya dala ng nangyaring pagdadalamhati sa sinapit ni Martin.

"Patayin mo na yan, Lawliet bago pa tayo mahuli dito ng kung sino."sabat ni Oslo na nasa likuran ko.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon