Chapter 13: Epiphany

115 15 2
                                    







"Nasaan na kayo?"

Pakiramdam ko sumakit ang ulo ko sa tanong na iyon ni Casper mula sa kabilang linya nitong suot kong earpiece.

"Lawliet, hinahanap na si Sir Zack ng Mommy niya. Hindi daw ito sumasagot sa tawag niya."

Agad kong sinulyapan si Zack sa tabi ko. Kasalukuyan kaming bumabyahe  hindi para pumunta sa simbahan kung nasaan ang magulang niya. Patungo kami sa bahay nila Jupiter dahil siya ang balak puntahan nitong si Brat.

"Pakisabi nalang pasunod na kami."sabi ko at mabilis na tinanggal ang earpiece kong suot gamit ang isang kamay.

Tahimik kong itinuon ang aking atensyon sa pagmamaneho.

"Don't worry, akong bahala magpaliwanag kay Mommy."rinig kong sabi niya.

Hindi ako umimik. Alam ko namang kahit anong gawin niyang paliwanag sa Nanay niya. Pagagalitan pa rin ako.

"Magtapat ka nga."panimula ko.

Mabilis ko siyang sinulyapan na ngayon ay nakatitig na sa akin habang nakakunot noo.

"What is it?"

"May feelings ka ba sa ex mo kaya ganyan ka kung mag alala sa kaniya?"

Dahil walang traffic ay payapa ang kalsada ngayon. Kung bibilisan ko magmaneho ay makakarating kami agad dun.

"Anong klaseng tanong yan? Nag alala lang ako dun sa tao."

Hindi ko na inintindi pa ang dahilan niya. Nakakawalang gana lang.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay nakarating kami sa Rainford Village. Pinapasok ang aming sasakyan sa main gate ng mga gwardyang nagbabantay. Mukhang kilalang kilala si Zack ng mga ito dahil binati pa nga siya.

Siguro nung sila pa ay madalas siya dito. Obviously naman.

"Ihinto mo dyan."sabi niya at tinuro ang gilid ng kalsada na agad ko namang sinunod.

Pagkahinto ko sa sasakyan at pagpatay ng makina ay nagmamadali siyang bumaba. Nakangiwi akong bumaba.

Pagkalabas sa sasakyan ay bumungad sa akin ang naglalakihang bahay sa paligid. Halatang pawang mayayaman ang mga nakatira dito.

"Jupiter!"rinig kong sigaw ni Zack.

Paglingon ko ay nakita kong tumatakbo na si Zack na patungo sa di kalayuan. Sinundan ko naman siya. Napataas ang isang kilay ko ng matanaw ang dalawang babaeng tila nag uusap sa gitna ng kalsada.

Magkasunuran kaming nakalapit sa dalawa na walang ibang kung hindi si Jupiter at Lemon.

"Zack."tawag ni Jupiter kay Brat.

Napailing ako ng mapuna ang mga mata ni Zack na nag iinspeksyon sa kabuuan ni Jupiter kung ayos lang ba ito.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Tumango si Jupiter sa kaniya. Tahimik kong pinagmasdan ang mukha niya. Medyo namumula ang mga mata at pisngi niya. Halata mong kagagaling lang sa pag iyak.

"Ayos na."sagot ni Jupiter.

"Kanina iyak yan ng iyak na parang bata."sabat ni Lemon.

Magkasabay kami ni Zack ng bumaling ng tingin sa kaniya.

"What?"takang tanong ni Zack.

"Kanina yun. Dahil dissapointed ako sa away namin ni Daddy."paliwanag ni Jupiter.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon