Chapter 8: Please, Master!

145 18 2
                                    






"Move."seryosong sabi ko.

Hindi siya natitinag. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan habang namimilog ang mga mata sa akin. Pansin kong nakatitig siya sa mukha. Hanggang sa napagtanto kong tinitigan niya ang sugat na natamo ko dun sa lalaki kanina lang. Inis akong napailing.

"Sinong kaaway mo? At may sugat ka dyan?"usisa niya na akala mo close kami.

Hindi ako umimik. Bahagya ko siyang tinulak dahilan para makadaan ako at maglakad na palayo. Agad akong nagmadali baka sakaling mahabol ko pa yung lalaking naka-engkwentro ko kanina. Kaya lang, na dismaya ako dahil hindi ko na siya makita. At hindi ko na siya pwedeng hanapin pa dahil kailangan ko ng balikan si Brat. Lalo na at gabi na. Kapag hindi pa kami umuwi sa mansyon nila. Panigurado mag alala si Mrs.Imperial sa kaniya.

"Hoy, sandali!"sigaw ng kung sino.

Paglingon ko bumungad sa akin ang nakakairitang pagmumukha ni Lemon na palapit. Huli na para maiwasan siya dahil mabilis siyang nakarating sa tapat ko.

"Sinong kaaway mo?"pag uulit niyang tanong at luminga sa paligid.

Kung hindi lang medyo maingay ngayon dito sa mall ay baka pinagtinginan na kami ng mga tao dito dahil sobrang eskandalosa ng boses niya. Para siyang nakalunok ng megaphone.

"Siguro yung mga kontrabida sa buhay ni Zacky Boy, no?"

Napakunot noo ako.

"Kontrabida?"

Tumango tango siya at nakangising pumay-wang. Ngayon ko napansin na tulad ko ay naka-uniporme pa siya. Mukhang pagtapos ng klase ay diretso gumala din ang isang ito.

"Hindi ka ba na inform? Iyang si Zacky Boy dakilang bida ang peg. Ang daming galit sa kaniya sa school. Tapos karamihan ng mga magulang nun ay may koneksyon sa mafian families. Bukod dun, may kumalat na tsismis na marami din kaaway ang mga magulang niya kaya ganun."pagkukwento niya.

Napangiwi ako sa kadaldalan niya. Napaisip tuloy ako bakit ang napakaraming babae sa mundo na sobrang daldal.

"Dagdag pa dyan ang Lolo niya na isang Yakuzan Leader."

Bigla akong na kuryusidad sa narinig. Mukhang ang tinutukoy niya ay ang Ama ni Mrs.Imperial na isang Japanese.

"Sa pagkaka-alam ko. Gusto siyang kunin nun."walang katapusang kwento ng babaeng ito.

Malalim akong napabuga ng hangin. Nadako ang tingin ko sa di kalayuan. Saktong natanaw ko si Zack na kasunod ang mga kaibigan niya. Wala pang ilang segundo ay nakalapit na sila sa amin.

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap."agad na hinaing ni Brat sa akin.

"Dude, mag report na tayo sa mga pulis tungkol sa nangyari. Kailangan daw nating magbigay ng statement dun sa nangyaring barilan kanina."sabi ni Lester.

Magkasabay na tumango si Yohan at Jonas.

"Barilan?"may pagkagulat na tanong ni Lemon.

Ang kaniyang mga mata ay papalit palit ng tingin sa mga kaibigan ni Zack.

"Hindi na kailangan."sabi ko at ibinaling ang tingin sa anak ni Mrs.Imperial.

"Umuwi na tayo." Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Tumalikod na ako. Naramdaman ko nalang ang pagsunod niya kasama yung tatlo.

Nang pare-parehas kaming makalabas ng mall at makarating sa parking lot ay agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Text ko nalang kayo."rinig kong sabi ni Zack sabay sakay na rin sa sasakyan.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now