Chapter 12: Rock paper scissors

114 13 2
                                    






Parang bata.

Iyan ang masasabi ko ngayon sa inaasta ni Zack. (The Brat Imperial) Nakasalampak siya ng upo sa sahig habang mangiyak-mangiyak na nagsasalita at nag ra-rant ng tungkol sa mga magulang niya. Nakakairita lang dahil nandito ako ngayon at nakikinig sa mga pinagsasabi niya. Dahil siguro sa awa at nagtsa-tyaga ako ngayon.

Samantalang ako yung klase ng tao na hindi gawaing maki-simpatya sa problema ng iba.

"Nakakasakal na. Parang hindi na ako mabubuhay bilang ako. Pilit nilang pinapadanas sa akin ang buhay na dapat para kay Zebastian."patuloy niyang kwento.

Kanina pa niya sinasabi na nagsasawa na siya sa pagmamando o pagtatrato sa kaniya bilang robot ng mga magulang niya. Which is hindi okay sa kaniya.

"Hindi ako pwedeng mamili ng course na gusto ko. Hindi ako pwedeng makipag-kaibigan sa kung sino. Hindi ako pwedeng gumala ng matagal sa labas. Hindi ako pwedeng kumilos o gumawa ng isang bagay na ikasisira ng apelyido namin dahil nakakahiya daw sa madla. At kung ano-ano pa."dagdag niya.

"So sa madaling salita. Robot ka nga."sabi ko.

Iritadong pinunasan niya ang magkabilang pisngi.

"Kairita. Kainis. Bakit ba kasi namatay si Zebastian. Eh di sana siya ngayon ang ginaganito nila. Tutal siya yung bunso na dapat magmana ng lahat."

Natahimik ako at napaisip.

Nabanggit niya kanina na may tradisyong sinusunod ang pamilya nila. Isa itong tradisyon na kung saan ang bunsong anak na lalaki ang magmamana ng kanilang negosyo. Kabilang na ang negosyong may kinalaman sa mga mafians.

Hindi binanggit ni Zack kung anong mga negosyo yun. Pero alam kong ang Imperial Inc ay maraming business partners na mafioso. Kaya medyo marami talaga silang kakilalang mga mafian groups. Dagdag pa dyan na may malaki silang koneksyon sa Honorio Clan na alam ng lahat na isa sa Yakuzan Clan na makapangyarihan sa buong Japan.

"Sinisisi mo ba ang kapatid mo sa nangyayari saiyo ngayon?"bigla kong tanong.

Hindi siya agad nakasagot. Nanatiling masama ang kaniyang aura dala ng pakikipagtalo kay Mrs.Imperial kanina lang.

"Oo. Obviously, dahil ngayong wala siya. Ako ang lumalabas na bunso. Dahil din dito, ako ang pinag iinitan ni Lolo. Desidido siyang makuha ako mula kala Mommy para masunod ang punyetang tradisyon din ng angkan nila."

Tungkol sa tradisyon na tinutukoy niya about sa Honorio Clan. Kompirmado talagang kukunin siya ng Lolo niya mula sa Imperial para lang gawing tagapagmana. Lalo na at wala ng natitirang kamag-anak ang matandang Honorio na siyang Ama ni Mrs.Imperial.

"Hindi ba dapat masaya ka? Once na maging tagapagmana ka ng Imperial Inc at Honorio Clan. Mayaman ka na. Sobrang yaman."

Bigla siyang natawa na akala mo sarkastiko.

"Bakit ako magiging masaya kung hindi ko naman gusto ang ganung buhay? Mag isip ka nga. Nakakaloko ang mga tanong mo."

Peke akong ngumiti sa kaniya.

"Fine. Nagtatanong lang."

"Basta. Ayoko ng ganito. Kailangan kong mahanap si Zebastian."

Literal na natigilan ako sa narinig.

"What? Bakit mo siya hahanapin? Patay na siya."

Mabilis siyang umiling iling.

"Hindi siya patay. Buhay siya."

Kumunot ang aking noo sa pagtataka.

"What do you mean?"

Napansin kong sumulyap siya sa pinto na tila tinitiyak kung may ibang taong makakarinig sa pag uusap namin ngayon.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora