Chapter 34: Antagonist

123 17 3
                                    





Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matawa sa tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko. Tahimik silang nakatitig sa akin na tila bago akong salta dito sa mansyon ng mga Imperial. Para akong alien sa mga mata nila.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa sofa habang si Constello, Gray at Casper ay nasa harapan ko. Tinawagan na nila si Mrs.Imperial kanina lang. Pauwi na daw ito. Hindi naman nila nabanggit si Zack at si Mr.Imperial. Gayunpaman, hinahanda ko na ang sarili ko kapag nakita ko sila.

"Bakit hindi ka nagsabi sa amin? All this time, ikaw pala yung nawawalang anak ni Madam at ni Boss."umiiling na sabi ni Casper.

Ngumuso si Gray.

"Nakaka-tampo ka naman, Lawliet. Magkaibigan kaya tayo."

Tumango si Constello bilang pagsang ayon.

"Akalain ninyo yun. Bigatin pala tong kaibigan natin."natatawang sabi naman niya.

Napabuga ako ng hangin.

"Maayos ka na ba? Nabalitaan namin yung nangyari?"usisa ni Constello.

"Buti di ka nagka-amnesia."turo ni Gray sa bendang nakapulupot sa ulo ko.

Sabi ng Doctor ay pwede na daw akong hindi maglagay nito bukas. Pero mamayang gabi ay aalis ko na ito. Nakakainis lang dahil nagka-peklat ako sa ulo ko dahil sa malakas na pagkakapukpok sa akin.

"Bakit ka nga pala nagpanggap kang ibang tao? May hidden agenda ka no?"panibagong tanong ni Casper.

Siniko siya ni Gray.

"Masyado ka ng madaldal."

Pinaningkitan ko sila ng mga mata. Bakit ba ang daming dada ng mga ito.

"Kung ano man ang dahilan ko. Labas na kayo dun."sabi ko.

Nagkatinginan silang tatlo. Ilang saglit pa ay napatingin kaming lahat sa di kalayuan. Mula sa main door nitong mansyon ay pumasok doon si Mrs.Imperial na kasunod ang kanyang mga dakilang alalay.

"Zebastian."tawag ni Mrs.Imperial sa akin.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Bago pa makagalaw ay nakalapit na ang Ina ni Zack at niyakap ako. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya. Nakita kong tahimik na nakatingin sa amin ang iba pang tao na narito. Dahil napapatagal na ang pagkayakap niya sa akin ay ako na mismo ang kumalas sa kanya.

"Anak, Zebastian."muli niyang tawag.

"Lawliet. Yun ang pangalan ko. Mas sanay ako dun."sabi ko.

Ngumiti siya ng bahagya.

"Okay. Masaya ako at pinagbigyan mo ang hiling ko. Siguradong matutuwa si Zack."

Peke akong ngumiti.

"Anak, sana mapatawad mo ko. Alam kong galit ka sa akin. Pero maniwala ka. Hindi ko inten—"

"Tama na. Wala akong panahon sa kadramahan. Hindi ninyo kailangan magpaliwanag."pagputol ko sa kanyang sasabihin.

Natigilan siya at natahimik.

"Pero talaga bang pumapayag kang bumalik dito? Anong sabi ni Ricky?"

"Pumayag naman siyang pansamantala akong tumira dito. Tutal, kayo ang nagsilang sa akin. So, may karapatan akong makilala kayo."

Napansin ko ang dissapointment sa mukha niya.

"Pansamantala?"

"Yes, dito muna ako titira hanggat hindi pa nalilipat sa Silberio ang apelyido ko."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon