Chapter 9: Bitches

131 16 7
                                    







Hindi ko maiwasang mapangiwi habang seryosong nakatitig sa babaeng prenteng naka-upo sa kaniyang swivel chair. Walang patid ang bunganga niya sa kasasalita. Bigla tuloy ako inantok. Dahil bukod sa nakaka-umay ang itsura niya ay wala siyang ginawa kung hindi sermunan ako. Kesyo bakit ko raw inaway si Lazarus na isa pala sa pinaka-mayaman dito sa eskwelahan nila.

Ayoko nalang siya sagutin dahil nakakawalan ng energy. Tapos ay mas matanda siya sa akin. Kahit may ugaling demonyo ako. Alam ko ang posisyon ko ngayon. Kailangan kong magdahan-dahan sa ikikilos at sasabihin ko lalo na at hindi alam ng mga tao dito na bodyguard ako ni Brat.

So magtitimpi nalang ako.

"Warning na ito. Mr.Cuevas kaya sana huwag na mauulit."sabi nitong si Mrs.Calderon.

Iyon ang nabasa ko sa name plate na nakapatong dito sa kaniyang lamesa.

"But Mam, warning lang? Hindi ninyo na siya parurusahan?"sabat ni Lazarus na nakaupo lang dito sa tabi ko.

Parehas kaming nakaupo sa magkabilang dulo nitongs sofa. Habang si Mrs.Calderon ay nasa tapat namin.

Napangisi ako ng matitigan ang nakabusangot na mukha ni Lazarus. Putok ang gilid ng labi niya dahil sa suntok ko kanina. Kung hindi lang dumating ang mga gwardya para awatin ang nangyayaring away ay malala pa dyan ang aabutin niya.

"Mr.Rivas, bago lang si Mr.Cuevas dito sa school at base sa mga kwento ng nakakita. Ikaw ang nanguna kaya nagsimula ang away ninyo. Binu-bully mo na naman si Mr.Imperial kaya hetong kaibigan niya ipinagtanggol siya."paliwanag nito.

Muntikan na akong magbigay ng inside comment sa kaniyang sinabi. Pero minabuti ko nalang manahimik tutal iyon naman ang dapat kong gawin.

"What? No. Hindi pwede."pagmamatigas ni Lazarus.

Naningkit ang mga mata ni Mrs.Calderon dito.

"Hindi na sana mauulit ito. Nagkakaintindihan na tayo?"

Papalit palit ang tingin niya sa aming dalawa. Pero parehas kami ni Lazarus na hindi umimik.

"Sige na. Umalis na kayo. Magsisimula na ang klase."

Padabog na tumayo si Lazarus sa sofa at diretsong naglakad palabas. Iiling iling naman akong sumunod. As i expected paglabas ko ng opisina ni Mrs.Calderon ay nakita ko si Brat naghihintay sa akin. Ngayon ay magkausap na sila ni Lazarus.

"Hindi pa tayo tapos."pagbabanta nito at nilagpasan na si Zack.

Napabuga siya ng hangin sabay baling ng tingin sa akin. Huminto ako sa paglakad ng makarating sa tapat niya.

"Oh, bag mo." Iniabot niya sa akin ang bag kong naiwan kanina dahil nga sa nangyaring eksena ko kasama si Lazarus.

"Tsk."tanging na sabi ko at hinablot ito sa kaniya.

Isinukbit ko sa kanang balikat ang backpack ko bago naglakad na. Sumabay naman siya sa akin.

"In fairness, maganda ang sapak mo kay Lazarus kaya hindi siya nakabawi. I guess, expert ka talaga sa labanan. Ano nga ulit trabaho mo dati?"

Hindi ko na inabala pa ang sarili kong sagutin yun. Tahimik lamang akong naglalakad. Pansin kong nasa akin ang atensyon ng mga estudyanteng makakasalubong namin.

"Nakakatawa ang itsura ni Lazarus. I'm sure, mas lalo yung magagalit."patuloy niyang daldal.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa classroom at magsimula ang unang klase ngayong umaga. As usual, lumilipad ang isip ko habang nagtuturo ng maayos ang profesor nila Zack sa unahan. Hindi naman kasi ako interesadong mag aral kaya bahala sila sa buhay nila. Basta kunwari estudyante din ako.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon