Chapter 22: Blood relatives?

130 15 5
                                    






"Good morning, Sir."magalang kong bati kay Mr Imperial na prenteng nakaupo sa kanyang swivel chair.

Ngumiti siya ng tipid at umayos ng pagkakaupo. Bahagya akong nailang sa ngiti niya. Hindi ko alam kung totoo ba o peke lang.

"Inform lang kita sa magiging trabaho mo bilang bodyguard ko."

Lihim akong nainis.

Dahil nga hindi na ako ang bodyguard ni Zack. Nagpalit kami ng pwesto ni Casper. Isa na ako sa limang bubuntot-buntot kay Mr Imperial. Medyo nakakaasar. Hindi ko ito tanggap. Pero so far, wala akong magagawa kung hindi sumunod. Dito sa mansyon ng mga Imperial. Batas ang Ina ni Zack at walang sino man ang pwedeng umangal dito.

Ewan ko nalang kung napilit ba ni Zack ang kanyang Ina na baguhin ang desisyon nito. Tingin ko kasi hindi. Lalo na at nauwi lang sa pag aaway ang usapan nila kagabi. Paggising ko nga kanina. Nalaman kong nakaalis na si Zack at Casper patungo sa eskwelahan.

"Yes, Sir."tumatangong sabi ko.

Napansin kong nadako ang tingin niya sa pisngi kong may band aid.

"Napaaway ka?"tanong niya at ibinalik ang tingin sa papeles na pinipirmahan.

"Hindi, Sir."pagtanggi ko.

Bumuga siya ng hangin at napailing. Halatang hindi siya kumbinsido sa isinagot ko.

"Well, anyway. May mga meeting akong pupuntahan ngayon sa labas ng kompanya. Tulad ng ginagawa nila Gray. Sasama lang kayo sa akin kahit saan ako magpunta. At kung may babaril sa akin. Kayong bahalang sumalo ng bala."

Pinilit kong hindi mapangisi sa narinig. Napaka-straight to the point ng taong ito at kung umasta siya. Medyo mayabang. Malayong-malayo kay Zack. Hindi ako magtataka kung bakit wala akong naramdaman na lukso ng dugo noong una kaming magkita.

Hindi siya ang Ama ko.

Malinaw ang usapan ni Zack at Mrs.Imperial kagabi na si Zebastian ay hindi kabilang sa Imperial Clan. Meaning, anak siya sa labas.

Wala na akong masabi kay Mrs.Imperial. May asawa na at kasal. Nagawa pang magpabuntis sa iba. Napagtanto ko tuloy na lumalabas na nabuo ako dahil sa maling relasyon.

"Lawliet."tawag ni Mr.Imperial.

Napatitig ako sa kanya na ngayon ay nakatayo na at may hawak na mga folder.

"Let's go. Mahuhuli na ako sa meeting ko."aya niya.

Tumango ako at dali-daling lumapit sa pinto para buksan ito. Naunang naglakad palabas si Mr.Imperial na dali-dali ko namang sinundan. Paglabas namin sa mansyon ay naka-abang na si Gray, Leopard at dalawa pang bodyguard ni Mr.Imperial. Ngising aso ang dalawa ng makita akong nakasunod sa aming amo. Hindi ko nalang sila pinansin at nanatiling poker face.

Sumakay si Mr.Imperial sa nakahandang Van para sa kanya. Mabilis na sumunod si Gray at Leopard. Sumenyas naman sa akin ang isa pang tauhan ni Mr Imperial nasa front seat ako maupo. Tahimik ko lamang siyang sinunod. Nang makasakay na kaming lahat sa Van ay umandar na ito paalis. Bale pito kaming lahat dito. Si Mr.Imperual kasama ang assistant slash secretary niya. Si Manong Driver na ang pangalan ay Juan at kaming mga bodyguards.

Katahimikan ang nangibabaw habang nasa byahe kami. Tanging si Mr.Imperial lang ang maingay dahil may kausap siya sa cellphone. Tumitig ako sa bukas na bintana sa gilid ko. Sumagi sa isipan ko si Zack.

Malamang pinasasakit niya ang ulo ni Casper. Alam kong hindi niya matatagalan ang pag uugali ni Zack. Goodluck nalang sa kanya. Pero hindi ko maiwasang mag alala sa kaligtasan ni Zack.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now