Chapter 27: Proposal

103 17 2
                                    




"Masyado kang matapang, Zack Imperial."pahayag ni Ricky Silberio.

Hindi naman natitinag si Zack sa kanyang kinatatayuan. Masama pa rin ang titig na pinupukol niya kay Ricky.

"Hindi na mauulit, Sir. Aalis na kami."sabi ko.

"Masama kang tao. Hinding hinding mo na makikita ang anak mo."patuloy na daldal ni Zack sa likuran ko.

Asar ko siyang nilingon.

"Shut up, Brat. Pinapalala mo ang sitwasyon."mahina kong bulong.

Umiling siya. Nakikipagmatigasan siya sa akin. Mukhang sinasadya niyang magsalita ng magsalita para asarin si Ricky Imperial.

Sabay kaming napatingin muli kay Ricky Silberio ng makarinig ng putok ng baril. Nanlilisik ang mga mata nito sa amin lalo na kay Zack. Mahigpit nitong hawak ang kanyang baril.

"Nasaan ang anak ko? Sasabihin mo, o pasasabugin ko yang utak mo."

"Hindi niya alam kung nasaan ang anak ninyo, Sir. Please, payagan ninyo na kaming umalis."seryosong sabi ko.

Hindi umimik si Ricky. Nanatili ang tingin nito kay Zack bago dumako sa akin. Ilang segundo lang ay bumuga siya ng hangin. Ibinaba niya ang hawak na baril at sinenyasan ang kanyang mga tauhan. Ibinaba rin ng mga ito ang hawak nila.

"Umalis na kayo."pagtataboy sa amin ng ama ni Ricky.

"Sa susunod na susugurin mo ko dito, Zack Imperial. Hindi na kita hahayaang makauwi ng buhay."banta ni Ricky Silberio.

Agad kong sinenyasan si Zack na umalis na kami. Tumango lang siya kaya una na akong naglakad. Nakasunod naman siya sa akin. Nagmamadali kaming bumalik ng sasakyan. Binuhay ko ang makina at pina-andar ito palayo sa gusaling pagmamay-ari ni Ricky.

Nang makarating na kami sa highway ay inis akong napamura.

"Hindi ka talaga nag iisip."komento ko.

"Alam ko. Huwag mo ng sabihin."

"Siguro may ideya ka kung anong klase ng negosyo mayroon si Ricky Silberio. Bukod dun, halos lahat ng kasosyo niya sa negosyo. Puro mafian group. Siya pa ang bunsong anak ni Don Riguel Silberio ng Nostra Silberio Famiglia. Alam mo bang isa sila sa pinaka-mayamang grupo sa Italya? Marami silang tauhan. Maari ka nilang patayin ng walang pag aalinlangan."mahaba kong pananermon.

Yung matanda kanina. Si Don Riguel Silberio. Hindi ako maaaring magkamali. Huli na ng mapagtantong natatandaan ko siya dahil kay Lorenzo. Noong makakuha ako ng info about kay Ricky Silberio. Nalaman ko ang tungkol dun.

Pamilyar sa akin ang Nostra Silberio Famiglia. Matalik silang kaibigan ng Costra Legion na makapangarihang famiglia group din. Kung sakaling kalabanin ng mga Imperial ang Silberio. Talong talo sila.

"Wala akong pakialam kung gaano sila kayaman at kalakas. Basta hindi ko hahayaang makita ni Ricky Silberio si Zebastian."

Napangiwi ako. Hindi ko alam kung may kompirmasyon na si Zack na si Ricky nga ang ama ni Zebastian. Pero, since umpisa palang ay sure na siyang mag ama nga kami.

"Gumaganti ka kay Ricky? Ayaw mong makita niya si Zebastian? Dahil ano? Para saktan siya?"

"Exactly! Isa pa. Simula ng ipinanganak si Zebastian. Imperial ang gamit niya. Kaya mananatili siyang Imperial."

Hindi ko nagugustuhan ang nakikita kong galit sa mga mata niya.

"As if naman na pare-pareho ninyong makita si Zebastian. Ni hindi pa nga din siya nahahanap ng Lolo mo."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now