Chapter 14: "You look alike"

126 16 1
                                    







Malalim akong napabuga ng hangin habang nakatitig sa kisame nitong kwartong kinalalagyan ko. Hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Kahit alas dyes na ng gabi. Paano ba naman kasi hindi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitiwan ni Mrs.Imperial sa akin.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit, pag alala at kalungkutan na nagmula sa pagmamahal sa kaniyang anak.

Maswerte talaga si Zack. Hindi ko maiwasang mainggit na naman. Nakakainis lang. Never pa akong nakaramdam ng pagmamahal ng magulang. Kung sana naging maayos ang trato sa akin ni Kentaro noon hindi sana kami hahantong sa kamatayan.

Ganun pa man, hindi ako nagsisi na pinatay ko siya. Dahil pagmamay-ari ko na ang mga kayamanang pinaghirapan niya. Kasama na dyan ang Yamaguchi Clan.

Aaminin kong namimis ko na ang dati kong buhay. Yung mga palaging nasasabak sa misyon at kumikita ng malaking pera. Hindi ko talaga maintindihan kung anong pumasok sa isipan ko at ginusto ko pang makilala ang totoo kong pamilya. Kung tutuusin, hindi naman talaga nila ako kailangan pa. Para sa kanila ay patay na ako.

Kaya lang, may bahagi sa puso ko na gusto silang makita at makasama ng kahit tatlong buwan lang.

Iiling iling na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Tahimik kong pinagmasdan ang mga kasama ko ngayon dito sa kwarto. Parehas silang tulog na sa kanilang mga kama. Dahan-dahan akong tumayo sa aking sariling kama. Palakad na sana ako para lumabas nitong silid ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Agaran ko itong dinampot sa kama bago pa magising sila Casper. Pagkuha sa cellphone ay lumabas na ako ng silid. Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng makita sa screen ng cellphone ko ang number ni Lorenzo.

"Hello."mahina kong bati ng masagot ang kaniyang tawag.

Naglakad ako palayo ng silid at minabuting magtungo sa labas para magpalipas ng oras.

"Boss."

"Napatawag ka? Gabi na ah?"

Sa ilang segundong paglalakad ay narating ko ang malawak na garden nila dito sa mansyon. Umupo ako sa batuhang upuan at payapang tumitig sa kalangitang punong puno ng bituin.

"Pasensya, Boss. Pero may importante akong ibabalita at hindi ko na ito maipagpapabukas pa."

Bigla akong napaisip sa narinig.

"May panibago kang inpormasyon tungkol sa Honorio Clan?"

Sa pagkakatanda ko ay ito ang inuutos ko sa kaniya ngayon. Bukod sa mga di mabilang na kaaway ng mag asawang Imperial.

"Hindi tungkol dun, Boss."

Kumunot ang noo ko.

"What is it?"

"Tungkol kay Oslo Figaruv."

Napakurap kurap ako.

"What?"

Narinig ko sa kabilang linya ang mabigat niyang buntong hininga.

"Last week lang umugong ang balitang nandito siya sa pilipinas. To make it sure ay inatasan ko ang mga tauhan nating alamin. At iyon nga confirm."

Napangisi ako.

"So? Ano kung nandito siya? Dapat ba akong matakot?"

"Boss naman. Ipaalala ko lang na muntikan na kayong mamatay dahil sa kaniya. At alam natin na malaki ang galit niya saiyo. Malaki ang posibilidad na ikaw ang dahilan kaya siya narito ngayon."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now