Chapter 1: Stalker

350 15 6
                                    




Alas nuebe na ng umaga kaya tirik na ang araw sa kalangitan. Gayunpaman, may hangin na umiihip sa buong paligid kaya hindi ko ramdam ang init. Kahit pa nakasuot ako ng jacket sa mga oras na ito.

Ilang beses akong napabuga ng hangin habang nakasandal sa punong nasa likuran ko. Tahimik akong nakatanaw sa di kalayuan.

Ang nasa tapat ko ay isang simbahan ng mga katoliko dito sa Westvand District. Ito ang pinaka-matandang simbahan dito sa Fennel City na umabot na yata ng mahigit isang daang taon. Patuloy lang nilang nire-renovate ito kaya hanggang ngayon ay mukha pa rin bago ito.

Ang tungkol dito ay nalaman ko ng mag research ako about sa mga lugar dito sa Fennel City.

Dahil araw ng linggo ngayon ay maraming katoliko ang nagpupunta dito. Sa pagkakaalam ko kasi saktong alas dyes ngayong umaga ang simula ng misa. Habang papalit ng papalapit ang oras ay marami ng nagdadatingang tao. Kaya ang paligid ng simbahan ay dagsa ng mga tindero at tindera ng kung ano-ano.

Napangiwi ako ng makaramdam ng pangangalay. Tumuwid ako ng tayo at itinaob sa buong ulo ko ang hoodie ng jacket kong suot.

Nang sulyapan ko ang wrist watch na na suot ay 9:20 na ng umaga. Halos 30 minutes akong nandito. Hindi ko tuloy maiwasang mag inip.

"Fuck shit. Ang tagal."walang pakundangan kong pagmumura kahit nasa harapan ako ng simbahan.

Ang pagkainip ko ay biglang nawala ng may mamahaling sasakyan ang huminto sa bukanang pinto ng simbahan.

Lumabas dito ang isang matangkad na lalaki nakasuot ng business suit. Sa itsura ng lalaki ay masasabi kong isa lamang siyang tauhan o driver ng iba pang sakay ng sasakyan.

Naglakad ito papunta sa kabilang bahagi ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang nandun sa loob. Magkasunurang lumabas mula roon ang isang lalaki at babae.

Ang lalaki ay nasa mid 40's na. Habang ang babae ay nasa mid 30's. Sa kanilang mga suot ay mapaghahalataang mayaman ang dalawa. Obvious din na mag asawa sila dahil magka-hawak sila ng kamay at ang titigan sa isat isa ay kakaiba.

Tumigil sila sa mismong harapan ng kanilang sasakyan at may kung anong sinasabi sa driver na kasama.

Iiling iling ako ng maramdaman ang kakaibang pagbilis ng aking puso habang nakatitig sa kanila. Malutong akong napamura. Tinapik ko ang aking kanang dibdib.

Mukhang ito na yung sinasabi nilang lukso ng dugo.

"Damn."mahina kong usal.

Ilang segundo pa ay may isa pang sasakyan ang huminto sa simbahan. Agad na bumaba roon ang dalawang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa akin.

"Mom! Dad!"nakangiti nitong tawag sa mag asawang unang dumating.

Obviously, mga anak nila.

Nakangiting niyakap ng Ina ang dalawang binatilyo. Ang Ama naman ay may sinenyas sa loob ng simbahan. Mukhang pinapasok na sila sa loob.

"Let's go."pag aaya ng Babae sa mga anak at asawa.

Agad silang lumakad papasok sa loob ng simbahan habang ako ay nakatulala sa kanila. Nang tuluyan silang mawala sa paningin ko ay doon ako natauhan.

Nagmumukha akong kawawa sa ginagawa ko.

"Ganyan nalang ba lagi, Lawliet? Lagi ka nalang kawawa."sermon ko sa sarili ko.

Napalingon ako sa aking likuran ng maramdamang may presensya ng kung sino. Tumambad sa akin ang isang lalaking malapad na nakangiti.

"Boss."magalang nitong tawag.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon