Prologue

463 21 1
                                    






Gabi na pero napaka-ingay pa rin ng paligid. Kasalukuyan kong nilalakad ang mahabang kalsada kung saan kaliwa't kanan ang mga nagtitinda ng kung ano-anong gamit at pagkain. Ang kinaroroonan ko ay Night Market dito sa Westvand District na parte ng Fennel City.

Kapag ganitong gabi na. Namumukad-kad sa liwanag at ingay ang mga nandito. Isang linggo palang ako sa lugar na ito pero kabisado ko na ang pasikot-sikot dito. Dito kasi ako madalas nagpupunta kung gusto ko ng kapayapaan sa isipan ko. Magaan ang pakiramdam ko kapag pinagmamasdan ang mga taong nasa paligid.

Marahan lang akong naglalakad. Tumititig sa mga ibinebenta nila. May ilang nag aalok sa akin. Pero hindi ako sumasagot. Hindi naman ako interesadong bumili. Sadyang trip ko lang silang pagmasdan. Sa ginagawa ko kasing ito ay nararamdaman ko ang aking kalayaan. Hindi tulad nung nasa Japan pa ako. Para akong isang asong nakakulong sa kulungan.

Dito sa Pilipinas ay malaya ako. Magagawa ko pa ang gusto ko. Lalo na ngayon at ako na ang Capo di tutti capi ng aming Mafian Organization.

"Magnanakaw! Magnanakaw!"

Natigilan ako ng marinig iyon. Natanaw ko sa malapit ang may katandaang babae na panay ang sigaw. Itinuturo niya ang lalaking tumatakbo palayo na may dalang bag. Mukhang ito ang magnanakaw.

Nakangisi akong napailing. Inayos ko ng bahagya ang suot kong sumblero bago tumakbo ng mabilis. Agad kong nakita ang magnanakaw na patuloy na tumatakbo. Kahit isa sa mga taong nandito ay walang humahabol sa lalaki. Sadyang ako lang talaga.

Weak. Lahat kayo mahihina. Mga hangal. Walang malasakit na tumulong.

Napailing iling nalang ako at ng malapit ko ng maabutan ang magnanakaw ay agad kong hinablot ang braso nito gamit ang kaliwa kong kamay. Napatigil siya at humarap sa akin. Saktong pinadapo ko sa kaniya ang kanang kamao ko.

Boogsh!

Sa lakas ng impact ay napahiga siya sa sementadong sahig. Natawa nalang ako ng makitang nawalan yata siya ng  malay. As i expected, mahina ang isang ito. Isa siya sa mababang uri ng magnanakaw na namumuhay sa bansang ito.

Basura. Nakakawalang gana.

Inis kong dinampot ang bag na hawak niya. Paglingon ko ay kalalapit lang ng matandang babae. Iniabit ko ang bag sa kaniya.

Ngumiti siya ng malapad sa akin. Dahilan para mairita ako. Ayoko talaga ng ngini-ngitian ako.

"Salamat, Iho."sabi nito.

Tumango lang ako at walang pasabi na siyang tinalikuran. Ilang sandali pa ay narinig ko na tunog ng siren na nagmumula sa sasakyan ng mga pulis.  Diretso lang akong naglakad palayo hanggang sa makarating akong muli sa malawak na kalsada. Naramdaman ko ang malakas na pag ihip ng hangin.

Tahimik kong dinadama ito at tumingila pa sa kalangitang puno ng mga bituin. Napatigil ako ng may maalala. Kinapa ko ang kwintas na suot ko. Ito ay gawa sa ginto na halatang mamahalin ang itsura at bigat. Ang pendant nito ay star na tulad ng nasa kalangitan ay nag nining-ning.

Ang kwintas na ito ang kaisa-isang meron ako na nagmula sa aking tunay na magulang.

Ito ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob sa maraming taon kapag napupunta ako sa alanganing sitwasyon.

"Mom, Dad. Hinahanap ninyo ba ako? Kung, oo. Nasaan na kayo?"mahina kong bulong.

Malalim akong napabuntong hininga at balak na sanang ipagpatuloy ang paglalakad. Kaso lang, hindi ko na nagawa ng may mamahaling sasakyan ang huminto sa gilid ko. Agad kong nakilala ang sakay nito ng bumaba ang driver at lumapit sa akin.

Si Damian. Isa sa matapat kong soldato.

Magalang itong yumuko na ikina-iling ko nalang.

"Boss, nasa mansyon na si Lorenzo. Umuwi na raw kayo."ani niya.

Gusto ko pa sanang mag gala-gala. Pero dahil may importante akong dapat unahin ay kailangan ko ng umuwi.

"May ibabalita ba siya tungkol sa inutos ko?"diretsahan kong tanong bago sumakay na sa back seat ng sasakyan. Siya naman ay nasa driver seat.

"Yes po. Kaya pinagmamadali niya akong sunduin kayo."sagot niya at pinaharurot na ang sasakyan paalis.

Hindi naman na ako umimik. Nakaramdam ako ng excitement. Sa wakas may chance na akong makita at makilala ang totoo kong mga magulang. Magkakaroon ng halaga ang pagpunta ko sa bansang ito. Kahit pa ayoko rito. Dahil sa Capo na siyang itinuturing na leader ng lahat.

Si Lord A. Tsk!




©Mafiosoakio



______________________________________________________

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now