Chapter 10: Zebastian

128 17 5
                                    







"Lawliet!"

Napakurap kurap ako ng marinig ang pagsigaw ni Casper sa pangalan ko. Ngayon ko na realize na nasa Dining room pala kami kumakain kasama ang iba pang tauhan dito sa mansyon. Nag alisan na nga lang ang iba at naiwan kaming lima.

"What?"tanong ko habang seryoso ang mukha.

"Kanina ka pa namin tinatanong. Nakatunganga ka lang dyan."sagot ni Leopard.

Magkasabay na napatango si Constello at Gray habang si Casper ay nakakunot noo sa akin.

"Naku, stress siguro siya sa pagbabantay kay Sir Zack."sabi ni Gray.

Natawa si Constello.

"Malamang."

Napangiwi na lamang ako. Masyado nilang binibigyan ng kahulugan ang pananahimik ko. Hindi pa sila na sanay sa ugali kong ito.

"Gusto mo ba pakiusapan ko si Mam Imperial na maging partner mo sa pagbabantay kay Sir Zack? Kasi baka hindi mo kayang mag isa."mungkahi ni Casper na siyang ikinaningkit ng mga mata ko.

"No, kaya kong mag isa."sagot ko.

Kaya ko naman talagang mag isa. Hindi ko kailangan ng katulong o kasama para magawa ng maayos ang isang misyon. Sanay akong mag isa. Malakas ako kahit nag iisa lamang ako.

"Okay. Concern lang naman ako bilang kaibigan mo."sabi niya sabay tapik ng kanang balikat ko.

Magkatabi lang kami ng upuan habang nasa tapat naman yung tatlo.

"Kaya ni Lawliet yan."nakangising sabi ni Leopard.

"Tingin ko hindi, lalo na kung bigatin palang mga sindikato at mafians ang gustong pumatay kay Sir Zack."iiling iling na sabi ni Gray.

Ngayong nabanggit niya ang tungkol dun ay naalala ko si Lorenzo. Hanggang ngayon ay wala pa siyang update sa akin tungkol sa pinagagawa ko.

"Tsk."tanging na sabi ko at umiwas ng tingin kay Gray.

Mukhang walang tiwala ang isang ito sa akin.

"Magtiwala kayo sa kakayahan niya. Saka ayaw ni Sir Zack na marami ang nagbabantay sa kaniya kaya nga nag iisa si Lawliet ngayon. Tama ba?"sabi ni Constello sabay tingin sa akin.

Hindi na ako umimik. Wala naman akong pakialam kung anong tingin o iniisip nila sa akin.

"Kamusta nga ba ang pagbabantay mo sa kaniya? May nangyayari na bang hindi maganda? May kalaban na bang  umatake sa inyo?"sunod-sunod na tanong ni Leopard na akala mo imbestigador.

Sumagi sa isipan ko ang paalala ni Zack sa akin nung gabi mismo na may umatake sa amin sa mall. Binilinan niya akong huwag ng sabihin sa parents niya ang tungkol dun. Mag aalala lang daw ito at malamang pada-dagdagan na naman ang bodyguards niya. Which is ayaw niyang mangyari. Mas okay na daw na nag iisa lang ang nagbabantay sa kaniya.

"Wala pa naman."pagsisinungaling ko.

Tumango si Leopard bago ngumiti ng tipid.

"Good. Basta in case of emergency na kailangan mo ng back up. Tawagan mo lang kami."

"Oo nga. Trabaho nating protektahan ang mga Amo natin. So, mas okay kung magtutulungan tayo."pagsang ayon ni Casper kay Leopard.

Inalis ko ang tingin sa kanila at ibinaling sa mga pagkaing nasa lamesa. Kahit hindi pa marami ang nakakain ko ngayong gabi ay pakiramdam ko busog na ako.

"Mabuti nga ay ayos na si Mr.Imperial kaya nakauwi na siya."paglalahad ni Leopard.

"May narinig ako kanina lang."biglang sabi ni Gray.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora