Chapter 2: Bodyguards

351 21 17
                                    







Sabi ni Kentaro noon sa akin. Ngumiti raw ako sa harap ng mga taong nakakausap ko. Para daw hindi ako paghinalaang masamang tao. Sa pag ngiti raw kasi ng madalas. Maari mong maitago ang tunay na katauhan mo. Ganun ang tumatak sa isipan ko nung mag edad ako ng pitong taon. Hayun, effective naman.

Pero lumipas ang ilan pang taon. Nawawalan na ako ng gana pang ngumiti. Kahit pa pekeng ngiti lang. Ayoko na. Nakakairita na ito para sa akin.

Mas naiirita pa ako kapag ako mismo yung ngini-ngitian. Feeling ko peke lang din yun. Kumbaga, walang katotohanan.

Mas gusto ko nalang ipakita ang totoong ako. Kaysa magpanggap gamit ang pekeng ngiti.

Tulad nalang ngayon.

Kanina pa daldal ng daldal ang babaeng nurse na ito sa harapan ko. Marami siyang tinatanong na kung ano-ano sa akin. Pero hindi ako sumasagot. Nanatili akong tahimik at nakatitig lang sa kaniya.

Sa bawat pagbuka ng bibig niya ay sinasabayan niya ng pag ngiti. Akala niya siguro maganda siya sa ginagawa niya. Nagkakamali siya.

Maputi lang siyang babae. Pero pangit siya. Nakakairita pa.

"Sir?"pagtawag niya sa akin.

Malalim akong napabuntong hininga.

"Uulitin ko yung tanong ko. Kaano-ano ninyo po yung dalawang pasyente?"

"Hindi ko sila kilala."sagot ko sa mababang boses.

Tumango siya at may kung anong isinulat sa kaniyang notebook na hawak.

"Sige po. Tatawagan nalang namin ang mga pamilya nila. Gamit yung mga cellphone na nasa bulsa nila. Salamat, Sir."sabi nito at tinalikuran na ako.

Dire-diretso itong naglakad palayo. Nakangiwi kong itinaklob sa ulo ko ang hoodie ng aking Jacket. Bago naglakad palapit sa pinto na nasa malapit. Tahimik kong tinitigan ito.

Nandyan sa loob ang isa sa mga anak ni Mrs Imperial. Siya yung tinulungan ko kanina lang.

Matapos kung tumawag ng ambulansya kanina para sagipin ito at yung taong sinaksak ko ay pilit akong pinasama ng mga nurse kanina na umasikaso sa dalawa. Kaya heto at nandito rin ako sa hospital.

Dahil mukhang okay naman ang anak ni Mrs Imperial. Naisipan ko ng umalis. Tahimik akong naglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo sa silid na yun ng matigilan ako.

Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang mag asawang Imperial na nagmamadaling naglalakad. Kasama ang isang babae at lalaki na mukhang kanilang mga tauhan. Napayuko at tumigil sa aking kinatatayuan.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng dumaan sila sa gilid ko.

"Ano ba kasing nangyari?"rinig kong tanong ni Mrs Imperial.

Nang tuluyan silang makalayo ay muli akong lumakad palabas na ng Hospital. Sa pananahimik ay bumalik sa gunita ko ang nag aalalang mukha ni Mrs. Imperial.

Maswerte ang mga anak ng mag asawang Imperial. Mukhang mapagmahal sila sa mga ito. Halata sa mukha nila ang pag aalala. Nakakainggit tuloy. Kahit minsan, hindi ko yun naranasan kay Kentaro.

Sabagay, hindi niya nga pala ako tunay na anak. Para sa taong yun ako ay robot na ginawa para lang maging utusan.

Iiling iling akong sumakay sa aking sasakyan at pinaharurot ito paalis. Imbes na umuwi sa mansyon ay naisipan ko munang tumambay sa kung saan.

Ipinarada ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada. Tapos ay umupo ako sa bermudang damuhan. Mula rito ay natatanaw ko ang mga bahay na nagliliwanag ngayong gabi.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon