Chapter 26: Boyfriend

116 14 0
                                    






Dalawang araw na ang lumipas buhat ng mag usap kami ni Zack tungkol sa namumuo niyang galit kay Ricky Silberio. At mula noon naiirita na ako sa kanya kapag magkasama kami. Gayunpaman, hindi ko siya masisisi. Natural na ipagtatanggol niya ang kanyang Ama.

Parang ako lang kay Ricky Silberio kahit may kaunting galit ako dito.

Sa nakalipas na mga araw ay naging maayos ang kalagayan ni Mr.Imperial at nakauwi na ito sa mansyon mula sa Hospital. Pero nadagdagan ang security na nagbabantay sa kanya. Ganun din kay Mrs Imperial. Si Zack sana padadagdagan din nila. Kaso, si Zack na ang tumanggi. Tama na daw na ako lang ang magbabantay sa kanya.

Okay na rin dahil nakakairita lang ako kapag may ibang kasama sa trabaho at so far, wala pang nagaganap na hindi kanais nais kay Zack.

Kagabi lang bago ko matulog. Narinig kong nag uusap sa Dining room sina  Casper. Mayroong pina-plano daw ang mag asawang Imperial laban kay Ricky Silberio. Hindi malinaw ang iba pang detalye ng kanilang pag uusap. Pero hindi maganda ang kutob ko dito. Kaya nga tinawagan ko si Lorenzo.

"Gusto kong paman-manan mo ng mabuti si Martin Imperial. I-update mo sa akin ang bawat malalaman mo. Kung sino-sino ang kinakausap niya at kung saan siya nagpupunta."

Simula ng malaman kong maaring kakilala ni Martin si Oslo. Hindi na maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari at sa mga nakahandang plano ni Martin. Masamang tao si Oslo at lahat ng taong kinakausap niya ay masama din. So, maaring tama si Ricky Silberio na may baho ngang tinatago si Martin Imperial.

Ayokong maging bias kay Ricky Silberio dahil lang ama ko siya. Pero mortal silang magkaaway. Kaya, gagawin nila lahat upang siraan ang isat isa.

"Sige, Boss. Maaasahan ninyo. Pero ang pagmanman kay Ricky Silberio. Itutuloy ko pa ba?"tanong ni Lorenzo.

Natahimik ako dahil dun. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na si Ricky Silberio ang tunay kong Ama.

"Hayaan na natin siya. Gawin mo nalang ang iba ko pang inuutos."

"Masusunod, Boss."

Inaasahan kong makakakuha ako ng updates kay Lorenzo dahil bakas sa mukha ni Martin ang kaseryosohan kapag si Ricky Silberio ang pinag uusapan.

Nahuhulaan kong may masama siyang binabalak.

"Kailangan kong balaan si Ricky."mahina kong bulong.

Napakurap kurap ako ng marinig ang pagbuntong hininga ni Zack sa tabi ko. Kasalukuyan kaming buma-byahe patungo sa Concepcion College para pumasok. Sa ilang minutong byahe ay tahimik lamang si Brat.

"Kung iniisip mo pa rin ang plano mo. Binabalaan na kita nung isang araw pa. Wala kang mapapala sa pagsugod sa kanya."pagbasag ko ng katahimikan.

Tuwid ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho. Siya naman ay nakadungaw sa bintana nitong sasakyan.

"Gusto ko lang malaman ang totoo. Bakit niya ako kailangang ipapatay? Si Dad? Galit pa rin siya dito? Hindi pa rin ba siya maka-move on kay Mommy?"

Napailing ako sa narinig at mabilis siyang sinulyapan.

"Matagal ng nakalipas ang nangyari sa kanila ng Mommy mo."

"Exactly, matagal na. So, dapat wala na siyang galit."

"Paano kung ang magulang mo ang ayaw tumigil?"naisip kong itanong.

Pagsulyap ko ay nakakunot noo na si Zack sa akin.

Umiling ako at bumuga ng hangin. Nonsense kung makipagtalo ako sa kanya. Masyado kong ipinagtatanggol si Ricky na baka may katotohanan naman ang binibintang sa kanya.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now