Chapter 32: Brothers

130 16 5
                                    




Nakasimangot ako habang nakatingin sa apat na lalaking nasa harapan ko. Maganda gising ko kanina dahil mamayang hapon daw ay maari na akong lumabas sa hospital na ito. Pero dahil sa hindi inaasahang mga bisita. Hindi na maganda ang mood ko.

"Anong ginagawa ninyo dito?"tanong ko at isa-isa silang tinitigan.

Ngumiwi si Hawk at umupo sa dulong bahagi ng kama ko. Si Master ay lumakad naman patungo sa kanang gilid ko. Habang si Damon at Night ay nanatili sa kanilang kinatatayuan.

"Dinadalaw ka."sagot ni Master.

Tumawa si Night at inilagay sa lamesang nasa malapit ang hawak niyang bulalak. Naningkit ang mga mata ko ng mapansing bulaklak ng patay iyun.

"Fuck you. Hindi pa ako patay."

Muling tumawa si Night.

"Sorry naman. Iyan lang available sa flowershop na nadaanan namin."paliwanag niya.

Napailing ako. Kahit kailan pangasar ang isang ito.

"Sayang. Akala ko pa naman may mailalagay na kaming bulaklak sa lapida mo."komento ni Damon.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung wala kang matinong sasabihin. Itahimik mo yang bibig mo."inis kong sabi.

Hindi naman siya nagpatinag. Poker face lang siyang nakatingin sa akin.

"Ano bang nangyari saiyo? Kwento ni Lorenzo. Nabaril ka daw?"sunod-sunod na tanong ni Master.

Napabuga ako ng hangin.

"Dahil lang sa katangahan."tanging na sabi ko.

Ayoko ng ikwento sa kanila ang puno't dulo ng nangyari.

"Okay ka na ba?"tanong naman ni Hawk.

Tumango ako at marahang kinapa ang bendang nakapulupot sa bandang itaas ng ulo ko. Kanina saktong paggising ko ay pinuntahan ako ng Nurse at Doctor dito. Pinalitan nila ang mga bendang naka-kabit sa katawan ko pati itong nasa ulo ko.

"I'm fine."tanging na isagot ko.

"Mukha naman siyang okay. At least, buhay pa siya para masermunan ni Chairman Wang."sabi ni Night.

Natigilan ako ng marinig ang pangalang kanyang binanggit.

"Lawliet, nung nakaraang linggo ka pa kino-kontak ni Chairman Wang. I guess, iniiwasan mo siyang makausap."

Hindi ako umimik sa sinabi ni Master.  Seryoso ko lang siyang tinitigan.

"Kausapin mo siya paglabas mo dito. Alam mo naman kung paano magalit yun."dagdag ni Hawk.

Huminga ako ng malalim at yumuko. Tumitig ako sa dalawang kamao ko.

"Gusto ko ng manatili dito."paglalahad ko.

Narinig ko ang pagtawa ni Night kaya nag angat ko ng tingin sa kanya.

"I knew it. Sabi ko na nga ba."tumatangong sabi niya.

Nagkatinginan si Damon at Hawk. Si Master naman ay umiling iling.

"Huwag na tayong magplastikan. Alam ninyong may dahilan ako kaya iyon ang naging pasya ko. Hindi ba ganun din naman kayo?"

Hindi sila nakasagot. Natahimik sila.

"Ngayon ko lang naramdaman na magkaroon ng magulang. Ayokong umalis dito."dagdag ko pa.

Kagabi bago matulog. Tahimik kong nag iisip. Alam ko sa umpisa palang ay  wala akong planong magtagal dito. Kaya lang, habang lumilipas ang mga araw ay tila nag dadalawang isip na ako sa unang naging pasya.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now