Chapter 6: Psycho

162 19 4
                                    





Nung isang gabi ay narinig kong nagtanong si Casper sa akin. Kung ano daw buhay mayroon ako nung bata pa ako. Mukhang curious ang Ungas na iyon tungkol sa akin. Pero hindi ko siya sinagot. Nanatili akong tahimik hanggang sa mawalan nalang siyang gana na kausapin ako.

Ang mga ganung tanong ang iniiwasan ko kaya turing sa akin ng iba. Suplado at napaka-boring kausap. Which is totoo naman.

Hindi ko makita ang sarili ko na mag open up sa ibang tao ng tungkol sa naging buhay ko noon. I'm sure, 99% sa kanila maawa sa akin. Ayoko ng ganun.

Paano nga ba sila hindi maawa lalo na at kung impyerno ang naging tahanan ko sa loob ng maraming taon.

Impyerno na pinamumunuan ni Kentaro Yamaguchi. Siya ang taong nagpalaki sa akin. Sa bansang Japan na ako nagkamulat at nagkaisip dito sa mundo.

Eight years old ako noon ng maipasok ko sa isipan kong hindi siya ang totoong Ama ko na kinalaunan ay inamin din naman niya. Nung una, ayos lang sa akin dahil in the first place malaki ang pasalamat ko sa kaniya dahil kinupkop niya ako, pinakain, binihisan, pinaturuang magsulat at bumasa. Pero ng malaman kong isa siya sa most notorious Yakuzan leader ay nangamba ako.

Noon pa man, kahit bata ay alam ko na ang trabahong ginagawa niya. Halos puro ilegal. Bukod dun, pumapatay siya ng mga taong walang kalaban-laban. Saksi ako sa mga taong nawala sa mundo dahil sa kaniya. Sobrang lupit ni Kentaro na halos ang walang kamuwang-muwang hindi niya pinapatos. Ang mga babaeng naiibigan niya. Walang awa niyang pinagsasamantalahan at kapag nagsawa ay papatayin na. Ganun siyang tao.

Hindi ko maatim yun at gusto ko ng umalis sa mansyon niya. Kaya lang, hindi ko magawa dahil sa tindi ng pagbabantay niya sa akin sa kaniyang mga tauhan.

Isang araw, inutusan niya ang magagaling niyang tauhan para isa-ilalim ako sa isang trainig na maglilinang sa kakayahan ko. Gusto niyang matuto akong makipaglaban at humawak ng mga sandatang labis kong kinatatakutan.

Sa pagkakatanda ko ay onse anyos ako noon.

Wala akong choice kung hindi sumunod dahil sa takot na mapatay ni Kentaro sa oras na suwayin ko siya. Kasi kahit saang banda mo tignan. Wala akong magagawa laban sa kaniya kaya upang hindi maparusahan ay susunod ako sa ano mang ipagagawa niya at nais niya.

Sa ilang taong pagsasanay. Natuto akong makipaglaban hanggang sa maging parte na ako ng Yamaguchi Clan. Naatim ng sikmura kong gumawa ng masama. To the point na pagpatay nalang ang palaging inuutos ni Kentaro.

Sa edad na labing lima ay naging propesyonal assassin/hired killer/soldato ako ng Yamaguchi clan. That time ay ako ang pinakabata. Hindi mo nga lang mahahalata dahil matangkad ako.

Enjoy naman ang ganung trabaho dahil bukod sa natutuwa sa akin si Kentaro ay may malaki ang sahod na siya kong iniipon para pagdating ng araw ay mahanap ko na ang totoo kong pamilya.

Iyon kasi ang plano ko. Once na dumami na ang pera ko. Aalis ako sa poder ni Kentaro kahit anong mangyari dahil gusto ko ng magbagong buhay kasama ang totoo kong pamilya.

Ang planong iyon ay nalaman ni Kentaro. Nagalit siya at sinabing, hindi daw ako pwedeng umalis sa grupo dahil siya ang nagmamay-ari sa akin. Ako daw ay magsisilbi sa kaniya hanggang sa kamatayan ko. Nakaramdam ako ng iritasyon nun. Nakipagtalo ako sa kaniya. Ipinaliwanag kong hindi purkit siya ang nag ampon sa akin ay dapat niya ng diktahan kung ano ang magiging plano ko sa buhay.

Mas lalo siyang nagalit dahil dun at kung ano-ano ng masasakit na salita na ang natamo ko sa kaniya. Napaawang ang aking bibig ng sa kaniya mismo nanggaling kung sino talaga ang mga tunay kong magulang dahilan para magmakaaawa ako sa kaniya. Gusto kong makita at makasama ang pamilya ko.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now