Chapter 23: Blood Type

133 15 2
                                    






"Aray! Lawliet."reklamo ni Zack habang nakasimangot kong iniipit ang leeg niya gamit ang isang braso ko.

"Ah, masakit? Sige, didiinan ko pa."sabi ko at hinigpitan ang pagkakasakal ng leeg niya.

Tawa naman ng tawa ang mga kaibigan niya. Si Jonas ,Yohan, at Lester. Habang si Lemon ay ngi-ngiti-ngiti lang.

"Tama na. Sorry na nga eh."nakangiwing sabi ni Zack.

Iritado ko siyang binitiwan.

"Ulitin mo pa yun. Ako na mismo papatay saiyo."pagbabanta ko.

Kasalukuyan akong nandito sa parking lot ng Concepcion College. Nang makatanggap ako ng tawag sa kanya kanina ay dali-dali akong nagtungo dito na halos kulang nalang ay magka-pakpak ako para lang mapuntahan siya agad. Dahil nga kailangan niya ng tulong. Sakto namang nakakuha ako agad ng masasakyan at walang traffic. So, halos 15 minutes lang ay nakarating na ako dito sa eskuwelahan nila.

Pagpunta dito ay naabutan ko siyang masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Sabi niya, nag jo-joke lang daw siya nung tumawag siya sa akin para manghingi ng tulong. Gusto lang daw niya ako papuntahin dito. Sa inis ko ay binatuk-batukan ko siya dahil aaminin kong nag alala ako habang kausap ko siya kanina sa cellphone. Akala ko may kung ano ng nangyari sa kanya. Yun pala. Wala.

"Relax, hindi na niya uulitin yun. Baka mapatay mo pa siya."natatawang sabi ni Lester.

Tumango tango si Jonas at tinapik ang isang balikat ni Zack.

"Kaya mag tanda ka na."sabi niya dito.

Ngumisi si Zack at muling ibinaling ang tingin sa akin.

"Pasensya na. Wala akong maisip na paraan para mapapunta ka dito."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa iisang bubong tayo nakatira. Pwede mo kong kausapin sa mansyon mo pag uwi ninyo."sabi ko.

Umiling siya at bahagyang kinamot ang kanang kilay.

"Excited akong sabihin ang good news."

Kumunot ang noo ko.

"Good news?"

Tumango siya at sinulyapan ang kanyang mga kaibigan. Si Lemon ay nanatiling tahimik at nakangiti.

"Pumayag na si Mom na bumalik ka sa pagbabantay sa akin."

Natigilan ako.

"Kaya simula bukas. Ikaw nalang ulit makakasama ko. Tapos si Casper. Kay Dad ulit."sabi pa niya.

"Bakit? Paano?"

Parang napaka-imposible na magbago ang isip ni Mrs.Imperial about sa trabaho ko. Dahil nung gabing mag usap kami. Bakas na bakas ko sa mukha niya ang labis na galit at dissapointment sa akin.

Tumawa si Zack.

"Blinack mail ko. Kaya yun, pumayag."sagot niya.

Tumaas ang isang kilay ko.

"Paano mo ginawa yun?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay tumawa lang siya at sinulyapan ang wrist watch niya.

"Mag ala-singko na. Umuwi na tayo."pag aya niya tapos tinignan ang mga kaibigan.

"Una na kami mga, Dude."paalam niya sa mga ito.

"Sige lang. Uuwi na din ako."sabi ni Yohan.

"Ako din. Sabay ako sa kanya."sabi naman ni Jonas at inakbayan si Yohan.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now