Chapter 16: The Ex

131 16 0
                                    







Napaka-boring ng birthday party ni Hawk. As in boring. Marami ngang pagkain at inumin pero napaka-tahimik naman. Nakaka-antok pa ang musikang pinatutugtog. Hindi ko tuloy mapigilang mapahikab. Kung hindi nga lang nakatutok ang atensyon ko kay Mr Honorio ay baka nakatulog na ako.

Sa pagdaan pa ng ilang mga minuto ay busy si Mr Honorio makipag-usap sa iba pang guest ni Hawk. Ayon kay Master, karamihan ng nandito ay puro negosyanteng mafian at yakuzan. Which is magandang panimula sa grupo ni Hawk. Kasi marami siyang panibagong ka-alyansa. Kabilang na nga ang Honorio Clan.

Sa ngayon ay nag iisip na ako ng paraan kung paano mamatyagan ang Ama ni Mrs.Imperial.

Kaso, hindi ko alam kung anong magiging plano ko. Hindi kasi malinaw sa akin ang totoong adhikain o layunin ng matanda sa panggugulo sa Imperial Family. Obvious naman na ayaw ni Mrs Imperial na magkaroon pa ng koneksyon sa kaniyang ama. Pero itong si Mr Honorio. May balak na hindi na aayon sa kagustuhan ng kanyang anak.

Ang gulo.

Pero ang malinaw lang, walang balak na pagtangka sa buhay ni Zack ang matandang Honorio. Siguro kunin si Zack, oo. Pero ang patayin. I think hindi. Lalo na at ito ay apo niya. So, labas si Mr Honorio sa mga taong may gustong pumatay kay Zack.

"Lawliet."rinig kong tawag ni Master sa akin.

Agad ko siyang binalingan ng tingin.

"Kaunti nalang matutunaw na si Mr.Honorio."sabi niya.

Ngumiwi ako sabay iling.

"May kailangan lang akong malaman tungkol sa kaniya."

Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

Luminga ako sa kabuuan ng lamesa namin. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na dito si Damon at Night. Kasalukuyan na silang nasa ibang lamesa at seryosong nakikipag usap sa mga taong hindi ko kilala.

"Siya ang Ama ni Mrs Imperial."mahina kong sagot pero alam kong narinig niya.

Alam ni Master ang tungkol sa totoo kong pamilya. Hindi ko kinuwento sa kanya. Si Chairman Wang ang nagdaldal. Ewan ko ba sa isang yun at sinabi dito.

"Kung ganun, lolo mo siya?"

Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Nakakatawang isipin na kanina ko pa nakilala ang ama ni Mrs Imperial per hindi ko pumasok sa isipan kong Lolo ko ito. Dahil kahit ako ay may dugong Imperial. Hindi ko kinokonsidera ang sarili ko na kasama sa kanilang angkan. Para sa akin, mananatili pa rin akong Yamaguchi. Sapagkat yun na ang kinagisnan ko.

"Anong plano mo ngayon? Magpapakilala ka ba sa kaniya?"

Mabilis akong umiling.

"Sa totoo ko ngang magulang hindi ako magpapakilala. Sa kaniya pa kaya."

Bahagyang natawa si Master at dinampot ang baso ng wine sa lamesa. Marahan niya itong ininom hanggang sa maubos ang laman nito. Agad kong nakita ang pagpula ng mukha niya. Maya-maya lang ay halatang malalasing na siya.

"Kaya ka ngang nag stay dito sa Pilipinas para sa kanila. So, bakit ayaw mo magpakilala?"

"Wala ka na dun."

Ayoko ng sabihin pa sa kaniya ang tungkol dun. Paulit ulit ko ng sinagot kay Lorenzo ang tanong na iyon.

"Basta gusto ko lang na matulungan sila. Bago ako bumalik ng Japan."dagdag ko pa.

Iyon naman na ang main agenda ko ngayon. Ang tulungan sila.

Hindi ako mabait na tao. Kung hindi ko lang sila pamilya ay hindi ako mag aaksaya ng oras dito. Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko lalo na sa mag asawang Imperial dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala ako dito. So, maliit na bagay lang na tulungan sila sa kanilang problema.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora