Chapter 31: Dad

111 13 3
                                    






Labing walong taong gulang na ako. Ilang buwan nalang ang bibilangin. Birthday ko na. Meaning, malapit na ako sa adult stage. Hindi na ako bata. Pero sa inaasta ng matatandang nasa harapan ko. Feeling ko isa akong batang paslit na pinag agawan ng dalawang kontrapelong pamilya.

Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa bawat palitan nila ng salita. Kung hindi lamang masakit ang katawan ko ay baka ako na mismo ang nagpalayas sa kanila sa silid na ito.

Shit. Masakit talaga ang ulo ko. Parang pinipiga ng maso.

"Anong hindi mo maintindihan sa paliwanag ko? Lumayas kayo. Hindi kayo kailangan ng anak ko."mariing sabi ni Ricky.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid ko. Katabi niya si Jupiter pati si Don Riguel. Sa kanilang harapan ay naririto si Mr.Honorio kasama si Mrs.Imperial pati si Jackie at ilan nilang tauhan sa Imperial Family. Nandito rin sa loob ng silid ang piling alalay ni Ricky Silberio.

Halos mahilo ako sa dami ng tao sa harapan ko. Pakiramdam ko masusuka sa presensya nila.

"Shut up, Ricky. Anak ko rin sya baka nakakalimutan mo?"balik ni Mrs.Imperial.

Marahang naiiyak ito habang nakikipagtalo kay Ricky. Pilit naman siyang ina-alo ng kanyang ama. Kumunot ang noo ko sa nangyayari sa kanila. Bakit sila magkasama? Bati na ba sila? Huling natatandaan ko ay galit si Mrs Imperial kay Mr Honorio.

"Kasalanan mo at ni Martin bakit siya nawala sa akin. Nakiusap ako saiyo noon pero hindi mo pinakinggan. Ngayon, ikaw pa may ganang magsalitang ariin na anak mo din siya. Nagpapatawa ka."

Sa litanyang iyon ni Ricky ay sinampal siya ni Mrs Imperial. Dahilan para itutok ng mga tauhan ni Ricky sa ginang ang kanilang mga baril. Ganun din ang ginawa ng mga tauhan ni Mrs Imperial. Tinutukan nila ng baril si Ricky.

"Umalis nalang kayo. Kailangang magpahinga ng apo ko."sabat ni Don Riguel.

"May dugo siyang Honorio. Meaning, apo ko din siya. Hindi ninyo siya maaring ipagkait sa amin."purong tagalog na salita ni Mr Honrio.

Napapikit ako sa iritasyon habang nanatiling hawak ng isang kamay ang ulo kong may benda.

"Tama na!"

Narinig kong natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko. Pagmulat ko ng mga mata ay nakatingin sila sa akin. Bakas sa mukha ni Ricky Silberio ang pag alala. Habang si Mrs Imperial naman ay malungkot na umiiyak.

"Hindi na ako bata. Huwag ninyo kong pag awagan."sabi ko.

"Anak."tawag ni Mrs Imperial sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong titigan siya sa mga mata dahil alam kong madadala lang ako. Siya ang ina ko. Alam ko sa puso kong sabik ako sa pagmamahal at atensyon niya. Pero hindi ko nakakalimutan ang kasalanan niya sa akin. Lintik lang ang walang ganti.

"Lumabas kayong lahat. Iwanan ninyo ko."sabi ko pa.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ricky Silberio sa akin.

"Son, kailangan nating mag usap. Hayaan mo kong magpaliwanag."

Ikinibit balikat ko ang sinabi niya.

"Zebastian, please...kausapin mo ko."pakiusap ni Mrs Imperial.

Nanatili akong hindi tumitingin sa kanila. Panaka-naka akong pumipikit sa kirot na nadarama ng katawan at ulo ko. Mukhang kailangan kong matulog ng mas mahaba para makabawi ng lakas.

"Layas na! Iwan ninyo kong mag isa! Hindi ko kayo kailangan!"sigaw ko.

Napamura ako ng mahina ng marinig ang sunod-sunod na naman nilang pagsasalita. Hanggang sa may kalabog akong narinig na tila sinipa ang pintuan. Pagtingin ko doon ay naroroon ang isang lalaking nakatayo mismo sa bukana ng pinto.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz