Chapter 15: Meet The Boss

124 13 1
                                    




Ang Eldianir Royal ay grupong kinabibilangan ng pinaka-mayaman na Mafian Organization sa buong bansa. Ito ay lihim na kapatiran sa pagitan ng anim na miyembro at lider nitong si Chairman Wang.

Sa anim na miyembro ay kasali ako.

Napasali ako dito dahil sa paanyaya ni Chairman Wang ng makilala ko siya noon. Maraming akong natanggap at nakuhang benefits sa pagsali. Ilan lang dito ay ang dagdag yaman, proteksyon, kakampi at mga negosyo. Kaya lang, never ko yatang makakasundo ang mga miyembro dahil na rin siguro sa ibat-iba naming personalidad at pag uugali. Bukod dun, bihira kaming magkita-kita. May komunikasyon man kami. Text, tawag at video call lang. Minsan nga, hindi ko pa sinasagot ang tawag nila.

Nagkataon lang na ako mismo ang tumawag sa isa sa mga miyembro dahil sa panibago niyang text na dumating kanina lang.

Ito ay walang iba kung hindi si Mastet. Ang Capo di tutti capi ng Alphero Elite Famiglias.

"Ano pupunta ka? Mamayang gabi yun. Marami siyang bisitang Hapon."

"Akala ko ba galit siya sa mga japanese?"nakangisi kong tanong.

Napailing ako ng marinig ang nakakaloko niyang pagtawa.

"Nag suggest ang hampas lupa niyang Uncle na makipag-jingle all the way sa mga yakuzan. Kaya yan, pati sa birthday party ay invited ang mga ito. Pero huwag ka, mga bigating Yakuzan. Like Yochiro Clan, Abe Clan, Honorio Cla—"

"What? Honorio Clan? Tama ba?"agap kong sabi kahit hindi niya pa natatapos ang kaniyang sasabihin.

"Yes, Honorio Clan. Galing ako sa mansyon niya kahapon. And nakita ko ang guest list na pupunta sa party niya."

So tama ang info na nakalap ko sa mga Imperial. Mukhang nandito nga sa Pilipinas ang Honorio Clan. Pero hindi ako sure kung mismo lider nila ang nandito o tanging mga tauhan lang niya na umasikaso sa kanilang planong pagkuha kay Zack.

"Mismong lider ba ng Honorio Clan ang pupunta sa birthday party?"usisa ko.

"Of course, yun ang nakalagay sa invitation."

Lihim akong napaisip sa dapat gawin. Hanggang sa isang ideya ang agad kong naisip.

"Private yung party. Walang media, o kahit sinong hindi naman kasali sa mafian world na kinabibilangan natin."dagdag pa ni Master.

Tumango tango ako.

"Fine. I'm in. Anong oras ba?"

Sumimangot ako ng marinig ulit ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Anong masamang hangin ang nalanghap mo, Lawliet Yamaguchi? At ikaw mismo ang nagsabing dadalo ka sa party? Last time i check ay ako ang pumipilit saiyo na makisama sa amin."

Natahimik ako at hindi agad nakasagot. Sa limang mga kasamahan ko sa Eldianir Royal. Tanging itong si Master lang ang nag tyaga sa ugali kong hindi maipaliwanag. Siya lang ang madalas kumakausap sa akin which is minsan nakakainis lalo na kung pare-parehas kaming pupunta sa mansyon ni Chairman Wang.

"Mind your own business, M."sabi ko.

"Tsk. Call me Master. Not M. Ang pangit ng endearment mo sa akin, baby bro."

Mahina akong napamura.

"Bakka."inis kong sabi.

Sa anim na Capo. Tanging ako lang ang 18 years old dahilan para madalas ay ituring nila akong bata.

"Oh siya. Magkita tayo sa mansyon nila Hawk. I'm sure maglulupasay yun sa tuwa kapag nakita."makahulugan niyang sabi.

Napabuga nalang ako ng hangin sa kaniyang sinabi.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now