Chapter 24: Talk

136 13 2
                                    




Tahimik akong nakamasid sa silid na kinaroroonan ko. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa aircon. Bawat detalye nitong silid ay tinitignan ko.

Malawak at maaliwalas ito.

Kumpleto sa kagamitan. May dalawang mahabang sofa at lamesa. Sa magkabilang gilid ng dingding ay may mga bookshelf na naglalaman ng maraming libro. Hindi ko alam kung para saan ang mga ito pero karamihan puro japanese words.

Tapos may maliit na cabinet din dito. Kung saan ay may nakapatong na dalawang picture frame. Yung isang picture frame ay silang dalawa ni Jupiter. Habang yung isa ay solo niya.

Sa tabi ng pinto ay may halamang nakalagay sa hindi kalakihang paso. May nag iisang abstract painting naman ang nakasabit sa dingding na malapit lang sa bintana.

Sa di kalayuan ay naroon ang swivel chair ni Ricky Silberio. Sandamak-mak na papeles at folder ang nakapatong sa kanyang lamesa. Mukhang doon niya pinag aaralan at pinipirmahan ang mga proposal about sa kanyang business.

Sa kabuuan ay napaka-simple lang nitong opisina niya. Malayong malayo sa opisina ko sa Yamaguchi Famiglia.

"Uminom ka muna."pag aalok ni Ricky Silberio at inilapag sa lamesang nasa tapat ang isang baso ng juice.

Ngumiwi ako.

"Hindi ako mahilig sa juice."

Tumaas ang isa niyang kilay.

"Gusto mo ba ng kape? Or softdrinks? Alak?"

Umiling ako.

"Hindi ako pumunta dito para makipag-inuman, Sir."

Bahagya siyang natawa.

"Mukhang hindi ka rin mahilig sa mga inumin."

Umayos siya ng pagkakaupo sa kabilang sofa na nasa tapat ko.

"So, anong dahilan at bakit naparito ka? Tinatanggap mo na ba ang alok kong trabaho?"

Hindi ako sumagot. Saglit kong inalala ang dahilan bakit ko siya pinuntahan.

Bakit ng ba?

Halos parehas kaming nakatitig lang sa isat isa. Ngayon ay mas malapitan kong nakikita ang kanyang itsura. Hindi ko masuri kung magkamukha ba kami. Mas bilugan kasi ang mukha niya kumpara sa akin. Tapos mas mahaba ang pilik-mata ko kumpara sa kanya. Ang nakita kong pagkakaparehas namin ay sa mga mata.

Yung laki at shape ay pareho pareho. Nababasa ko din na mukhang marami na siyang napagdaanan masasakit na sandali sa buhay. Tulad ko.

"Lawliet?"pagtawag niya sa atensyon ko.

"Didiretsahin na kita, Sir. Nung nakaraan linggo ay may kahina-hinalang lalaki ang sumugod sa Concepcion College at tinangkang patayin si Zack Imperial."

Napansin kong hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. Dedma kumbaga. In short, wala siyang pakialam.

"Dahil dun gumawa ng paraan si Mr.Imperial para mahuli ang taong ito. Nung nahuli ito. Tinuro niyang nag utos sa kanya ng mga iyon ay ikaw. Ricky Silberio."dagdag ko pa.

Imbes na magulat at magtaka ay nakita ko siyang tumawa.

"Joke ba yan? Nakakatawa ah."

"Sir, ikaw ang tinuturo ng lalaking yun. Ibig sabihin nito gusto mong patayin si Zack Imperial?"

Mabilis siyang umiling iling.

"Of course not. Bakit ko gagawin yun? Nangako na akong magpapakabuti. Hindi na ako babalik sa buhay ko dati."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt