Chapter 42: Last Will

103 11 5
                                    






Apat na araw na ang lumipas simula ng mawala si Ricky. Sa ilang araw na yun ay mukha akong tanga na nakabantay lang sa tabi ng kabaong niya. Uma-alis lang ako para maligo at kumain. Pagtapos nun babalik ako dito para tahimik na damhin ang pagkawala niya. Walang sinumang kamag-anak ni Ricky ang kumakausap sa akin matapos ang pangyayaring inaway ko sila Maryela. Panay lang ang tingin nila na tila isa akong alien na dapat iwasan. Pati mga anak nila na pinsan ko daw. Ganun din ang akto. Lalo na si Elaine. Wala akong panahon sa kanya kaya hinahayaan ko nalang.

Sa pagpapatuloy ng burol ni Ricky. Walang ginawa si Jupiter kung hindi guluhin ako. Dinaig niya pa, Nanay ko. Tatanungin niya kung kumain na ako? Anong gusto ko? Bakit hindi pa ako matulog at kung ano-ano pa. Medyo annoying kaya madalas nasusungitan ko sya. Pero sa sobrang kapal ng mukha niya. Balewala sa kanya ang pagsusungit ko. Nagsasawa nalang ako.

Basta ako, hanggat hindi na iililibing si Ricky. Gusto ko nasa tabi lang niya ako.

Ang kanyang libing ay gaganapin bukas. Araw ng linggo. Iyon ang itinakdang petsa ni Don Riguel. Ayon sa kanya mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang makakadalo sa libing para iwas daw sa maraming tao.

Buti nalang, hindi natuloy ang plano namin nila Oslo para kay Martin. Naghihinayang man pero wala na akong magagawa. Ang plano namin kay Martin ay magaganap pa rin naman pero sa ibang araw nga lang.

Kagabi nga lang ay nakausap ko sa cellphone si Oslo. Ibinalita niya ang pagbabago sa usapan namin kasama si Sigrid Raven.

"What? Paanong hindi na matutuloy?"tanong ko sa kabilang linya.

"Hindi nagpapakita si Martin. Nagtatago na yata ang Ungas."

Literal na napamura ako sa narinig. Inaasahan ko ng magtatago siya agad dahil alam niyang tatargetin ko siya.

"So, anong gagawin natin? Hahanapin natin siya?"

"No, kusa siyang lalabas. May nakahandang Plan B si Sigrid."sagot ni Oslo.

Hindi na ako nakapagsalita pagtapos nun. Nawala nalang siya sa kabilang linya. Tatawagan nalang daw niya ako ulit. Okay na rin yun. Kailangan ko munang intintidihin si Ricky ngayon. Pagtapos nito saka ko se-seryosohin ang tungkol kay Martin.

"Lawliet."tawag ng kung sino.

Naramdaman kong may tumabi sa kinauupuan ko kaya agad akong napatingin. Tumambad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Yannie.

Ito yung babaeng gusto ni Jupiter para kay Ricky. Nung unang beses ko itong makita. Nabasa ko ng may gusto siya kay Ricky.

"Hello, good afternoon."bati niya.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Kumain ka na ba? Sabi ni Jupiter baka daw nagugutom ka. Hindi ka daw kumakain ng pagkain dito. Ano bang gusto mo? Maraming resto dyan sa malapit. Bibili ako."

Peke akong napangiti. Ngumiti din siya pabalik.

"Hindi kita Nanay. Tigilan mo ang pagiging mabait sa akin."diretsahan kong sabi.

Pinaka-ayoko sa lahat yung kinakawaan ako, ginagawa akong bata at tinatanong ako ng kung ano-ano. Naiirita ako kapag ganito.

"Mukhang tama nga si Jupiter. Kakaiba ka."

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin