Chapter 17: Hug

133 16 4
                                    





"Okay ka lang ba?"nakangiwing tanong ni Zack habang titig na titig sa braso kong may benda. Habang si Lemon ay prenteng nakaupo sa sofa at panay ang kain ng hamburger na binili daw niya sa labas nitong Hospital.

Matapos ang eksena sa eskwelahan kanina ay dinala ako nila Zack dito para daw maagapan ang natamo kong sugat. Although daplis lang naman ito ay kailangan pa rin daw malinis at magamot.

Iritado akong napaayos ng upo dito sa kama ng mapasulyap sa nurse gumamot sa sugat ko. Ayoko talaga sa mga Hospital kaya hindi ako masyadong natutuwa sa sitwasyon ko. Dagdag pa dyan yung lalaking bumaril sa akin kanina. Hindi ko alam kung sino yun. Ewan ko kung sadyang tinarget niya ako o si Zack ang puntirya niya.

Pero ayon sa kwentong sinabi ng mga pulis kanina nang kausapin kami. Iyun daw ay taong nag amok at nagawang makapasok sa eskwelahan. Kaya halos lahat ng gwardyang nagtatrabaho doon ay mapaparusahan.

Tingin ko hindi yun totoo.

Speaking of mga pulis. Tinanong lang kami ng mga ito tungkol sa nangyari. Nag iimbestiga daw sila para mahuli yung lalaking yun

"Salamat, Miss."sabi ni Zack sa nurse na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Tumango ang nurse at naglakad palabas ng silid. Agad namang tumayo si Lemon sa kanyang kinauupuan at tumabi kay Zack.

"Buti hindi malala ang tama mo, Cool boy. Nag alala kami saiyo."sabi niya.

"I'm fine. Tara na."pag aya ko.

Tumayo ako sa kama at dinampot ang bag ko. Sinukbit ko ito sa kanang braso ko. Napakunot noo ako ng makitang nanatiling nakatayo sa kanilang kinatayuan si Zack at Lemon.

"Uuwi na tayo?"nakangiwing tanong ni Zack.

"Malamang. I'm sure nabalitaan ng Mommy mo ang nangyari kaya nag aalala na yun."sagot ko.

Kanina habang ginagamot ng nurse ang sugat ko ay panay ang ring ng cellphone ni Zack pero hindi niya ito sinasagot. Malakas ang kutob kong si Mrs Imperial yun. Sa deklarasyon ng may-ari ng Concepion College ay kinansela na ang pasok ngayong araw. At kumalat na sa buong madla ang nangyayaring pag amok ng hindi kilalang lalaki sa eskwelahan.

So wala na kaming gagawin kung hindi ang umuwi na. Mahirap na baka kapag nagtagal pa kami dito sa labas ay mapahamak pa itong si Zack.

"Okay."simpleng sagot niya.

"Sabay na ako sa inyo."nakangiting sabi ni Lemon.

Hindi naman na ako umimik at naglakad na paalis. Tahimik silang sumunod sa akin. Paglabas namin ng Hospital ay diretso kaming sumakay sa sasakyan. Dahil medyo masakit pa ang braso ko. Si Zack ang nag prisintang magmaneho. Magkatabi naman kami ni Lemon dito sa backseat which is hindi ako kumportable lalo na panay ang titig niya sa akin.

"Grabe ang nangyari sa school kanina lang. Sino kaya yung lalaking yun, no?"pagbubukas niya ng usapan.

"Inaalam pa yan ng mga pulis."sagot ni Zack na nanatiling nagmamaneho.

"Wait, paano kung isa yun sa mga hired killer mo?"tanong ni Lemon sabay sulyap sa akin.

Hindi naman na umimik si Zack. Binuhay nalang niya ang makina ng sasakyan at nagmaneho ng tahimik.

Nang nasa kasagsagan na kami ng byahe ay panay ang daldal ni Lemon. To the point na naririndi na ang tainga ko sa kanya. Dinadaldal niya yung mga nasagap niyang balita sa social media tungkol sa naganap nga sa eskwelahan.

"Maraming parents ang nagrereklamo sa Dean. I guess, masisira ang pangalan ng school."sabi niya habang nakatitig ng seryoso sa kanyang cellphone.

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa kinauupuan. Ngumiwi ako ng maramdamang kumirot ang sugat ko. Kahit daplis lang ng bala ang natamo ko. Masakit pa din.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now