Chapter 19: Smile

119 14 3
                                    






Hindi ko mapigilang mailang habang nakatitig sa matandang lalaki na prenteng nakaupo sa mahabang sofa. Sa suot niyang magarang damit ay mahahalata ang karangyaan niya sa buhay. Sa kanyang likuran ay tuwid na nakatayo ang apat pang lalaki na nagsisilbing mga tauhan niya.

Mabilis kong sinulyapan ang kabuuan ng mansyon na aming kinaroroonan. Napakalaki nito at malawak. Talagang mayaman ang matandang ito. Napaka-swerte ni Zack kapag nagkataon dahil obviously, siya ang magmamana ng lahat ng ari-arian nito.

Narinig kong tumikhim si Zack kaya napatingin ako sa kanya. Magkatabi kami ngayong nakaupo sa sofa kaharap ang matandang lider ng Honorio Clan.

Bago kami makapasok dito sa kanyang mansyon ay ipinakilala ako ni Zack sa kanyang Lolo. Laking pasalamat ko at hindi nag react ang matanda dahil alam kong kilala na niya ako. Sana lang ay wala siyang mabanggit kay Zack ng tungkol sa pagkikita namin sa party ni Hawk nung nakaraang linggo. Dahil kapag nagkataon. Baka maghinala si Zack sa akin.

"Sorry sa hindi inaasahang pagbisita, Lolo."panimula ni Zack.

Hindi umimik ang matanda. Nakatitig lang ito sa kanyang Apo.

"Pwede ko po ba kayong tawaging Lolo?"nakangiwing tanong pa niya.

Ngumiti ang matanda dahilan para mawala ng saglit ang kanyang mga mata.

"Sure. Walang problema."tipid nitong sagot.

Hindi ako nagulat sa pagtatagalog niya. Ayon sa nalaman ko ay pabalik-balik na dito sa Pilipinas ang matandang ito sa pag aasam na makasama ang nag iisa niyang anak.

"Thank you po kung ganun. Pero hindi na ako magpapaligoy-goy pa. Alam ninyo naman siguro ang dahilan kung bakit narito ako."

Napansin kong sumeryoso ang mukha ni Mr Honorio.

"I don't know. Ano bang dahilan at naparito ka? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? And ang Mommy mo? Alam niya bang pupunta ka dito?"magkakasunod na tanong nito kay Zack.

Umiling si Zack at sumulyap sa akin.

"Actually, tumakas lang kami. Dahil gusto ko talaga kayong makausap at alam kong hindi ako papayagan ni Mommy kung magpapaalam pa ako sa kanya."paliwanag niya.

Muli niyang tinitigan ang matanda.

"Ano bang gusto mong pag usapan?"

Kitang kita ko sa mga mata ni Zack ang pag aalinlangan.

"I just want to know kung anong reason ng galit niya sa inyo."

Natigilan ang matanda at bahagyang isinandal ang likuran sa kanyang kinauupuan.

"Please, Lolo. Gusto ko lang malaman ng maliwanagan ako."dagdag ni Zack.

"Ako ang dahilan bakit nawala sa kanya ang bunso ng inyong pamilya."

Nagkatinginan kami ni Zack.

"What? You mean...si Zebastian?"

Tumango ang matanda.

"Paano nangyaring kayo ang dahilan?"usisa ni Zack.

"Listen, Apo. Hindi kita masisi kung magagalit ka sa akin. Hindi pa mag asawa ang Mommy at Daddy mo noon ay tutol na ako sa desisyon nilang magpakasal. Being the leader of Honorio Clan. Gusto kong mapabuti ang anak ko at ang makapangasawa siya ng isang Yakuzan Boss like me ay isang pangarap ko. Nang sa ganun ay magawa niyang maalagaan ang lahat ng pinag hirapan ko. Pero hindi nangyari yun. Masyadong matigas ang ulo ng iyong Mommy. Nagpakasal sila at nagkaroon ng mga anak."mahabang pagkukwento nito.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant