Chapter 7: Guardian Devil

140 15 2
                                    






"For your info, si Dad ang pumili saiyo na mag stay as bodyguard ko. Hindi ako."pagbasag niya ng katahimikan dahilan para mapasulyap ako sa rear view mirror nitong sasakyan.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa backseat at seryosong nakatitig sa akin. Malalim akong napabuntong hininga.

Dahil nga ako nalang ang magbabantay dito kay Zack ng 24/7. Dapat kong sanayin ang sarili ko sa kaingayan niya at sa kung ano pa.

"Ikaw ang napili niya dahil wala siyang choice kaya huwag kang masyadong confident na ikaw ang mas magaling kumpara sa dalawa mo pang kasama."dagdag niya pa.

Nanatili akong tahimik sa mga pinagsasabi niya. Nauunawaan ko naman kung anong pinupunto niya pero nonsense din dahil wala naman akong pakialam.

"Kung ako ang tatanungin. Ayoko saiyo. Ayoko sa mga mamatay tao."patuloy niyang daldal.

Bahagya akong nakaramdam ng iritasyon dun. Kinukwestyon na naman niya kung anong klaseng trabaho mayroon ako.

"Fine. Hindi ako papatay ng kaaway mo. Hihintayin kong ikaw ang mapatay nila."diretsahan kong sabi at muling sumulyap sa rear-view mirror.

Napangisi ako ng mamilog ang kaniyang mga mata bago sumimangot.

"Gago ka pala, eh. Trabaho mong protektahan ako."

"Yeah, trabaho ko nga iyon. Ikaw ba, trabaho mong laitin na pumapatay ako ng tao gayong para naman iyon sa kaligtasan mo?"bato kong salita sa kaniya.

Napansin kong nanahimik siya na tila wala ng alam na sasabihin pa.

"Idiot."mahina kong bulong at nag focus nalang sa pagmamaneho.

Sa bilis ng oras at araw. Hindi ko akalain na mag limang araw na ako sa poder ng mga Imperial at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-adjust sa ugali nitong si Brat. Hindi ako magtataka kung mauubos ng tuluyan ang pasensya ko once na ipakita niya sa akin ang lahat ng ka-abnormal niyang ugali.

Nang makarating kami sa eskwelahan niya ay agad siyang bumaba ng sasakyan pagka-parada ko palang nito sa parking lot. Tahimik lamang akong sumunod. Akala ko mauuna na siya maglakad. Pero hindi. Nakatayo siya sa tabi na tila hinihintay ako.

"Ang bagal mo."sabi niya at naglakad na.

Wala akong imik na sumunod sa kaniya. Tulad ng unang tungtong ko sa eskwelahang ito ay nakatitig sa akin ang mga estudyanteng madaraanan namin. Nakakainis ang kanilang mga titig na tila isa akong alien sa mundong ito. Gayunpaman, ang mga ganitong eksena ay hindi ko na dapat pinag uukulan ng pansin.

Wala pa kami sa building na kinaroroonan ng room nila Zack ng bigla siyang tumigil sa paglalakad. Napataas ang isang kilay ko ng mapansin na may tatlong lalaki sa kaniyang harapan. Sa ilang araw ako dito sa eskwelahan nila. Ngayon ko lang nakita ang itsura ng mga ito.

"Kamusta, Imperial? Nakakatuwang makitang buhay ka pa."bati nung isang lalaki na nasa gitna.

Sa aura nito ay masasabi kong isa siyang dakilang hambog at leader dun sa dalawa niyang kasama.

"Of course, buhay na buhay."sagot ni Zack.

Sabay na natawa ang tatlo. Napailing ako ng mahulaan na ilan lang ang mga ito sa mga kaaway ni Zack. Halata palang kasi sa paraan ng pakikipag usap niya sa mga ito.

"Tsk, sobrang dami niyang kaaway sa eskwelahang ito."mahina kong komento.

"Pakasaya ka hanggat gusto mo. Hindi magtatagal yan."sabi nung astang leader.

Dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang unang klase ni Zack. Masyado na siyang na iistorbo ng mga kausap niya ngayon kaya naisipan ko ng makisali. Naglakad ako palapit sa kanila. Huminto ako sa tabi ni Zack dahilan para mapunta sa akin ang tingin nitong tatlo.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now