Chapter 28: Denial

123 16 5
                                    






"Boyfriend!"matinis na sigaw ng babaeng walang humpay na nakasunod sa akin.

Ramdam ko ang tingin na pinupukol ng mga estudyanteng nasa paligid. Huminto ako sa paglakad. Ganun din sila Zack na nasa unahan ko lang. Mabilis na nakalapit si Sheldon sa amin. Malapad ang ngiti na sinukbit ang kanyang braso sa braso ko.

"Sabay ako ulit sa inyo, ah?"sabi niya.

Ilang araw na siyang sumasabay sa amin sa tanghalian. Kasabay nun ay ilang araw niya ng ginugulo ang buhay ko dito sa eskwelahan.

"Hindi pwede."sabi ko.

Sumimangot siya. Narinig ko naman ang mahinang pag ubo ng mga kasama ko kaya napasulyap ako sa kanila.

"Sure, pwede kang sumabay sa amin."pagpayag ni Jupiter.

"Sipag mo naman. Ang layo ng building ninyo dito ah?"puna ni Lemon.

"Ganyan talaga kapag mahal mo yung tao. Kahit gaano pa siya kalayo. Pupuntahan mo."nakangiting sabi ni Jonas.

Tinapik-tapik siya ni Yohan sa balikat.

"Drama mo."natatawang komento niya.

Natawa din si Sheldon.

"Pwede naman siguro akong sumabay sa inyo?"tanong niya sa mga kasama ko.

Ngumiti si Zack at tumango.

"Of course, girlfriend ka niya. Kaya, Welcome ka sa grupo."

Lihim akong nakaramdam ng iritasyon. Buong akala ni Sheldon ay walang alam sila Zack sa pagpapanggap naming may relasyon. Pero mali siya. Sinasakyan lang nila kung anong nangyayari na siyang kinaaasaran ko.

"Dami ninyong dada. Gutom na ako."reklamo ni Rocky.

Agad nagsalubong ang mga kilay ni Lester.

"Sino ba kasi may sabing sumabay ka sa amin?"tanong niya.

Ngumisi si Rocky.

"Magkaibigan kami ni Jupiter. Kaya kung nasaan siya. Nandun din ako."

Tulad ni Sheldon. Palagi na ding sumasabay sa amin si Rocky dahilan para dumami kami. Agaw atensyon na nga kami sa mga estudyanteng nananghalian madalas sa Cafeteria. Marahil nagtataka ang iba sa kanila bakit kasama namin si Lemon, Jupiter, Sheldon at Rocky sa iisang mesa.

"Tama na yan. Tara na."pag aawat ni Zack at na una ng naglakad paalis.

Dali-daling sumunod si Lemon at Jupiter. Sinundan ni Jonas, Yohan, Lester at Rocky. Nasa hulihan naman kami ni Sheldon. Nayayamot na inalis ko ang braso niya sa akin.

"Pwede ba. Naalibadbaran na ako saiyo."

Ngumiti siya ng tipid.

"Sorry naman."

Hindi na ako umimik pa habang binabaybay namin ang daan patungo sa Cafeteria. Hanggang sa makarating kami doon. Obviously sa dating pwesto ulit. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong bumili ng pagkain. Si Zack na ang bumili para sa akin. Ganun din sa iba. Si Sheldon bumili siya mag isa.

Nag magsimula na kaming kumain. Pansin ko ang pagiging madaldal ni Sheldon at kung umasta siya parang close siya sa mga kasama ko. Maliban kay Lemon na pala siyang binabara.

Hindi naman ako nakikisali sa kanila. Nanahimik lamang ako kahit naririndi na ako sa boses ni Sheldon na katabi ko lang ngayon.

"Nga pala, diba kapatid mo ang Warlord na si Devan Rusker?"pag iiba ni Jonas ng usapan.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now