Chapter 20: Emotion

132 14 2
                                    






"May problema ka ba?" Iyan ang tanong ni Zack ng parehas kaming makababa ng sasakyan.

Umiling ako at pinagmasdan ang mga estudyanteng nagkalat sa paligid. Maaga pa pero tirik na ang araw dahilan para makaramdam ako ng init sa aking balat.

"Liar."sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Diretso akong naglakad palayo bitbit ang bag ko. Obviously, dali-dali siyang sumunod sa akin.

"Lawliet, magkaibigan na tayo diba? Pwede mong sabihin sa akin ang problema mo? Baka makatulong ako."

Literal na napahinto ako sa narinig. Malalim na bumuntong-hininga bago hinarap siya.

"Kahit kailan hindi mo ko matutulungan sa problema ko."sagot ko.

Ngumiti siya dahilan para mapasimangot ako. Marahan niyang tinapik-tapik ang isang balikat ko.

"Bakit hindi mo kasi ako subukan. Makikinig naman ako. Alam kong kailangan mo ng taong makakaintindi saiyo. Ilang araw ka ng ganyan. Nag aalala lang ako."

Hindi ako umimik. Ilang araw akong ganito? Napailing ako ng mapagtanto ang kanyang sinabi. Isang linggo simula nung araw na makausap namin sa Mr.Honorio ay kung ano-ano ng pumasok sa isip ko. Ilan dito ay pag alala na baka anumang oras ay malaman na nilang ako si Zebastian. Hindi iyon maari. Bukod dun, yung araw na pumunta ako sa mansyon ko para kauapin yung taong nahuli ni Tokyo na bumaril sa akin. Bumalik sa alaala ko ang mga sinabi niyang hindi na naalis sa isipan ko.

"Sinong nag utos saiyo na pumasok sa Concepcion College?"

Sa tanong na iyon ay hindi niya ako sinagot kaya ilang beses ko siyang pinagsisipa hanggang sa bumagsak siya sa kanyang kinauupuan. Kitang kita ko ang samut saring pasa kanyang katawan na dulot ng ginawang pagpapahirap ni Lorenzo sa kanya.

Dinampot ko ang baril sa lamesa bago tinutok sa kanya. Namilog ang kanyang mga mata.

"Parang awa mo na! Huwag mo kong patayin."pagmamakaawa niya.

Ngumisi ako.

"Uulitin ko, sinong nag utos saiyo na pumunta sa Concepcion College?"

Akmang kakalabitin ko na ang gatilyo ng baril ko ng itaas niya ang kanyang kanang kamay.

"Si Ricky Silberio!"

Napakurap kurap ako.

"Inutusan niya akong atakihin ang eskwelahang iyon at hanapin ang tagapagmana ng mga Imperial."

Sa pangalang kanyang nabanggit ay naalala ko ang sinabi ni Lemon sa amin ni Zack. Tuluyan kong kinalabit ang gatilyo at pinaputok ito sa lalaki.

"Lawliet."tawag ni Zack na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"I'm fine. Tara na. Magsisimula na ang klase."pag aya ko.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن