Chapter 45: Dead End

142 13 1
                                    




Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Pero akong baliw na iniisip ang ginawa ni Jupiter kanina lang. Ang lapastangang babaeng yun. Naiirita ako sa kanya ng sobra.   sa labis kong iritasyon ay napapadyak nalang ako sa inis. Hindi ko namalayang may kumakatok sa pinto nitong opisina ni Ricky.

"Come in!"sigaw ko.

Naningkit ang mga mata ko ng pumasok ang mayordoma. Napa-ayos ako ng upo. Bitbit ang isang try na may lamang baso ng gatas. Tahimik siyang lumapit sa akin at nilapag ang baso sa lamesang nasa tapat ko.

"Good evening, Boss. Alam kong hindi pa kayo natutulog kaya dinalhan ko kayo ng gatas."sabi niya habang nakangiti.

Ngumiwi ako.

"Hindi ako umiinom ng gatas."diretsahan kong sabi.

Napawi ang ngiti niya. Agad kinuha ang baso sa lamesa.

"Ano po bang gusto ninyong inumin?"

Umiling ako.

"Huwag na. Matutulog na ako."sagot ko at tumayo na sa kinauupuan ko.

Diretso akong naglakad palabas ng silid at hindi na nilingon ang mayordoma. Nagtungo na ako sa kwarto ko para matulog. Sumaglit muna ako sa banyo at naligo. Nang makapagpalit ng damit ay umupo na ako sa kama habang pinupunasan ang basang buhok. Napatigil ako ng may maalala. Bukas ng gabi ay nakatakda na ang plano namin laban kay Martin. Medyo nag aalala ako sa mangyayari lalo na. Kasama pa naman ni Martin ang ina at asawa niya.

Kinuha ko ang cellphone sa tabi ng unan ko at idinayal ang numero ni Zack. Ilang segundo lang nag ring at agad sinagot niya ito.

"Lawliet!"tawag niya sa pangalan ko.

Ramdam ko ang excitement at gulat sa boses niya.

"Kamusta? Maayos ka ba?"

"May itatanong lang ako kaya ako napatawag."

"What is it?"

Malalim akong napabuntong hininga bago muling nagsalita.

"Nabalitaan kong may dadaluhang party si Martin bukas ng gabi at kasama kayo."

"Ah, yun ba? Oo, isasama nga kami ni Dad. Paano mo nalaman yun?"

Hindi ko inintindi ang tanong niya.

"Huwag na kayo sumama."

"Huh?"

"Huwag na kayo sumama sa kanya."pag uulit ko.

"Bakit?"

Mukhang nonsense na kausapin ko siya kaya walang paalam kong pinatay na ang tawag at padabog na nilapag ulit sa tabi ng unan ang cellphone ko. Inis akong humiga sa kama.

"Makatulog nalang."mahinang bulong ko at sinubukang ipikit ang mga mata.

Sa paglipas ng minuto. Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nagising na lamang ako dahil sa katok mula sa pinto. Kahit ina-antok pa ay dahan-dahan akong bumangon. Napasulyap ako sa wall clock. Pasado alas syete palang ng umaga. May kung sinong tampalasan ang nang istorbo ng tulog ko. Inis akong tumayo sa kama at naglakad palapit dun. Hindi ko na inabala pang tignan ang sarili ko sa salamin. Pagkalapit sa pinto ay binuksan ko na ito. Handa ko na sanang bulyawan ito pero hindi ako nakapagsalita ng makitang si Jupiter ito. Tila nawala ang antok ko. Napansin kong naka-uniporme na sya at ready na sa pagpasok.

"Good morning."nakangiting bati nito.

Ngumiwi ako at bahagyang umatras palayo sa kanya.

"Anong kailangan mo?"tanong ko.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Where stories live. Discover now