Chapter 5: Blood thicker than water

144 19 10
                                    




"Anong pangalan mo, pogi?"tanong nitong babaeng nasa harapan ko.

Siya yung hina-harass nung lalaking kasama niya na hindi ko alam bakit biglang nag walk out.

Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko nalang siya at diretsong naglakad palayo. Kailangan ko ng balikan sila Casper dahil baka mamaya kung anong trouble na naman ang pinasukan ni Spoiled brat. Naalala ko ang pakikipagsagutan niya kanina dun sa basketball gym.

"Pogi!"sigaw niya.

Nang lingunin ko ay nakasunod pa pala sa akin.

"Pogi sandali!"patuloy niyang habol.

Huminto ako sa paglakad at nilingon siya.

"Hindi pogi ang pangalan ko."sabi ko.

Natawa siya dahilan para mapakurap kurap ako.

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko kaya bakit siya natawa?

"Ano nga kasi pangalan mo?"

Napabuga ako ng hangin at seryoso siyang tinitigan. Ilang segundo lang ay tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglakad.

"Pogi, ako si Jupiter!"sigaw niya.

Inis akong napailing. Pakialam ko sa pangalan niya. Habang patungo sa basketball gym kung saan ko iniwan sila Zack ay may bigla akong napagtanto.

Jupiter ang pangalan ng babaeng yun. Maaring siya yung main reason bakit kaaway ni Zack yung si Altamerano.

"Bahala sila sa buhay nila."mahina kong bulong at nagmadali na sa paglalakad.

Napatigil ako ng makitang palabas na sina Zack sa Basketball gym. Syempre kasama pa rin ang mga patpatin niyang kaibigan. Pati na rin yung si Lester Jimenez.

"Saan ka galing, Lawliet?"bungad na tanong ni Casper.

Hindi ako sumagot. Ibinaling ko lang ang tingin ko kay Zack na nakabusangot ngayon. Halata sa mukha niya ang iritasyon.          

"Dude, una na ako sa inyo. Kita nalang tayo sa bar nila Marie."paalam ni Lester.

Magkasabay na tumango si Yohan at Jonas. Habang si Zack ay dedma lang.

Mabilis na naglakad palayo si Lester. Habang nakatingin naman si Yohan at Jonas kay Zack. 

"Tara na."pag aya ni Zack at lumakad palayo na tila wala siyang kasama.

Dali-daling sumunod si Yohan at Jonas. Naiwan kami nila Casper at Constello.

"Sundan na natin. Baka matakasan pa tayo."sabi ni Casper at na unang naglakad palayo.

Marahan akong tinapik ni Constello at inginuso ang mga kasama namin. Nang maglakad na din siya paalis. Tahimik na lamang akong sumunod.

Sumapit ang alas dos at nagsimula na ang klase sa hapon. Muli na naman akong na bored. Ngayon ko na kumpirmang nakaka-umay mag aral sa totoong eskwelahan. Imbes na makinig sa sinasabi ng guro sa unahan. Heto ako at lumilipad ang isip sa lalaking nakita ko kanina. Base sa obserbasyon ko. Minamatyagan niya si Zack.

Ang tanong ngayon. Sino siya?

Sa pag iisip tungkol dun ay napasulyap ako kay Zack na nakaupo sa bandang unahan. Nanatiling nakabusangot ang mukha niya habang nakatitig sa kanilang guro.

Napangiwi ako.

"Isip bata."bigla kong na sambit.

Sa labis na pagkainip. Hindi ko namalayang dumating na ang alas kwatro ng hapon. Which is uwian na daw. Sabi ni Constello. Nang makita nila ni Casper na tumayo na si Zack sa upuan niya. Sinenyasan nila ako. Agad ko namang naunawaan yun kaya sabay-sabay kaming sumunod dito. Paglabas ng classroom. Kausap na ni Zack si Jonas at Yohan.

LAWLIET- Capo Di Tutti Capi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon