Chapter 74

5.6K 256 52
                                    

Persephone Black POV

Habang naglalakad ako sa loob ng village ay hindi ko mapigilang napatingin sa iba't ibang bahagi ng lugar. Parang may nakamasid kasi sa akin na hindi ko matukoy.

Nasan na ba kasi si Vien?! Tumingin ako sa hawak ko ngayon na bracelet na gawa ni Adrianna. Suot ko na rin ang akin.

Nagmadali akong naglakad dahil naalala ko, maapektuhan din pala si Vien.

"Vien!"-sigaw ko habang nagmamadaling libutin ang lugar.

" Vien!!!!!"-sigaw ko, lusot litaw na rin ako sa mga anino sa paligid pero di ko siya mahanap.

Kailangan ko siyang hanapin!

Third Person Point OF View

Habang lumulusot sa mga anino ng mga bahay, bagay at iba pa may isang pares ng mga mata ang nakatingin kay Persephone. Pinagmamasdan lang siya, pinapanood sa 'di kalayuan at sinusundan.

"Kakaibang babae, hindi siya natatablan. Hmmm"- mahinang saad ng isang babae habang nakatanaw sa 'di kalayuan.

"Ako'y nakakasiguro na meron siyang bagay na pomoprotekta sa kanya. At kanino naman kaya ito galing?"-tanong niya sa kanyang sarili at pinanood ulit si Persephone sa 'di kalayuan.

Napatingin siya sa kanyang uluhan nang may dumila sa kanyang noo.

"Thania, sa tingin mo anong meron sa babaeng 'yon?"-tanong niya at saka sa alaga niya na nakapatong sa kanyang ulo.

Dumila lang nang dumila ang alaga niya at walang nakuhang matinong sagot.

Tumayo na siya at saka pinagpagan ang kanyang damit at tumalon. Nakatayo na siya sa pinakatuktok ng puno, para itong ninja na nakatayo roon.

Napangisi siya at tumingin sa alaga niyang lumilipad na sa kanyang uluhan hanggang lumalaki ito.

"Thania, let's go. We'll be back"

Persephone Black POV

Napatigil ako pigla at marahas na napatingin sa kalangitan. Dahil sa pagaspas ng pakpak at biglang paglakas ng hangin. Napahigpit ang hawak ko sa bracelet na para kay Vien.

Kailangang mahanap ko siya agad. Baka may naghihintay sa amin na kapahamakan.

Adrianna Rose Campbell POV

Naglalakad ako ngayon sa may garden nang makasalubong ko si Caspian.

Nakatingin ito sa akin kaya napatigil ako bigla at saka rin siya tinitigan. Habang tinititigan ko ang kanyang mga mata ay para bang hinihigop ako nito.

Napansin kong unti-unting ngumiti ito kaya napangiti rin ako.

Wala ata yung ahas ah. Saan kaya siya?

"Where's Roselyn?"-tanong ko sa kanya na ikina-irap nito.

Naglakad siya papalapit sa akin at saka ako niyakap.

"I've been looking at you. Ngayong wala si Roselyn, walang panira sa ating dalawa"-mahinang saad niya habang nakayakap pa rin sa akin.

*tub* *tub* *tub*

Damn it! Heart, chill! Wag lang ganyan! Napaghahalataan ka, langya! ang harot mo!

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now