Chapter 58

6.4K 277 66
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Oo na po. Hindi na po mauulit"

Kanina pa ako sinisigawan ni Tenleigh pagkadating namin sa mansion nila galing sa tinatawag nilang mall. Ang laki pala nung mall, tas malawak tas may mga kakaibang mga bagay. Basta.

Ay oo nga pala, bumili kami ng mga notebooks at ballpen. Pansin ko lang may ganon naman sa magic world pero bakit wala yung bagay na tinatawag nilang cellphone?

Ang unfair talaga nila. Hmmft.

"Uy ano pa ginagawa mo? Pumasok ka na sa kwarto para magpalit then bumaba ka ulit para sa dinner"-saad ni Persephone kaya tinignan ko siya at saka ang damit ko.

"Pwedeng dito na lang ako? Hindi na ako magpapalit. Nakakatamad kaya"-nagmumok-mok ma saad ko at saka niyakap ang dalawang paa.

"Bahala ka sa buhay mo"-bagot na saad niya at naglakad na papunta sa hagdan.

Ako na lang ang naiwan sa lugar kaya tumayo ako at dali-daling lumabas sa mansion. At nagtungo sa pinakalikod. Merong swimming pool kasi rito kaya hindi muna ako nagpalit ng damit kasi nga gusto kong maligo rito. Hihihi

Nag tanggal ako ng aking suot at saka tinignan ang aking katawan. Nakasando at cycling lang naman ako. Tas yung dalawang mansanas sa dibdib ko. Hahaha

Tinaas ko ang aking paa at unti-unting binaba sa may tubig ang aking hinlalaki. Tas tinanggal din agad. Grabe ang lamig naman.

"Sabi na nga ba"-biglang saad ni Persephone habang pataas galing sa anino ng puno.

"Maggagabi na pero feel mo pa ring maligo sa swimming pool?"-takang tanong niya saka ako pinasadahan ng tingin.

"Night swimming"-sagot ko at saka umupo sa gilid ng pool at saka nilublob na ang aking mga paa sa tubig.

"Whatever"-saad niya saka siya umupo sa isang garden set sa tabi.

Tinignan ko siya, pinasadahan ng tingin.

"Are you ok?"-biglang tanong ko na ikinatingin niya sa akin. Nakita ko kung paano lumabas ang isang masakit na tingin na kay daling napalitan ng bored look.

"I'm fine"-muntik na siyang nasamid sa pagkasabi niya. Kaya napangisi ako at tumingin sa tubig.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at naligo na sa swimming pool.

10 minutes rin akong nasa ilalim at saka umahon at tignan ang reaksyon ni Persephone. Nakanganga lang siyang nakatingin sa akin.

"Gulat ka 'no? Well, nagulat din ako eh"-kibit balikat na saad ko at saka tumawa.

"Napag-isipan mo na ba ang yung offer ko?"-biglang saad ko at sumandal sa gilid ng pool.

Tahimik lang ang buong paligid pagkasabi ko sa mga salitang yun.

"I don't know, I can't"-mahinang saad niya at nilamon na ng anino. Napa-iling ako at tumingin sa langit. Bakit mas gugustuhin pa nilang masaktan sa taong hindi naman nakatadhana para sa kanila? Bakit pa nila pinipilit ang isang bagay na sa una pa lang ay talo na sila?

"Hopeless people, kayo na nga ang tinutulungan 'di niyo pa gusto. Bahala kayo"-nakasimangot na saad ko at saka pumailalim sa tubig.

***

"Are you guys ready? Pupunta na tayo sa Third Generation National High School!"-sigaw ni Kegan na ikinasimangot ko

"Ang epic ng name"-bulaslas ko na ikinatawa ni Kegan at saka ako inakbayan.

"Hindi naman, Third Generation National High School ay isang popular school na matagal nang nakatayo na kahit bagyo o mga lindol 'di natitibag."-pagmamalaki na saad ni Kegan na ikinasimangot ko lang ulit. "Eh di dapat "Di Natitibag National High School" yung name"

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now