Chapter 34

7.1K 337 53
                                    

Persephone Black POV

Nasa harapan ako ngayon ng dark Forrest kung saan matatagpuan ang Dark Mansion.

Hindi ko alam kung sino ang nakatira rito ngunit alam kong makapangyarihan ito.

Kapag napapadako ang tingin ko rito ay naaalala ko si Adrianna Rose Campbell ang babaeng transferee na napakamisteryosa.

Gaya nitong lugar na ito na nasa harapan ko, misteryosong lugar. Kapag sana harapan ka lang nito ay hindi ka mapapahamak pero kung manghihimasok ka, may malalaman kang sikreto ngunit buhay mo na pala ang nakataya.

Kapag nilaliman ko pa ang pag-aaral kay Adrianna ay baka mas lalo ko pa siyang magalit.

Ngunit hindi ko mapigilan ang aking kuryusidad na malaman lahat ng tanong sa aking isipan.

"Persephone"

Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Aiken.

Humarap ako sa kanya at binigyan ng bored na tingin.

"What?"-bagot na tanong ko at humalukipkip. Ngumiti ito, hindi simpleng ngiti. May plinaplano siya. Itiniklop niya ang librong nasa kamay niya at tumingin sa Dark Forest.

"Kakaiba talaga ang lugar na ito, kahit na utusan ko ang hangin sa lugar na iyan ay hindi niya sinasabi sa akin kung paano makakapunta sa loob at kung sino ang naninirahan dyan"-may pagkamanghang saad nito habang nakatingin sa itim na kakahuyan.

Napadako ang tingin ko sa librong hawak niya. Manipis lang ito baka ilang pahina lang. Tumingin ako sa harapan ng libro.

Ganon nalang ang gulat ko dahil ang title ng librong iyon ay Dark Forest. Hindi ko alam ngunit hindi lang pala ako ang nag-iisang curious sa lugar na ito. Napakamahiwaga ngunit nababalutan ng kadiliman.

"Makikita mo lang ang daan nito kung ikaw mismo ang nakatira dyan"-sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Tumingin ito sa akin at sumeryoso.

"Ang kapangyarihan mo ay shadow, ang lugar na iyan ay puro itim. Alam kong kaya mong makapasok dyn"-turo niya sa dark forest. Yes kaya kong pumasok kaso nga lang, buhay ko naman ang manganganib. At saka sabi niya nga kanina na ang nakatira lang ang makakapasok. Possible na makapasok ako dyan dahil sa kapangyarihan ko pero no thanks.

"Hinding hindi ako papasok jan"-mabilis kong saad at tinalikuran na siya.

Tumawa ito nang mapang-insulto.

"Hindi ko alam na naduduwag ka na pala Persephone hahaha"

Tumingin ako sa kanya

"Hindi mo alam kung ano ang nag-aantay sayo dyan sa loob. Mas mabuti na lang na tumahimik kaysa unahin ang curiosity. Baka matakot ka pa kung sino ang makikita mo sa loob"-saad ko ay naglakad na.

Habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga kaibigan ni Ava sa may tabi habang nakatingin sa dark forest.

"Oo dyan ko narinig kagabi"-seryosong saad ni Reen ang palaging nakakulay green na damit.

"Seryoso ka? Dark forest kaya ito pa'no naman napunta dyan si Brena at Bid?"-takang tanong ni Yel.

Brena and Bid? I heard some rumors na nawawala daw ang mga ito. They say nagsama na sila at nagpakalayo-layo pero hindi ko alam ang pinaglalaban ng mga ito para sabihing nasa loob ng dark forest ang kanilang kaibigan.

"Seryoso ako! Narinig ko siya kagabi pati rin si Bid. Para silang pinapahirapan"-kinukumbinsi ni Reen ang mga kaibigan niya.

Pinapahirapan?

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now