Chapter 99

4.6K 227 80
                                    

(Roselyn's bad words ahead please be aware and be guided. Thank you💞🥰 sorry for the bad words my babies🥺)

Roselyn Jacks POV

"Akin lang siya"- seryosong saad ko at saka tumingin sa babaitang impakta na mukhang p*ta.

Tumango silang lahat at nag back step. Tumingin ako kay Persephone na ngayon ay nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sign na ilagay kaming dalawa lang ni Asiamie sa isang lugar na kami lang dalawa.

Pumikit ako at dinama ang pagkahulog ko sa anino hanggang sa alam kong nakarating na kami sa isang lugar.

"Good luck Roselyn"-saad ni Persephone at saka nagpakain na sa anino niya.

Napatingin naman ako kay Asiamie na ngayon ay panaka-nakang tumitingin sa paligid.

"Akin ka na ngayong p*ta ka"-nakangising saad ko at saka pinagmasdan ka.

"You pissed me off. Gusto kitang isumpa pero still gusto kitang pahirapan kaya wag muna ngayon. We're going to play."-nakangising saad ko at saka umupo sa lupa.

"What are you saying bitch? Ahaha you think matatalo mo ako?"-nakangising saad niya at nagpalabas ng mga puppets na may hawak na iba't ibang armas.

"Ahahah what about this one?"-tanong ko at pinakita ang isang maliit na puti na parang tao at saka ko kinuha ang buhok na palihim kong pinakuha kay Persephone kanina.

Inilagay ko ito sa uluhan ng maliit na puti na hugis tao at saka pumikit ako saka dinasalan.

"What the hell are you doing!!"-sigaw niya na ngayon ay pinasugod ang mga puppets niya.

Mabilis ko namang tinarak ang isang karayom sa braso niya kaya bigla na lang siyang napasigaw at napahawak sa braso niya.

"Arggh!"-sigaw niya kaya hindi niya masyadong nakontrol ang mga puppet niya kaya napangisi ako.

"Ano p*ta? Kaya pa? Baka gusto mo pa? Naka unli ako kaya wag kang mahiya. Kahit 'di ka humingi bibigyan kita. Oh ayan"-saad ko at tinarak ulit ang isang karayom sa isang binti niya.

"Aahhh!"-sigaw niya kaya napatawa ako bigla.

"Mali ka nang kinalabang p*ta ka. Ang ganda ng payo ko tas gagaguhin mo ako? Aba 'yan napapala ng isang hipon na ang hilig makisawsaw sa usapan"-gigil na saad ko at tinarak ulit ang isang karayom sa kabilang binti niya.

"Ahhhhh!"

"Marami pa tayong karayom ohh. Mga 1,000 ito, kasya na siguro 'di ba? Gusto mo dagdagan natin?"-tanong ko at saka tinitignan ang mga karayom sa harapan ko.

"Ahahah nasaan na ang tapang mo? Nag back out? Grabe. Agad agad?"-mapang-insultong saad ko at saka siya nginisian.

"Masaya ka na nyan? Hindi patas ang ginagawa mo"-hinihingal na saad niya habang nakapikit ang isang mata niya.

"Hindi patas ang mundo. Pero dahil mabait ako okay."- saad ko saka tinanggal ko isa isa ang mga karayom kaya naginhawaan na siya.

"Ayos na? Para patas. Sampalan tayo. Bato bato pick tayo. Ang matalo sasampalin ng mananalo. Game?"-nakangising tanong ko na ikinatayo niya at tumango.

Tumayo ako at saka lumapit sa kanya.

"Bato bato pick"-kanta namin at nilahad ang mga napili namin.

Bato ako papel siya kaya ang panalo siya.

Sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas kaya tumango-tango ako at saka ngumisi.

"Bato bato pick"

Bato ako gunting siya kaya ako ang panalo.

Ngumisi ako at saka malakas siyang sinampal sa pisngi. Bumakas ang mga daliri ko sa pisngi niya.

Nilahad ulit niya ang nakakuyom na kamay niya kaya napangisi ako at saka muling nakipaglaro.

***

"Namamahid na mga pisngi ko"-nahihirapang saad ko habang sapo ang pisngi kong namumula na ngayon.

"Ako rin"-saad naman niya. Nakaupo kami ngayon sa lupa.

Naka-ilang laro rin kami. Talagang namamaga na ang mga pisngi ko dahil sa sampalang naganap.

Gumulong ako nang bigla na lang sumugod ang mga puppets sa akin kaya umiwas-iwas ako.

Takteng madaya. Tsk.

Mabilis akong tumakbo papunta sa mga gamit ko at saka tinarak ang ilang karayom sa katawan niya.

"Aarrrrrghhhhhhh!"-sigaw niya kaya napangisi ako konti dahil na rin sa sakit ng mga pisngi ko hindi ko masyadong maibuka.

"Masyadong madaya ka p*ta ka. Kita mong nagpapahinga ako tas bigla bigla kang aatake? Aba mali 'yan. Maling mali"- umiiling na sabi ko at unti-unting tinarak ang isang karayom sa tyan niya kaya napasigaw siya habang hawak ang tyan niya.

"Hmmmm. Ang boring. What about this one?"-tanong ko at saka mabilis na tusok hugot ang ginawa ko sa kanyang tyan.

"Argghhh!!! Ahhhhhh!!"-sigaw kita pero tumawa lang ako ng tumawa.

Nakakatawa kasi yung mukha niya parang ewan ahahhaha.

"What's with your face? You look pathetic idiot ahahha"-tumatawang saad ko at saka tumigil at seryosong tumingin sa kanya.

"Gusto kitang pahirapan. Gusto kitang panooring magdusa pero hindi ako pwedeng magtagal dahil madami pa kaming gagawin. Magpapakasal pa kami ni Elliott, bubuo ng sariling pamilya. Ang dami kong pangarap na kailangan kong makamit. Pero isa lang ang nais ko ngayon kamatayan mo. Hindi sa minamadali ko ang kamatayan mo pero parang ganoon na nga. Ang gulo ko 'di ba? Aayos ito kapag alam kong patay ka na"-nakangising saad ko at saka unti-unting tinusok ang mga karayom sa iba't ibang parte ng katawan niya.

Dinig ko ang sigaw niya kaya tumatawa lang ako habang patuloy na tinuturok ang mga karayom sa katawan niya.

"Gusto ko pang makipaglaro sa'yo pero talagang gigil ako sa mukha mo. Gusto kong basagin, gusto kong sirain at gusto kong mabura ka sa mundong ito."-nanggigigil na saad ko.

Habang patuloy ang pagsigaw niya ay patuloy ko ring tinutusok ang katawan niya ng mga karayom.

Itutusok ko na sana ang isang karayom sa lalamunan niya pero may biglang tumarak sa likod ko kaya nabitawan ko yung karayom na hawak ko.

Damn it.

Napagalaw niya ang isang puppet niya na hindi ko napansin. Mabilis kong hinugot ang dagger na nakabaon sa likod ko at saka binato sa puppet kaya tumarak sa noo niya ang dagger pero kahit ganoon ang mga puppets ay hindi nasasaktan o namamatay dahil puppets lang ang mga ito. Pero kapag ang nagpapagalaw na mismo ang papatayin mo 'di na sila gagalaw pa.

Napalingon ako kay Asiamie na nakangisi kaya napangisi rin ako at mabilis na tinarak sa noo niya ang karayom na hawak ko. Napa-awang ang bibig niya habang nakatingin sa akin.

"Good bye p*ta"-saad ko at saka sinunog ang mga ginamit kong kagamitan pati na rin ang katawan ni Asiamie. Sa totoo lang parang kulang at ang dali ng pagkamatay niya. Psssh

Naglakad na ako papalayo sa lugar na iyon at nagtungo sa lugar kung nasaan silang lahat. Makikita ko na naman si Elliott my loves ko!! Wahahah











✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Asahang matagal ang susunod na update pasensya na guys.

Keep safe and I love you all.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now