Chapter 71

5.9K 295 80
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

Nasa Wind Kingdom kaming lahat habang nakatingin sa rebulto ni Aiken.

Sana all Aiken may rebulto ahahhaha.

Nayuko naman ako dahil may kamay na malamig na biglang nambatok sa akin kaya taka ang mga royalties sa nangyari sa akin. Kaya natatawa ako ng konti at saka nag peace sign sa kanila. Pasimple ko namang tinignan ang kaluluwa ni Aiken na ngayon ay nasa likuran ko.

Nalaman lang naman ni Aiken ang totoo kong katauhan dahil sa madaldal na sina Grim at Reaper. Sila ang taga sundo ng mga kaluluwa. Dahil sa pagiging detective ni Aiken. Nadala talaga ni Aiken ang pagiging detective niya kahit sa kabilang buhay. At dahil uto-uto ang dalawang taga sundo sinabi Nika lahat ng mga nalalaman nila.

Kaya bigla na lang nagpakita sa harapan ko si Aiken habang naglilibot ako sa Wind Kingdom. At doon na nga nagsimula at hindi na ako tinantanan.

Kaya andyan siya sa likuran ko nakatayo habang tinitignan ang kanyang monomento. Taray talaga.

Napatingin ako sa kanan, nandoon sina Alpha Den at kasama si Ava pati ang Beta na si Shion. Nakangiti si Shion sa akin na nginitian ko naman.

Napatingin naman ako sa kaliwa, nakita ko kung paano idantay ni Roselyn ang kanyang ulo sa balikat ni Caspian.

Napatingin sa akin si Caspian at pasimple niya akong nginitian at naging seryosong agad.

Nakita ko naman kung paano bumaling ang atensyon ni Roselyn at saka ako sinamaan ng tingin. Mas lalo pa niyang nilapit ang sarili niya kay Caspian, kaya napa-iling nalang ako.

Nagsimula na ang seremonya at nasa Hari at Reyna lang ang aking tingin. Blangko ang kanilang mga mata ngunit may luhang tumutulo. Nakita ko rin ang isang batang cute na babae sa isang tabi na umiiyak habang hawak sa isang kamay niya ang manika niya na rabbit. Yung isang kamay naman niya ay ginagamit upang pahiran ang mga luha niya.

Kapatid siya ni Aiken. Dalawa lang silang anak, nalaman ko rin kay Aiken na sobrang close silang dalawa. Nakatingin ako ngayon kay Aiken na nakaluhod habang gustong gusto niyang hawakan ang kapatid niya pero 'di pwede.

Napalihis na lang ang tingin ko sa kanilang mag kuya. Narinig ko na lang ang pagpalakpak ng mga tao kaya napatingin ako sa paligid.

Tapos na pala, nakita ko kung paano umikot ang mga death flowers paikot sa monomento hanggang sa sumabog sa itaas kaya umulan ng Death Flowers. White ang kanilang kulay, kaya death flower ang tawag.

Nagsi-alisan na ang lahat at ganoon na rin ang ginawa ko. Nakita ko pa kung paano gustong yakapin ni Aiken ang parents niya at ang kapatid niya pero 'di na niya tinuloy pa.

"Pwede bang manatili na lang ako sa tabi ninyo? Ayokong pumunta sa kaharian ninyo"-saad ni Aiken sa tabi kaya muntik ko nang mahulog ang hawak ko. Nandito na pala siya sa tabi ko.

"Sorry, kailangan mong pumunta doon" saad ko na ikinailing niya.

"What about others?! Namamasyal pa rin sila sa mundo ng mga buhay."-saad niya at saka tumitingin sa paligid.

"They are different Aiken. Different from you."-saad ko at tumingin sa kanya. Tumigil naman siya sa harapan ko.

"But someone can help you para manatili rito. Pwede kang kumain, humawak ng mga bagay ngunit ako lang ang nakakakita sayo"-saad ko na ikinatango niya agad.

"That's ok for me! I just want to be with them. With all of you."-saad niya kaya napangiti ako. Pero naalala ko bigla. May isa pa kaming problema.

"May problema pa tayo, depende sa kanya if kukunin ka niyang alaga o ibibigay ka niya bilang alaga ko."-saad ko at saka siya tinitigan sa mata. Nag-alangan siya sa una pero tumango lang siya bilang sang-ayon.

"Grim and Reaper, puntahan ninyo siya at sabihing kailangan ko ang kanyang kapangyarihan"-saad ko na ikinatango nilang dalawa sa harapan ko.

Nawala na sila kaya tumingin na ako kay Aiken.

"Sa Dark Forest pumasok ka doon mamaya, may mga batang magtuturo sayo sa tamang daan papunta Dark Mansion. Doon natin siya makikita mamaya"-saad ko sa kanya na ikinatango niya.

Sandali akong napatingin sa buong Wind Kingdom. Para akong nawawalan ng hininga, dahil sa bigat at lungkot ng kahariang ito.

Kailangan kong umalis para umuwi na.

Someone POV

"Baby!"-sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya at tumalon kaya sinalo niya ako.

"I miss you so much!"-saad ko at hinalikan siya. Ganon din ang ginawa niya hanggang sa nag teleport na siya at nasa kwarto na niya pala kami.

Alam ko na naman ang gusto niyo.

"I'm hungry baby. Let me eat you"-soft na saad niya na ikinatango ko at sinimulan na niyang tanggaling ang mga saplot ko.

Hinalikan niya ulit ako habang nagtatanggal na siya ng kanyang saplot. Naramdaman ko na rin ang alaga niya.

Damn. I really love this man. I love him so much!

Ahhh...

Someone POV 2

"Hoy! Grabe! Ang hirap ng mga pinapagawa mo sa akin. Sarap mo talagang sampalin. Hindi lang magkaibigan ang mama nating dalawa napatay na kita eh!"-hirit niya agad nang makarating siya sa lugar ko.

Kapag nagkikita kami ganito agad ang scene namin. Dada siya nang Dada while me standing in front of her watching her mouth while moving.

"Hoy! Grabe ka talaga! Psssh"-sumusukong saad niya habang nagroroll eyes.

"May nakuha kang impormasyon?"-tanong ko na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"Hindi mo man lang ako kakamustahin? Like, kumusta? May nangyari bang kakaiba? May mali bang nangyari doon? Like mga ganyan?!"-nagtatampong saad niya. Pero 'di ko siya pinansin at tinitigan pa siya lalo kaya napa roll eyes na lang siya at nag flip hair.

"Sila nga"

Pagkasabi niya sa salitang sila nga ay napangiti na ako.

"So? Ano ang plano?"-tanong niya na ikinangiti ko bigla.

"Nothing, tinatamad ako magplano eh pero makikipaglaro tayo sa laro nila."-saad ko at tumingin sa malayo.

Magtutuos din tayo, papabagsakin ko kayo.

****

Adrianna Rose Campbell POV

"So ano Jasmin? Maibabalik mo ba siya? Yung tayo lang ang nakakakita?"-tanong ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Ahahhaha, nagiging bobo ka na ata Adrianna. Alam mo namang kaya ko yang buhayin at makisalamuha sa iba eh. Pero may master na nga lang siya na dapat sunurin."-tumatawang saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"OK, I can. Ok na?"-saad niya at saka tumingin kay Aiken at saka siya tumayo.

"Hmmm. Ang gwapo, may magiging alaga na ako"-saad ni Jasmin habang may ngiti sa kanyang labi.

"Ehem"-napaubo ako kaya napatingin siya sa akin bigla.

"What?"-saad niya at tumingin ulit kay Aiken.

"Ok ok, kay Adrianna ka na lang. Enjoy your stay here bilang isang half soul human."-nakangiting saad ni Jasmin habang nakatingin kay Aiken na may tattoo na bungo na itim sa kanyang leeg. Simbulo na namatay na ito at binuhay lang ng necromancer.








✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Done!!! Thank you for waiting...

Keep safe and I love you all

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now