Chapter 91

5.1K 229 34
                                    

Sai POV

Ilang oras ko rin siyang hinihintay hanggang sa lumabas na siya sa banyo.

"Dalian mo! May pag-uusapan pa tayo!"-sigaw ko sa kanya pero nag roll eyes lang siya kaya binato ko siya ng basong hawak ko.

Tumama naman sa katawan niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Bobita ka talagang bata ka!"-sigaw niya sa akin pero nginisian ko lang siya.

"Dalian mo kasi. May pag-uusapan pa tayo"-seryosong saad ko kaya napatitig siya at saka dahan-dahang tumango.

Napansin ko rin na buo na ulit ang mga daliri niya. Baka kinabit ni Mommy. Tsk.

Adrianna Rose Campbell POV

One week, may isang linggo pa kami bago maganap ang laban.

Nakatingin lang ako sa Magical Academy na nasa ayos na. It sucks, my baby is still upset about what happened to this school.

"How is she?"-tanong ni Lea na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Nasa playroom niya."- saad ko at saka tinitigan ang school.

"Hmm. By the way My lady, I miss calling you My Lady ahaha."-tumatawang saad niya na ikinangiti ko. I miss her too.

"Dito gaganapin ang kasal"-pagkasabi niya ay nawala ang ngiti ako at tumingin sa school.

"Mukhang masisira ulit ito Lea"-pagkasabi ko ay tumawa siya ng malakas.

"Talagang masisira ulit ito My Lady ahahah"-natatawang saad niya kaya napangiti ako at saka tumingin sa Magical Academy.

Ang daming nangyari, ang dami kong nakasalamuha. Gusto ko ang mga kaluluwa ng mga nag-aaral dito. Gawing pagmamay-ari ko ngunit mga kalaban lang ang pwede kong kunin.

At kasama na sila doon. Sisiguraduhin kong mapapasaakin ang mga kaluluwa nila.

"How about her?"-tanong ni Lea kaya napatingin ako sa kanya.

"I don't know. Baka pinapanood na naman ang childhood crush niya. You know her, gustong gusto niya si Elliot"-kibit-balikat na saad ko at tumingin sa malayo nang may napansin akong nakatingin.

"May tao na rito bukod sa atin Lea?"-tanong ko habang nakatingin ako sa direksyon kung saan ko naramdaman ang titig na 'yun.

"Wala My Lady"-saad ni Lea kaya seryoso akong napatingin sa lugar na 'yon.

"A little spider"-mahinang saad ko at saka ako napangiti.

Ang galing niya talagang magpanggap. Grabe ang galing.

Maglalakad na sana ako papunta roon nang biglang nawala ang presensya niya at saktong sumulpot sa harap ko si Sai at Angelica.

"Anong ginawa niyo rito ngayon?"-seryosong tanong ko kay Sai na ngayon ay nakatingin sa akin habang may ngiti sa labi.

"Mommy, I already decided. I'll be staying at the Legendary Mountain with Angelica. Maglalaro kami palagi roon"-masayang saad niya kaya napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

"That's good baby. So kailan kayo aalis?"-tanong ko sa kanya.

"Ngayon na po mismo Mommy! Bye bye po! Nagpaalam na po ako kay Daddy. Bye Mommy, I love you. Bye tita Lea."-masayang saad niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi at nawala na lang sila bigla. Kaya nakanganga lang ako habang hawak ang pisngi ko.

"Hindi niya talaga alam paano magpaalam"-mahinang saad ko pero tumawa lang si Lea na nasa likod ko pa rin pala.

"Nag I love you naman siya sa'yo"-katwiran ni Lea pero napa-iling ako at biglang nalito.

"Gusto niyang sumali sa war pero nagbago agad. Ang gusto niya ay manatili na lang daw siya sa Legendary Mountain. Well, maganda 'yon dahil ligtas siya roon pero kilala mo siya, gustong gusto niyang maglaro, patunayan ang sarili niya at
she loves being reckless. Parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko alam. Pero ipagpipilitan niya talaga gusto niyang napabilang sa war pero ngayon hindi na. Ano ang nagpabago sa isip niya? Sino?"-mahinang saad ko habang nasa malayo ang tingin. Sana mali ang iniisip ko Sai, sana mali.

Malilintikan ka talaga sa akin kapag malaman kung nagiging reckless ka na naman.
Pipingutin kita hanggang matanggal 'yang dalawang tenga mo.

Sai POV

"Achoo!"-bahing ko habang naka upo sa likod ni Thania.

Todo kapit naman si Angelica saa damit ko.

"Bitaw nga!"-sigaw ko pero umiling-iling lang siya at mas lalo pa siyang kumapit sa akin kaya napa grrr na lang ako.

Pupunta kami ngayon sa bahay ng isang Class S ng Black Organization. Wala lang, gusto ko lang na matanggal ang ilan sa kanila. Gusto kong mas mapadali ang laban nina Mommy at mapunta sa amin ang panalo.

"Sino ang kakalabanin natin Angelica?"-tanong ko habang ang tingin ko ay sa harap.

"Anong natin? Ikaw lang ang kakalaban sa kanya!"-sigaw niya kaya lumingon ako sa kanya at saka siya inirapan.

Duwag!

"Oo na, ako na lang. Sino siya?"-tanong ko habang nakatingin kay Thania.

"Leanne Reeche, 20 years old. Invisibility magic. A warrior. Good in hand fighting and in weapon handling"-saad ni Angelica kaya napalingon ako sa kanya.

"What?!"-sigaw ko at saka sinipa ang mukha niya.

"Class S tas ganon lang ang magic niya?"-sigaw ko at saka tumingin kay Thania na masama ang tingin sa akin.

"Oo na Thania. Oo na. Hindi ko dapat minamaliit ang kalaban ko"-sukong saad ko at saka nag pout.

"Yes. Don't underestimate her. Hindi siya mapapabilang sa Class S kung hindi siya magaling at malakas."-seryosong saad ni Angelica sa likuran ko kaya tumango ako.

Madaming nagagawa ang invisibility. Kung lalaki lang ang nag mamay-ari sa magic na yan, siguro tatambay na siya sa cr ng mga girls para manilip. Yan kaya palaging wish ng mga lalaki.

"Malapit na tayo Sai. Seryoso ka na ba sa plano mo? Alam mong magagalit sila"- seryosong saad ni Thania sa isipan ko kaya tumingin ako sa kanya at saka siya nginitian.

"I'm serious about this. Kung ayaw ni Mommy ang pasalihin ako sa war, then unti-untiin ko ang ilan sa kanila. Hindi pwedeng sila Mommy lang ang lalaban. Hindi pwede. Gusto kong tumulong at ito lang ang kaya kong itulong sa kanila, kaya Thania please don't tell to Mommy and Daddy about this. They will surely kill me"-sabi ko sa kanya habang nakanguso.

Umiling lang siya at mas binilisan pa ang lipad.

Tumingin ako kay Angelica na ngayon ay nakatingin lang sa akin.

"Pwede ka pang mag back out kung gusto mo"-saad niya na ikinangisi ko at tumingin sa malayo.

"Legendary Monsters, ako lang ang nakakaalam kung ilan sila. Ako lang ang nakakaalam kung anong kaya nila. Hindi lahat ng mga Legendary Monsters ay nasa Legendary book na. Wala pa sa kalahati ang napag-aralan nila. Wag na wag mong mamaliitin ang mga mas pa sa mga legendary monsters na nakita mo na."-seryosong saad ko at saka unti-unting ngumiti.

"Nandito na tayo"-biglang saad ni Thania kaya mabilis akong tumalon papunta sa lupa at tumingin sa kanila na ngayon ay nasa taas pa rin.

Sinenyasan ko na umalis sila at ganoon naman ang ginawa nila kaya napangiti ako.

Good.

"Good afternoon sa'yo bata"

Napatingin ako sa babaeng nakatayo ngayon sa 'di kalayuan habang may hawak na espada.









✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Sorry, ngayon lang ulit.

Sana nagustuhan ninyo.

Love you guys.

Keep safe

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now