Chapter 54

6.5K 295 19
                                    

Elisana Crawford POV

"Did you find her?"-bungad ko kay Aiken na ngayon ay papasok sa Royal Mansion. Gabi na wala pa rin si Persephone.

"Yes, but she ran away"-saad niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"She what???! What did you do this time?!"-sigaw ko sa kanya.

Ano na naman ba ang sinabi niya??!

"I talked to her. And said that I love someone else"-diretsong saad niya at saka ako tinitigan.

"You told her that you love someone else?! Are you even thinking?! You just broke her heart by saying those sh*t to her inside the clinic and this one again? Saying that you love someone else??!"-sigaw ko sa kanya at saka siya dinuro-duro.

Napasabunot siya sa buhok niya kaya napatigil ako sa pag duro sa kanya.

"Anong gusto mong sabihin ko ha? Ang paasahin siya ganon?! Naging totoo lang ako sa kanya. Sinabi ko ang mga yun para hindi na siya mahulog pa para 'di na siya mag assume pa na mamahalin ko siya. Because I love someone else!"-umiiyak na sabi niya at saka tumalikod sa akin.

"May mahal akong iba. May mahal akong iba pero 'di niya ako mahal. Mahal ko siya pero may mahal siyang iba. Mahal ko siya pero di niya 'yon nararamdaman at napapansin man lang. Kasi sa taong mahal lang niya siya nakaantabay! Kaya... Kaya hindi lang si Persephone ang nasasaktan! Hindi lang siya nasasaktan kasi pati ako rin!"-umiiyak na saad niya at nagsimula nang maglakad papunta sa hagdan. Habang naglalakad na siya pataas ay tumigil siya at nagsalita.

"Di ba ikaw rin naman? Mahal mo rin naman siya pero di ka niya mahal di ba? Parehas lang tayong tatlo kaya wag kang mag-maangan, wag kang magsinungaling na hindi ka nasasaktan."

Ang mga sinabi niya, parang isang bomba na napakalakas. Napakalakas. Nanginig ang buong katawan ko at nagsimulang lumuha.

Kaya dali-dali kong ginawang electric ang katawan ko at naglakabay sa mga wires sa mansion papunta sa kwarto ko at dito na bumuhos lahat ng mga luha ko.

Tama siya. Tama siya. Pati ako nasasaktan.

Adrianna Rose Campbell POV

"Awwww!!! Kyaaah they are so cute!!"-nagtititili ako habang yakap ang lima kong bagong laruan.

Ang cute talaga nila hihihi.

"You are so happy, why? Are you not contented to have me? So you collect them because they are cute? I am the cutest chibi in the world, you know."

"Come on Inna, I love you and you are my cutest chibi doll"-lambing ko sa kanya habang hawak pa rin ang limang bagong laruan ko.

"How about me, my flower?"

"Of course, you too Prim"-galak na sabi ko at saka binaba ang mga hawak ko at saka sila ko sila binuhat na dalawa.

"Are you not going to attend class?"-biglang saad nang kararating na si Lea kaya dali-dali ko silang binaba at nagtatakbo papunta sa cr.

***

"Sorry Prof. late po ako"-hinging paumanhin ko sa kanya.

"No it's ok. Di pa naman kami nagsisimula kasi wala pa ang mga royalties"-saad ni Prof Linton kaya napatingin ako sa upuan ng mga royalties. Wala nga sila. San kaya ang mga yon?

Naglakad na ako papunta sa upuan ko at saka umupo.

Hayst ka pagod tumakbo.

Napatingin ako sa mga circle of friends ni Ava na ngayon ay masama ang tingin sa akin kaya nagtaka ako. Nakita ko kung paano padaanin ng nakakulay pink ang kanyang hintuturo sa kanyang leeg.

*gulp*

What's the meaning of that?!

Napa-ayos naman ako ng upo. Ano na naman ang mga plano nila? T___T Ava, your friends are thinking how to kill me.

***

Tumayo na ako para pumunta sa cafeteria. Well no one royalties attended the class.

Naglakad ako papunta sa may cafeteria nang mapansin ko si Vien na papunta sa Royal Mansion. Ano naman kaya ang gagawin niya don?

Nagtatakbo ako papunta sa cafeteria at saka dali-daling nag order saka tumakbo ulit papunta sa Royal Mansion habang kagat kagat ko yung burger at hawak sa isang kamay ay ang smoothy ko at sa kabilang kamay naman ay ang large fries.

Hinay hinay lang sa pag takbo Adrianna, matatapon ang pagkain, sayang.

Paalala ko sa sarili ko kaya hindi ko masyadong binilisan ang pag takbo.

Bakit naman kasi pupunta sa Royal Mansion ang lalaking yon?

Habang naglakad takbo ako ay bigla kong nakasalubong si Caspian na may nakapulupot na ahas sa kanyang braso.

"Wow, di pa rin ba siya bumibitaw?"-gulat na tanong ko sa kanila nong nasa harapan ko na sila.

"Bitch. Shut up! Inggit ka lang!"-sigaw ng ahas at saka mas lalong lumapit kay Caspian.

Tumingin ako kay Caspian, parang dati lang hinahatak pa niya ako, parang dati lang kinakausap pa niya ako pero nang dumating ang ahas na ito wala na. Bigla siyang nagbago. Hindi na siya nagparamdam pa.

Ngumiti ako nang mapait at saka umiwas ng tingin. Ako lang ba, oh talagang may mahapdi sa mga mata ko?

"Let's go baby, wag na natin yang bigyan ng atensyon. Aksaya lang siya sa oras"-malambing na saad ng ahas at saka hinatak na si Caspian.

I didn't see that coming. Akala ko papalag siya. Akala ko mananatili siya. Akala ko lang pala ang lahat.

Nang makalayo na sila ay nasa kinatatayuan pa rin ako. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang mga pagkain ko. Nanlumo akong napaluhod habang tinitignan ang mga pagkain ko.

Napabuntong hininga na lang ako at saka tinignan ang papalayong pigura ni Caspian at ang ahas.

Nakasimangot akong nakatingin sa mga pagkain ko na nahulog at saka magsisimula na sanang pulutin pero may pumigil sa aking kamay.

"Pupulutin mo pa rin ba 'yan? Madumi na"-nag-aalalang tanong ni Elliott kaya nagtaka ako.

Himala hindi siya nangmamanyak ngayon. Bagong buhay na kaya siya?

"Ok pa toh. Wala pang 5 seconds"-saad ko at saka hahawakan na naman sana ang mga pagkain pero marahas niya akong hinila patayo.

"Let me treat you"-biglang saad niya kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"Baka may kapalit 'yan ah?! Baka naman ginagawa mo ito para manyakin ulit ako?" -dudang tanong ko sa kanya na ikinatawa lang niya.

Baliw! Manyak!



✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Yehey. Buti naman makapag-update ako.

Hayst. May pasok na kami sa Monday huhuhuhu

#academicfreeze!!!

Keep safe

The Soul KeeperHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin