Chapter 72

5.9K 260 50
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Ayaw mo talaga akong payagan?"

Kanina pa niya ako kinukulit ngunit desidido na ako sa desisyon ko.

"No, bilang master mo kailangan mo akong sundin. Walang lalabas, walang magpapakita sa kanila."-saad ko at umalis na sa Dark Mansion.

One week na ang nakalipas matapos ang seremonya ni Aiken.

Nabalik narin sa dati ang kamay ni Tenleigh.

Habang naglalakad na ako sa hallway nakita ko si Asiamie masayang naglalakad.

"Ang weird" bulong ko at saka pumasok na sa klase.

***

Nakaupo ako ngayon sa garden habang kumakain, kasama si Vien.

"Tagal din tayong 'di nagkasama ah"-saad niya habang nakatingin sa akin. Napangiti naman ako sa kanya.

"Yeah"-sang ayon ko sa sinabi niya at sinupalpal sa bunganga niya yung sandwich saka ko siya tinawanan.

"Ahahhaha, your face ahahhaha epic!"-tawang tawang saad ko habang nakabusangot ang mukha niya at punong puno ang kanyang bibig.

"I miss this scene"-saad niya saka ako tinignan.

"Hmm"-saad ko at tumango.

Habang kumakain kami ay narinig ko siyang bumuntong hininga.

Tumingin ako sa kanya.

"Is there any problem?"-tanong ko sa kanya.

"I already knew it wasn't me at the every beginning"-mahinang saad niya at saka tumingin sa bintana.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"Sorry"- basag ko sa katahimikang bumalot.

"No, it's okay. Being in love is not just pure happiness and besides rejection is a part of being in love."-saad niya na ikinatahimik ko bigla.

"By the way, aalis na muna ako sa Academy. May misyong pinapagawa si kuya. Matagal-tagal din 'yun sigurado. At para narin unti-unti kong makalimutan ang pagmamahal ko sa'yo. Pero magkaibigan parin naman tayo 'di ba?"-nakangiting tumingin sa akin si Vein. Matagal kong tinitigan ang mukha niya at saka unti-unting tumango bilang sang-ayon. Mabilis ko siyang hinatak at niyakap ng mahigpit.

"Magkaibigan parin tayo kahit anong mangyari. Bumalik ka ok? Bumalik kang buhay."

***

Nakatayo ako sa Dark Mansion habang natanaw ang Dark Forest. Kahapon umalis na si Vien papunta sa Black Kingdom. Kina Persephone.

Wala rin si Persephone dahil pinatawag din siya ng kanyang ama.

Tumingin ako kina Inna at Prim na natutulog sa aking kama. Lately I haven't visit my playmates. Palagi na lang sina Prim at Inna ang nakikipaglaro sa kanila.

Huminga ako nang malalim at saka naglakad papunta sa pinto.
Binuksan ko ito at bumungad sa aking ang napakadaming mga chibi dolls ko.

Naglakad ako papasok at saka isa isa silang tinitigan. I'm really bored right now. Pumunta ako sa isang maliit na parang gem box at saka kinuha ito. Naglakad ako habang hawak ang gem box at saka pumulot ng isang ninja chibi doll saka nagtuloy papunta study table sa loob ng kwartong 'to.

Inihiga ko ang ninja chibi doll na hawak ko at saka ko binuksan ang gem box na naglalaman ng mga gamit ko para sa mga laruan ko.

Nilabas ko ang aking mga laruang sinulid at nagsimulang iturok ang mga karayom sa ninja chibi doll na hawak ko kanina.

The Soul KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon