Chapter 97

4.8K 226 28
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

Seryoso ko silang pinagmasdan lahat habang nakikipaglaban hanggang sa napadako ang tingin ko sa mag-ama ko na ngayon ay nag-eenjoy sa pakikipaglaban. Hindi malayong mas malapit talaga si Sai sa kanyang daddy. Palagi kasi siyang binibisita ni Prim at palaging pinapayagan sa mga ano mang gusto niyang gawin. Kaya hindi maitatanggi na Daddy's girl siya.

Kahit na alam ni Prim na na reincarnate si Baby Sai pero tinuring niya parin itong isang anak at bata. Hindi mo matatanggal na aastang matanda minsan si Baby Sai pero kapag gusto niya nag-aasta siyang bata na parang walang isip at padalos-dalos.

May mga natitirang class s pa sila pero hindi naman na magtatagal kakaharapin na namin ang pamilyang Morris.

Persephone Black POV

Mabilis akong pumasok sa anino ko nang mapansin kong may papalapit sa akin na mga baraha. Saka ako lumabas sa anino ng kalaban ko at binigyan siya ng isang malakas na sipa sa likuran kaya nagpagulong-gulong siya.

Mabilis siyang tumayo at saka nilabas ulit ang mga baraha niya, hindi lang simpleng baraha gawa ito sa metal na kayang himiwa ng parte ng katawan.

Mabilis akong tumalon paikot-ikot sa ere, napansin ko na may joker na nakalagay sa baraha habang nasa ere ako at lumapag ng maayos. Kakaiba yung joker na iyon, para siyang bomba na letrato at may joker the bomb ang nakalagay. Napatingin ako sa mga baraha na ngayon ay lumulusot sa katawan ng puno, tatlo lang naman yun kasama ang joker. Yung dalawang baraha lumusot sa katawan ng puno, buti malaki ang katawan ng puno baka naputol na ito.

Napatingin ako sa card na joker na nakatusok lang ang isang tip ng gilid niya sa puno hanggang sa bigla na lang itong sumabog kaya mabilis kong ginamit ang mga braso ko panangga sa ulo at mukha ko baka may mga tumalsik sa akin.

Ginamit ko ang pwersa ng mga paa ko para mapatigil ako dahil patuloy pa rin akong  napapaatras dahil sa malakas na pwersa ng pagsabog.

Tangna!

Nagtago muli ako sa anino ko at pumunta sa anino niya. Kung patuloy na magpapasabog siya ng mga ganong kalakas na pasabog baka may masaktan pa.

Mabilis kong hinawakan ang dalawang paa niya at hinila pababa hanggang sa tinigil ko na ang paghatak sa kanya kaya ang bewang hanggang pababa ang nasa lupa na at ang pangtaas na lang niya and nakikita. Lumabas ako sa anino niya at saka siya nginitian.

"Pano na yan? Hindi mo na magagamit ang mga kamay mo kasi nasa ilalim na ng lupa. Hindi ka na makakagalaw pa bitch"-nakangising saad ko at saka ako pumasok sa amino at lumabas sa anino ni Vien na nakikkipaglaban at saka ko siya hinila papasok sa anino.

"Tangna nakikipaglaban ako don eh!"-sigaw niya sa akin pero umirap lang ako at tinuro ang babaeng nasa harapan namin.

Napatigil naman siya at saka ngumiti, mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Nilabas ni Vien ang maliit niyang dagger at itatarak na sana sa ulo ng kalaban ngunit nagulat ako dahil may bumulusok na earth spikes sa ulo ng kalaban kaya ito'y namatay na.

Napatingin ako sa likuran namin nang makita ko si Elisana at Kegan na nag tawanan at nag high five pa sa isa't isa.

"Mga walangya kayo mang-aagaw!"-sigaw ko sa kanila pero ngumisi lang sila sa amin at tumakbo na papalayo.

Yung points namin!! Inagaw nila!!!  Damn it. Nagpustahan kasi kami, Tenleigh and Accuis ang magkasama, Elisana ang Kegan at Ako at si Vien. Pataasan ng puntos, isang class s 10 points at ninja 2 points.

Nakaka 36 points pa lang kami, dapat nga 46 points kung hindi lang dahil sa dalawang mang-aagaw na mga 'yon!

"Ano ba kasing makukuha natin kapag tayo nanalo sa pustahan?"-tanong sa akin ni Vien kaya ngumisi ako at saka na excite.

"Baby dragon!"-sigaw ko at saka tumawa.

"Bata pa lang ako gusto ko nang magkaroon ng baby dragon lalo na kapag black ang kulay"-saad ko at saka tumingin sa paligid.

"Sino ba ang may pakana nyan? Sino nagbibigay ng baby dragon sa mananalo?"-tanong niya sa akin kaya hinanap ko ang batang iyon na ngayon ay nakikipaglaban kasama ang ama niya.

"Si Sai"-saad ko kaya napatingin si Vien sa direksyon kung saan ako nakatingin hanggang sa nakita niya si Sai at Daxton.

"Him"-pagkasabi niya at tumahimik ako. I know he loves Adrianna noon pa lang.

"Her, si Sai hindi si Daxton"-saad ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"I need to go na, makikipaglaban pa ako"-saad ko at nagpalamon muli sa anino ko.

Sai POV

Nilabas ko ang spear ko nang maramdaman ko ang kakaibang kapangyarihan. Naalerto rin si Daddy at ramdam kong ganon din ang lahat.

Yung kapangyarihang iyon, nagsisisigaw na parang siya ang pinakamalakas sa lahat. Nagdidilim din ang kapaligiran kaya mas lalong nagkaroon ng tensyon.

Tumingin ako kay Daddy na bigla akong binuhat at dinala sa kinalalagyan ni Mommy na ngayon ay seryosong nagmamasid sa paligid.

"Thania"-bigkas ko kaya lumabas si Thania sa likuran ko.

"He's here"-pagkasabi ni Thania ay napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at saka tumingin kina Mommy at Daddy na ngayon ay nakatingin din sa kanya.

"Carrion Morris ang nagtataglay sa touch of death"-pagkasabi niya sa touch of death ay bigla akong nanghina buti na lang nabuhat ako ni Daddy. Mabilis akong humarap at yumakap sa kanya.

"Baby, what happen?"-rinig kong nag-aalalang tanong ni Mommy sa akin pero hindi ako nagsalita at yumakap lang kay Daddy.

"Baby, nanginginig ka"-nag-aalalang saad ni Daddy Daxton kaya rinig ko ang paglapit ni Mommy sa akin at hinawakan ang ulo ko.

"Anong nangyayari sa kanya Thania?"-seryosong tanong ni Mommy na rinig ko.

"Ahhhh tama na!"

"Stop! Don't do this!"

"No!!!!!"

"Don't hurt them!"

"Stop!!!"

Napamulat ako nang maalala ko ang mga nangyari sa akin noon pa.

"Sai"-rinig kong saad ni Thania na ikinahigpit ko nang kapit kay Daddy.

"Carrion Morris, siya ang pumatay sa tinuring na pamilya ni Lily na si Sai na ngayon. Ginahasa ni Carrion Morris si Sai noong siya pa lang si Lily."-pagkasabi ni Thania ang mga 'yon ay humikbi na ako at mas lalong yumakap kay Daddy.  Ramdam ko na humigpit ang yakap sa akin ni Daddy at ramdam ko rin ang kapangyarihang nagsisisigaw na rin sa kaloob-looban ni Mommy.

Yes, I was raped back then. Same age kami ni Carrion we used to be my best friends but things gone wrong. He killed my poster family and he raped me and killed me.

"Lily, if you don't love me back then you need to be die. You're mine, if I can't have you then I won't let someone have you instead, so you need to die"






✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Have a good day

I hope you like it guys

Love you all.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now