Chapter 80

5.5K 230 52
                                    


Adrianna Rose Campbell POV

Nakatayo ako ngayon habang tanaw ang dark forrest nang biglang lumitaw sa kung saan si Jasmin.

"Yow Adrianna"-ngiting bungad niya at tumabi sa akin.

"Tsk, sabi na nga ba"-saad ko nang marealize ko kung bakit siya nandito.

"Flower manipulator"-saad niya kaya napatingin ako sa kanya at tumawa nang konti.

"It's not. It's the Legendary Monster ang pumatay kay Aiken"-seryosong saad ko at saka siya tinignan.

"The eating human flower monster. Isa sa mga legendary monster na nasa aklat. Susulpot siya kahit saan, kung saan nanaisin ng master niya."-seryosong saad ko na ikinataka niya.

"No, mga kalaban yon"-umiiling na saad niya.

"Illusion monster"-pagkasabi ko ay napatigil siya at nanlaki ang mata niya.

"You mean—"

"Yes, yung nakita mong kalaban illusion lang 'yon. It means yung nakita mo ay patay na at ang Legendary Monster Manipulator ang may kagagawan. Ang batang 'yon, siya ang Legendary Monster Manipulator."-pagkasabi ko na mas ikinataka niya kaya napatawa ako.

"Let me explain to you what really happened. Nang makarating ka sa lugar na 'yon ay nakita mong nakikipaglaban na siya. At ang nakita mong kalaban niya ay ang flower Manipulator na matagal nang patay.
Pagkadating mo pa lang don, nasa loob ka na nang illusion, isang patibong. Alam niyang darating ka doon sa lugar na iyon. Ang totoong kalaban niya ay ang Legendary Monster Manipulator. Ang babaeng nakita mong nakatayo. Lahat ng mga labang nasaksihan mo ay puro illusyon lang, walang katutuhanan."- saad ko at saka naglakad na papalayo at iniwan siya.

Feeling ko, mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ko. Kahit kailan talaga di talaga ako magaling sa explanation.

Naglalakad ako sa hallway nang makita kong nag-uusap si Asiamie at Caspian.

Ngayon ko lang silang nakitang nag-usap ah. Nevermind.

Naglakad na ako patungo sa pupuntahan ko.

Legendary Monsters Manipulator, magkakaharap din tayo balang araw.

Sai POV

"Matagal pa ba sila Thania?"-naka-ilang ulit kong tanong sa kanya.

"Napuruhan sila Sai, sa mga ginawa mo sino ang maghihilom agad?"-tanong ni Thania na ngayon ay nakapatong sa na uluhan ko. Naging baby dark dragon na siya. Ang cute niya hihihi.

"Sa tingin mo, umuwi na si Daddy?"-tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"Sabagay, ayaw ni Daddy na napapalayo siya kay Mommy."-saad ko at saka tumingin sa asul na kalangitan.

"Siguro naman alam mo talaga kung saan ka galing."-biglang saad ni Thania na ikinatigil ko at ikinanguso.

"I know, they are not my real Mommy and Daddy. Galing ako sa isang bulaklak, 'yan ang sabi nila. At ako rin ang nagpangalan sa sarili ko. I was born again, but still remember my past life."-malungkot na saad ko at sana tumingin sa Healing River.

"All I want is to have some friends, family and playmates."-saad ko habang nakatingin kina Ate Persephone at Kuya Vien.

"Ngayon lang ako nagsaya sa buong buhay ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng pamilya, kayo lang ang mga kaibigan ko at kalaro ko. Pero ngayon ay may dalawa na akong nakalaro and nakalaro ko rin yung mga royalties bago kami pumasok sa Dark forrest. At nakipaglaro rin ako kay Kuya Aiken."-nakangusong saad ko.

"What really happened between you and that Aiken?"-tanong ni Thania kaya napa-isip ako bigla.

"Hmm. Habang naglalakad ako sa kakahuyan nakita ko siyang lumulutang. Doon ko napagtanto na air ang magic niya. Lumapit ako sa kanya at hiningi ang kapangyarihan niya pero tumanggi siya kaya pinalabas ko si Flesh, doon nakipaglaro ako. Tas naramdaman kong may paparating kaya tinawag ko Ill para gumawa ng illusyon. Gusto rin niya akong patayin dahil humarang ako sa daan niya kaya pinakain ko na lang siya kay Flesh. At yung tangang Jasmin naman naniwala sa illusyong ginawa ni Ill. Kaya nag-enjoy talaga ako."-kibit-balikat na saad ko at saka tumawa.

"Thania, dapat pa ba natin silang antaying umahon dyan? Or alis na tayo?"-tanong ko sa kanya.

"Kailangan natin silang bantayan"-pagkasabi ni Thania nun ay napanguso ako.

"They are not kids anymore"-nakangusong saad ko at saka gumulong-gulong sa damuhan.

Habang ginagawa ko 'yun ay may naramdaman akong papalapit na enerhiya sa akin. Malapit-lapit na siya sa kinalalagyan namin.

Napatayo ako at lumaki na rin si Thania. Hinanda ko ang spear ko, from Black Organization.

Nakatingin lang ako sa isang direksyon hanggang sa lumabas siya sa kakahuyan.

"Sai, The Legendary Monster Manipulator"-saad niya at saka ngumisi.

"Rafaela, the green fire Manipulator"-seryosong saad ko at saka tinitigan siya.

"Baka gusto mong makipag reunion sa kaibigan mo na si Freya, na pinatay ko?"-nakangising saad ko at saka siya tinignan ng nakakaloko.

"Papatayin kita. Ipaghihiganti ko ang kaibigan ko!"-sigaw niya at nagpalabas ng berdeng apoy.

Siya ang kaibigan ng Flower Manipulator.

Napanguso ako at saka naghanda.

"Bring it on! Gusto kong libangin mo ako"-saad ko at biglang lumitaw sa harap niya at saka ko siya binelatan.

"Blehh, weak ka pa rin Rafaela"-saad ko at mabilis na itinusok ang spear ko sa kanyang tyan pero apoy na green na lang ang nasa harapan ko. At saka ito biglang sumabog kaya tumilapon ako.

"Ouch"-nakangusong saad ko habang hinihilot ang ulo ko. Nabagok ata hihihi

Tumilapon ulit ako nang may sumipa sa likod ko kaya napasubsob ako sa lupa.

Napakain pa ako ng lupa ng wala sa oras.

"Pweee. Yuck"-saad ko habang tinatanggal ang lupa sa bibig ko. Ewwww. Kadiri talaga.

Pinagpag ko rin ang dress ko at nakangusong tumingin kay Rafaela na gulat pa rin.

"Di ka man lang sumuka ng dugo?!"-hindi makapaniwalang saad niya na ikinataas ng kilay ko.

"Sa tingin mo sa isang pasabog at sipa mo lang susuka na ako ng dugo? Ano akala mo sa akin weak? I'm not weak like you. At saka sumuka? Ewww, it's not my thing."-taas baba ang kilay koong sabi habang iniinis siya.

Ang pangit niyang mainis sa totoo lang.

"Ano na? Tatayo ka lang ba jan? Galaw galaw naman. Pasiyahin mo naman ako. Hindi yung nakikipaglaro ka lang. Galingan mo naman. Napaka weak mo naman. Wala ka na bang mai-lalakas niyan? Kahiya. 8 pa lang ako tas ikaw nasa 20's na. Gurang ka na nga weak ka pa. Bleeh"









✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨


Sana nnag enjoy kayo.

Keep safe and love you all.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now