Chapter 101

4.7K 257 146
                                    

Persephone Black POV

Umupo na kaming mga babae at saka nag step forward ang mga boys. Sina Elliott, Kegan at Accuis. Hindi sumali si Vien kasi wala naman daw siyang kinalaman.

Tumingin ako sa kanila na ngayon ay nagkaka-initan na.

"Guys, you ramdam the init right?"-maarteng saad ni Tenleigh at saka naglabas ng pamaypay.

Hindi pa nagsisimula ang laban ay biglang naging bato ang mga paa ni Caspian hanggang sa leeg nito.

Napatingin kaming lahat nang marinig namin ang sigaw ni Ava.

"How dare you traitor!!! Huhuuhuuu"

"Pfft"- pigil na tawa ni Vien.

Mabilis na naglakad si Ava at saka malakas na sinampal ang mukha ni Caspian.

"Walangya ka! Prinsipe ka pa talaga! Ikaw!!! Isa kang peke! Pina-ibig mo ako! Pinangarap kita! Minahal tas magtatraydor ka lang?! Lapastangan! Dapat sa'yo pinaparusahan sa kam— pinaparusahan ka ng kamatayan. Isa kang dakilang pa fall! Pa cold cold ka pa pero traydor ka rin pala! Pa yakap yakap ka pa kay Adrianna, peke lang pala. Ang drama mo kay Adrianna! Hoy! Oo alam ko, may mga girls ako rito! Tinutulungan nila ako to keep updated to yo— to Adrianna I mean. Minahal kita, nagpacute ako sa'yo pero wala lang. Nag traydor ka pa! Ano pa ba ang kaya mong gawin?! Huhuhuhhu"-umiiyak na saad niya pero kami naman napapatawa nang patago. Pero nakita niya pa rin kaya sinamaan niya kami ng tingin.

"Mga panget! Huhuhu"-sigaw niya sa amin kaya binelatan namin sila.

"Tapos ka na?"-bagot na saad ni Caspian pero umiling lang si Ava at malakas ulit na sinampal si Caspian.

"Teka lang! Nag-eemote ako! Manahimik ka muna pwede? Para damang-dama ko naman. Hindi yung mabigat sa boobs ko! Sa dibdib! Huhuuhuhu"-sigaw niya at saka sinampal ulit si Caspian kaya napatawa na naman kami.

"What the hell Ava! What are you doing here?! Kapag si Alpha Den nalaman yang mga pinaggagawa mo sigi ka. At pwede ba Ava, tumabi ka jan! Kita mo namang maglalaban na sila hindi ba? Tas eeksena ka pa! Ikaw bida? Or pa bida ka? At saka manahimik ka na dyan. May anak ka na remember?! Kung pwede lang umuwi ka na ngayon din!"-sigaw ni Roselyn na papalapit sa amin ngayon.

"Hoy!! Pati rin naman ikaw ah! Ikaw daw yung babaeng palaging nakalingkis sa ex love ko! Ikaw yung ahas na Roselyn ang pangalan! Ang pangit mo pala sa personal! Huhuhuhuhuu"-mapang-insultong saad ni Ava at saka nag belat kay Roselyn.

"They are baliw na right?"-mahinang tanong ni Tenleigh sa amin na ikinatango namin.

"Pasalamat kang babae ka kaibigan ka ni Adrianna, kung hindi kukulamin kitang babae ka!"-sigaw ni Roselyn kaya napatahimik si Ava konti.

"Kukulamin? So you know how to make love potion?! Huhuhuhu"-excited na tanong ni Ava na ikinatango naman ni Roselyn kaya wala pang ilang segundo nasa harapan na ni Roselyn si Ava na ngayon ay hawak hawak ang kamay niya.

"Roselyn na maganda, gawan mo ako dali. Huhuhuhhuhu"-excited na paki-usap ni Ava kay Roselyn pero umiling si Roselyn at lumayo kay Ava.

"Aba! May asawa na nga gusto pang mang-akit. Sino ang ahas sa ating dalawa ngayon?"-nakataas kilay na tanong ni Roselyn kaya lumapit ulit si Ava sa kanya.

"Ako! Ako ang ahas! Kaya gawan mo na ako ngayon please! Huhuhuhu"-nakangusong saad ni Ava. Ngunit biglang dumating si Alpha Den at mabilis na binuhat ang asawa at nilayo sa aming lahat.

Nagpaalam naman ang beta sa amin na si Shin at humingi ng tawad dahil sa ginawa ng kanilang Luna.

Tumingin ako kung saan sina Elliott at iba pa ay wala na sila sa kinatatayuan nila.

Mabilis akong tumayo ganon din ang ibang mga kasama ko dahil bigla na lang silang nawala sa paningin namin.

"What the"-mura ko at luminga-linga sa paligid.

Biglang lumapag si Daxton habang nakasakay sa likuran niya si Adrianna.

"Don't worry about them. Lumayo lang sila"-pagkasabi ni Adrianna ay bigla akong naginhawaan.

"Now, there are still class s around. I want you to kill them all"-seryosong saad ni Adrianna kaya tumango kami.

Nakita kong nakayukong naglalakad papalapit sa amin si Sai.

Tumingin ako kay Adrianna na may pagtataka sa mukha ko. Bakit puno ng dugo si Sai? Para itong naligo sa isang swimming pool na dugo.

Umiling lang si Adrianna at tinignan muli si Sai na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.

I don't know but everytime I saw her eyes, it gives me chills. The memories that i wanted to forget, its all coming back by just looking at her eyes.

"As I promised, I will give this dragon egg to the one who will have the highest points!"-nakangiting sabi niya kaya nagsitanguan kami at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Nakalimutan namin, meron palang ginawang game si Sai para sa amin. At ang winner ay may baby dragon.

It's time for me to get rid that memory. Sai is an Ally. That's it.

Adrianna Rose Campbell POV

Tumingin ako kay Baby Sai na nakangiting hawak ang dragon egg.

Sana 'di na siya lumabas pa kahit kailan.

"Baby Sai, want to take a bath? You know"-i said while looking at her body.

Tumingin siya sa akin at saka tumingin sa hawak niyang itlog. Lumapit siya sa akin  at pinahawak ito.

"Alis na ako mommy"-pagkasabi niya ay bigla na lang nagpakita sa likuran niya si Thania.

"Take good care of her Thania"

Tumango si Thania sa akin. Kumaway-kaway naman si Baby Sai sa amin ni Prim na ganoon din ang ginawa namin.

"Prim"-tawag ko sa lalaking nasa likod ko ngayon na nakatayo.

"Yes my flower?"-malamyos niyang saad kaya napangiti ako at saka umiling.

"Nothing, I just want to call your name."-nakangiting saad ko habang nasa iba pa rin ang tingin ko.

Pinagsaklop niya ang mga kamay namin at mabilis niya akong hinalikan sa labi.

Nanlaki naman ang mata ko habang nakatingin sa mukha niya na ngayon ay nakapikit at damang-dama ang paghalik niya.

Hindi ko mapigilang kurutin ang sarili ko para magising sa panaginip. Baka nananaginip lang ako.

Hinawakan niya ang bewang ko at nilapit pa sa kanya.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya.

Yung dila niyang gustong pumasok sa bibig ko pero nanatiling tikom ang mga labi ko.

Sh*t.

Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya umawang nang konti. Ramdam ko na papalapit na ang dila niyo sa akin nang biglang may tumama sa likod ng ulo niya.

"Hoy! Daxton! Anong pinaggagagawa mo sa anak kong tang-ina ka!!!"-sigaw ni Daddy na ngayon ay mabilis ang lakad papunta sa amin. Kita ko rin si Mommy na nakangiti ngunit madilim ang mukha niya, yung pamaypay niyang pabalik-balik sa palad niya.

"Papatayin kitang Soul eater ka!!!"-sigaw ni Daddy.....

Patay.......





✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Have a good day and keep safe everyone.

Love you all and God bless 💞❤️

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now