Chapter 108

5.2K 255 153
                                    

Third Person Point Of View

Sumisigaw si Sai habang pasugod siya kay Carrion. Hindi alintana ni Sai ang panganib na nag-aabang, bagkos ay nawalan siya ng pake sa buhay niya dahil sa galit.

"Papatayin kita Carrion!"-sigaw niya habang papalapit siya sa nakatayo't nakangising Carrion habang pinagmamasdan ang tumatakbong Sai.

"May aaalala ako sa'yo bata, ang kaibigan kong Mahal na mahal ko"-may ngiti sa labing saad ni Carrion na ikinatigil ni Sai sa pag-atake. Para itong nabato sa kinatatayuan niya at nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay.

"Ngunit nawala siya, hindi ko na alam kung nasaan siya. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Nangungulila ako sa kanya"-may pagkadamdaming saad ni Carrion na mas nagpasama sa mukha ni Sai.

Sai POV

Liar!!!!!! Liar!!!!!

Tangna mo Carrion! Tangna mo!!!!

Damn it! Gumalaw ka! Tangna! Magkaiba kami ni Lily! Magkaiba! Magkaiba!

Naipadyak ko ang paa ko ng isang beses, ang bigat. Hindi ko alam pero parang naglaho ang tapang ko. Tangna!!

"Lily, ang babaeng mahal na mahal ko"

Kinuyom ko ang mga palad ko. Kaharap ko si Carrion hindi bilang Lily, kaharap ko siya bilang Sai! Napatingin ako sa likuran ko kung saan nasa wolf form na si Daddy, habang sa tabi niya ay nakahigang katawan ni Mommy.

Mas namuo ang galit sa dibdib ko at nagsimulang mag-alab ang kagustuhan kong kitilin ang taong nasa aking harapan ngayon.

Ipaghihiganti kita Mommy. Ipaghihiganti kita!

"Thania! Black fire breath!"-sigaw ko at mula sa likod ng mga ulap ay may lumabas na black fire papunta kay Carrion.

Nailagan naman nito ni Carrion at mas lalong tumawa.

"Ahaha, great. Legendary monsters summoner just like my Lily. Pero sobrang magkaiba kayo, isa siyang lampang babae na palagi kong nililigtas. Hindi niya alam paano gamitin at wala siyang alam paano pasunurin ang mga alaga niya. So sad, nawala siya na hindi man lang natutunang pasunurin ang mga legendary monsters"-umiiling na saad niya nakatingin sa himpapawid.

"Bakit hindi mo pababain ang alaga mo para makilala ko?"-nakangising tanong niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

"You monster! Pinatay mo si Mommy! Papatayin din kitang hayop ka!!!"-sigaw ko at mabilis na sumugod sa kanya, patuloy lang siyang umiiwas sa mga atake ko. Naiinis ako dahil sa ngiting pinapakita niya.

"Alam mo ba na kapag bata mas masarap?"-biglang tanong niya kaya mabilis akong lumayo sa kanya at pinagmasdan siya.

Nakita ko kung paano nagtaas baba ang tingin niya sa buong katawan ko habang ang dila nito ay nasa labi niya.

Manyak!! Manyak!!! Manyak!!!!

Malakas na umalulong si Daddy kaya napatingin ako sa kanya, mas nag-alab ang itim na apoy sa katawan niya.

Mabilis na sumugod si Daddy papalapit sa akin kaya mabilis kong hinarangan ang dadaanan niya.

"Stop it Daddy! I... I don't want to lose you too. I don't want to be alone again."-umiiyak na saad ko habang nakatingin kay Daddy na ngayon ay papalapit sa akin at dinilaan ang luha ko.

Pumikit ako at mabilis na yumakap sa kanya.

"Ohhh, a daddy and a daughter's bonding wow ahahah. Okay I'll give you time to do that, because this will be your last bonding"-tumatawang saad niya habang may panlilisik sa mga mata nito.

"Who says that this will be our last bonding?"-nakangising saad ko at tumingin sa kanya.

"Huh?!"

"We will kill you... We will"-mahinang saad ko at mabilis na sumugod sa kanya.

"Iry, combine!"-sigaw ko at lumabas ang Iron Dragon ko at saka naging bolang puti ito at pumasok sa katawan ko.

Unti-unting nagkakaroon ako ng armor sa katawan.

Hinawakan ko ang malaking espada na nasa harapan ko, nakalutang sa ere habang umiilaw.

"This is the true magic of Legendary monsters manipulator or summoner. Hindi ko lang sila napapasunod, nauutusan kundi nagiging sandata rin sila at ako ang vessel nila."-nakangising saad ko at mabilis na sumugod papunta sa kanya saka iwinasiwas ang espada ko sa mga papuntang arrow sa akin.

I won't let you use your crossbow again. I won't.

"Chiky! Combine!"-mahinang saad ko kaya mas naging mabilis ang paggalaw ko. Chita monster.

Lumitaw ako sa likuran niya at hiniwa ang likod niya. Napasubsob siya sa lupa kaya lumayo ako sa kanya.

Kita ko kung pa'no siya nahihirapang bumangon. Kita ko rin ang pag-agos ng dugo niya.

"Kulang pa 'yan para maging kabayaran sa mga ginawa mo Rion"-saad ko na ikinatingin niya sa akin bigla.

"It's nice to meet you again my past best friend."-saad ko at saka siya nginisian. Kita ko ang gulat sa mga mata nito.

"Don't get me wrong. I am Sai now, not Lily. Although ako at si Lily ay iisa hindi ibig sabihin non, ganoon na lang kami palagi. Natututo ang isang tao, natuto dahil sa mga nangyari sa kanilang nakaraan. Hindi ibig sabihin na palaging talunan, hanggang talunan na lang. Nagkakamali ka, natututo kami. At ito ang natutunan ko, Hinding hindi ka lulubayan ng problema hangga't hindi mo ito na aaksyonan. Kahit anong gawin mong tago o takbo hahabulin ka ng kinatatakutan mo. Kailangan mong harapin ang takot at magsimulang muli."-nakangising saad ko at saka mabilis na lumapit sa harapan niya, sinira ang crossbow niya at binigyan siya ng sipa sa mukha kaya tumilapon siya sa mga puno.

"Rion, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Sakim ka pa rin, hayok at masahol."-seryosong saad ko at naglakad papalapit sa kanya.

Pilit niyang tinatayo ang katawan niya at tumingin sa akin.

"Lily!!!"-sigaw niya at mabilis na tumakbo siya papunta sa akin habang nakahanda ang kamay niya hawakan ako.

"Kahit anong mangyari, isasama at isasama kita sa akin Lily!! Akin ka lang!"-sigaw niya, habang papalapit na ang kamay niya sa akin ay nakatayo lang ako pinagmamasdan siya.

"Thread blade"-sigaw ng boses kaya natanggal ang isang braso niya.

Napatigil siya sa paglapit sa akin at balisang tumingin sa nasa likuran ko.

"I won't let your hand lay on my daughter's skin, perverted old man!"-sigaw ni Mommy kaya napangiti ako at mabilis na lumapit kay Mommy sa tabi niya.

Nakita kong pumwesto si Daddy sa harapan namin at nagsimulang baybayin ang pagitan nila ni Carrion.

Kita pa rin namin ang pagtataka sa mukha ni Carrion na ikinabungisngis ko.

"You did a great job my daughter. Mana ka sa akin na best actress ahahah"-tumatawang saad ni Mommy kaya tumawa rin ako.

"Carrion, wala akong puso."-pagkasabi ni Mommy ay ang saktong pagsakmal ni Daddy sa mukha ni Carrion at mabilis na tinanggal ang ulo nito gaya ng ginawa ni Daddy kay Caspian.

Walang puso si Mommy, walang pumipintig sa dibdib niya.

"Wala akong puso dahil na kay Inna ang puso ko"





✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨✨

Woohoo natapos ko na naman!

Hope na nagustuhan ninyo.

I love you guys and thank you so much sa support.

Keep safe and God bless you always. Thank you so much!💞❤️❤️❤️❤️

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now