Chapter 18

10.8K 486 182
                                    

Adrianna Rose Campbell POV

"Why are you showing all of these things?"-biglang tanong ni Prince Caspian kaya napatingin lahat sa kanya. Wow nagsalita siya?

Oo nga. Ano naman ang gagawin namin dyan?

"Well, I want some of you to go to the Falls of Life and put this *turo sa Theory of Human* deep inside of it."-saad ni Hm Loki sa amin kaya napatingin kami sa kanya.

"Why?"-biglang tanong ni Princess Tenleigh kay Hm kaya ngumiti siya. Tinanong pa talaga? Hindi ba sila nakikinig?

"Ang Falls of Life ay doon pumupunta ang mga mag-asawang gustong magka-anak."-nakangiting sagot ni Hm kaya nawala na naman ang utak ni Prince Kegan.

"Bakit Hm? Hihiling ka ba don? Ano ba kasi Ma'am Lea siping na kasi kayo!"-bulgar na saad ni Prince Kegan kaya pinagbabato siya ng mga kasama namin dito sa loob ng Hm office pwera na sa akin dahil hindi ko gets ang sinasabi niya.

Nang matapos ang batuhan moment nila ay nagsalita na si Hm Loki.

"This is your first Mission. Hindi lahat ay sasama sa misyong ito. May maiiwan."-biglang saad ni Hm kaya nagwala na ang iba.

What with the reaction people? Pssh.

"Hindi!"

"No! Bakit hindi lahat?"

"Pinapapunta mo pa talaga kaming lahat dito Hm?! Really? Para mainggit kami?!"-inis na saad ni Prince Kegan habang nagdadabog. Napabungisngis naman ako nang palihim. Wala namang nakapansin non.

Ok lang naman sa aking kung maiwan ako eh. Ayokong magkaroon ng misyon. Mapapagod rin lang naman ako Tas wala pa akong makukuhang reward, kaya wag na lang.

"Hahah gusto ko lang namang ipakita sa inyo ito eh"-natatawang saad ni Hm kaya mas lalong napabusangot ang iba. Gusto lang naman palang ipakita bakit kaming lahat pa? Really? Anong akala ni Hm pupunta kami sa Falls of Life para magwish doon para magka-anak? Haler we are still kids— I mean teens. We need to enjoy being a teenager. I don't want to spend my teenager babysitting my kid. Pssh.

"Prince Caspian, Prince Aiken, Prince Accuis, Princess Tenleigh, Princess Elisana. Kayo ang pupunta sa Falls of Life para sa misyon."- saad ni Hm Loki kaya mas lalong nagwala na si Prince Kegan na parang batang nagtatantrums.

Yes!! Hindi ako kasali!!

"Hindi!!! Isusumbong kita sa mga babae ko! Isusumbong rin kita Kay Mommy!"-nagdadabog na saad ni Prince Kegan at dali-daling lumabas sa Office na wala man lang paalam.

"Ahahahah!"

Tawa nilang lahat kaya napapangiti naman ako. Nakita ko na nakatingin sa akin si Lea saka ito lumapit.

This is bad. Really bad. Alam kong may pinaplano 'to. Shit lang. Lea!!!

"Ang cute cute cute mong bata *sabay kurot sa aking mga pisngi* anong pangalan mo?"-nakangiting tanong ni Lea sa akin na palihim ko siyang sinamaan ng tingin. Ngumisi naman siya nang palihim sa akin kaya napabusangot naman ako.

Sabi na nga ba! Bwisit ka talaga Lea!!!

"She's mute, love. Kaya wag mo na siyang tanungin. Siya si Adrianna Rose Campbell"-pakilala kuno ni Hm Loki sa akin sa kanyang asawa na si Lea.

Eh kung tusukin ko kaya tong dalawang ito noh? Sarap i-ihaw eh.

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now