Chapter 49

6.5K 327 13
                                    

Third Person Point of View

Habang nagsasayaw si Glen ay nakangiti lang si Adrianna habang nakatingin sa kanya.

Tumingin siya sa mga kalaban ngayon ng mga royalties.

"Mirror Manipulator, Levitation, Poison magic and an unknown one"-tumatangong saad ni Adrianna sa kanyang sarili. Napadako ang tingin niya sa babaeng 'di pa niya alam ang kapangyarihan. Ang babaeng nakasombrero na ngayon ay titig na titig sa kanya.

Tumagilid ang ulo ni Adrianna saka sinuklian ng tingin ang babaeng nakasombrero.

"Aiken!"-sigaw ni Persephone kaya nakuha nito ang attention ni Adrianna.

May kulay green na usok ang bumabalot ngayon sa lugar ng mga royalties.

"Uy! Lason 'yan ah. Masama sa katawan 'yan!"-sigaw ni Adrianna na ikinasama ng tingin ni Thea na siyang gumawa sa poison smoke.

"Sabi ko nga"

Unti-unting iniipon lahat ni Aiken ang hangin na may kasamang lason hanggang sa naging maliit na bilog ito at unti unting lumiliit hanggang sa nawala na.

Agad naman nagpalabas ng water spikes si Accuis na linagyan ni Elisana ng electric sa loob ng water spikes.

Ginamit din ni Aiken ang air magic para pasayawin sa ere ang water spikes na may electric sa loob.

Ginamit naman ni Persephone ang shadow manipulator niya para galing madilim ang buong lugar. Ang makikita mo lang ay ang mga kislap ng electric na nasa loob ng mga water spikes.

"What the hell!?"

"I can't see anything"

"Damn"

Napasinghal ang mga kalaban dahil wala silang makita kundi ang mga mabibilis na galaw ng mga water spikes na may electric sa loob. Para itong dyamante sa kay liliit ngunit napakaganda nitong pagmasdan.

"Ouch!"

"Shit"

"Ang sakit!"

Daing nilang lahat habang rinig mo ang mga mabibilis na pagbulusok ng mga water spikes na may electric sa loob.

"Ice floor!"-sigaw naman ni Elliott kaya rinig mo na nagsibagsakan ang mga kalaban.

"Rock shower!"-sigaw naman ni Kegan.

"Ahhhh!"

"Shiiiit!"

"Ouch!!"

"Fire ball"-mahinang saad ni Caspian kaya nagsilabasan ang mga fire ball kung saan. At naging ilaw sa madilim na lugar.

"Nasa trap na namin kayo. Gamay namin ang nandito sa loob ng shadow world namin"-bagot na saad ni Persephone habang nakapameywang.

"Yeah."-ngising saad ni Accuis habang may nakasuot na eye glasses sa mga mata niya. Pati rin ang iba pwera kay Persephone.

"Thanks to Tenleigh's invention we can clearly see in the dark"- mahabang na saad ni Kegan at tsaka sinabayan ng tawa.

Nakaupo lang sa ice floor sina Kaira, Thea at Alfonso habang masama ang tingin sa mga royalties. Puno narin sila ng sugat.

Marahas na ginamit ni Alfonso ang kanyang kapangyarihan para matangay papalayo si Kegan.

"Kegan!"-sigaw nilang lahat nang makita nila ang isang kasama nila na mabilis na bumulusok sa kung saan.

Mabilis namang ginawan ng paraan ni Elliott kaya ang dalawang kamay ni Alfonso ngayon ay balot na sa yelo.

"Damn!"

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now